Kabanata 1

195 12 9
                                    

CLARA

Takot at excitement. Iyan ang nararamdaman ko ngayon habang nasa kotse galing sa airport papunta sa bahay ni Tita Beng. Takot, dahil hindi ko alam ang pasikot-sikot dito sa Manila. Paano kung mawala ako? E wala naman akong kotse. At the same time, nakakaramdam ako ng excitement. Bagong lugar din kasi. Bagong mga tao. Bagong buhay talaga.

Hindi naman sa ayaw ko yung buhay ko dati. Sa totoo lang, kung pwede lang na hindi ko iwan ang buhay ko sa Saudi, gagawin ko e. Kaso gano'n talaga. Walang nananatili sa Saudi habang buhay. Babalik at babalik ka pa rin sa Pilipinas.

Hindi ko maiwasang alalahanin yung unang punta ko sa Saudi. Grade 4 pa lang ako noon. Umiiyak ako sa biyahe namin papuntang Manila kasi mamimiss ko ang mga kaklase ko sa dati kong school. Binigyan naman ako nina Mama at Papa ng desisyon kung tutuloy ako sa Saudi o hindi. Mas pinili kong pumunta at sumunod sa Saudi kung nasaan sina Mama at Papa kasi mas gusto ko silang makasama. Doon kasi sila nagtatrabaho. Si Mama, bilang nurse. Si Papa, bilang engineer.

Malungkot ang unang taon ko do'n pero nakahanap naman ako agad ng kaibigan. Pasalamat na lang ako sa mga anak ng mga katrabaho nina Mama at Papa. Isa na doon si Isaac, ang katangi-tanging anak ni Tita Beng na nasa Saudi.

Ngayon ko lang din nalaman na may isa pa palang anak si Tita Beng na mas matanda kay Isaac—si Ate Dia, short for Diana. Sila ng asawa niya ang sumundo sa aming dalawa ni Mama galing sa airport.

"Ano nga ulit ang course mo, Clara?" tanong ni Ate Dia.

Binaling ko ang tingin ko sa rear view mirror. "Dentistry po, Ate."

"Wow. Doc Clara in the making ka pala," sabi niya. Hindi ko na alam kung anong isasagot ko kaya ngumiti na lang ako.

"Kaya nga," Mama agreed. "Mahaba-habang bayaran 'to ng tuition."

Nung una nga, sinusubukan pa nila akong kumbinsihin na kumuha ng course na 4 years lang, katulad ng Nursing o Medical Technology. Healthcare field pa rin naman daw. Pero sabi ko naman sa kanila, mas gusto ko mag-Dentistry kasi doktor na ako agad. Isa pa, interesado naman talaga ako sa pag-aaralan ko do'n.

"Si Isaac pala," banggit ni Mama, "incoming college freshman din siya, 'di ba?"

"Ah opo, Tita," sagot ni Ate Dia. "Data Science daw po ang kukunin niya e."

Grabe. Data Science. Sabagay. Matalino naman kasi talaga si Isaac pagdating sa computer at math. Palagi nga 'yong nakaharap sa computer dati kasi mabilis ang Internet sa Saudi. Kamusta na kaya siya matapos noong...?

Sa totoo lang, kanina pa akong kinakabahan. Sasabihin kaya niya sa mga magulang namin kung anong nangyari sa aming dalawa? Paano ko ba siya haharapin? Kakausapin ko ba siya katulad ng dati? O h'wag na lang?

Ang dami ko ring gustong itanong kay Ate Dia tungkol kay Isaac. May bago na kaya siyang girlfriend? Nakukwento niya kaya ako sa kanila? Paborito pa rin kaya niya ang shawarma? Miss na ba niya ang shawarma? E ako, miss na kaya niya ako?

Paulit-ulit ang mga tanong na yun sa utak ko hanggang sa nakarating na rin kami sa wakas sa bahay nila. Tumambad sa amin ang isang three-storey na bahay. May malaking blue gate na nakaharang sa harap para protektahan ang bahay. Nagtulungan sina Mama, Ate Dia, at ang asawa niya para ibaba ang bagahe namin.

Ilang minuto pa lamang ay may sumalubong sa aming matabang babae na halos kamukha ni Tita Beng. Mas nagmukhang masungit ito dahil sa isang kilay niyang nakataas. Baka isa ito sa mga kapatid niya. Nakumpirma ko ang hinala ko nang tawagin siya ni Ate Dia. "Tita Mariel, ito nga po pala sina Tita Cla at Clara," pagpapakilala niya sa amin. "Si Tita Mariel po pala, panganay na kapatid ni Mama." Nawala ang katarayan si mukha ng kapatid ni Tita Beng nang malaman niya kung sino kami.

Lumapit ako sa kanya para magmano. Nakasanayan ko na rin kasi ito sa Saudi kahit na hindi ko naman sila ninang o ninong. Pagpapakita lang din ng galang sa kanila.

"Napakabait na bata naman pala nitong si Clara," sabi ni Tita Mariel. Nginitian ko na lang siya kasi hindi ko alam kung paano ko siya sasagutin. Isa pa, hindi naman siya nagtanong e. Hindi naman siguro ako obligadong sagutin 'yon. "Halina kayo sa bahay! Baka naghihintay na 'yon si Nanay. Kumain muna kayo. Sila na ang bahala d'yan sa bagahe niyo."

Pinakiusapan na lang ni Mama ang asawa ni Ate Dia at ang iba pang mga lalaki na bigla na lang sumulpot. Hindi ko rin alam kung saan sila galing at kung sino sila. Hindi ko naman sila kilala e.

Pagpasok namin sa bahay ay sinalubong kami ng isang matandang babaeng nakasuot ng daster. "Nay Maying, hello po!" bati ni Mama saka niyakap ang matanda.

Niyakap naman pabalik ng matanda si Mama. "Kamusta ka na, hija? Kamusta ang biyahe?"

Inalalayan ni Mama ang matanda papunta sa kabiserang upuan. "Ayos naman po. Hindi po namin namiss ang traffic at polusyon dito sa Pilipinas."

Isa 'yon sa napansin kong pagkakaiba ng Pilipinas at Saudi. Sa Saudi kasi, minsan ka lang makakita ng traffic do'n. Mga kaskasero pa nga yung ibang mga driver do'n. Dito sa Pilipinas, halos hindi na kayo gumalaw sa daan dahil sa traffic. Mas madalas din akong makakita ng mga taong namamalimos sa daan. Sa Saudi kasi, bihira lang ako makakita ng gano'n.

Hay. Namiss ko na naman tuloy ang sandbox.

Na-distract naman ako sa amoy ng mga ulam nang buksan nila ang mga kaldero. Sari't saring ulam ang inihain nila sa amin ngayon. Kare-kare, abodong baboy, pinakbet, kilawen, relyenong bangus, at sinigang na baboy. Tila nakalimutan ko ang mga iniisip ko kanina dahil sa mabangong amoy ng mga ulam. Ito yung namiss ko dito sa Pilipinas—mga lutong bahay na baboy. Matagal-tagal na rin akong hindi nakakakain ng baboy e.

"Ito ang namiss ko!" tuwang tuwa na sabi ni Mama na sinamahan pa niya ng palakpak nang makita niya ang mga pagkaing nakahain.

Nagdasal muna kami bago kumain dahil 'yon din ang nakasanayan namin. Pagkatapos no'n ay nagsimula na kaming kumuha ng mga makakain.

"Clara, kuha ka lang ng ulam, ha?" bilin sa akin ni Nang Maying.

"Opo," sabi ko na sinamahan ko na rin ng tango kasi baka hindi niya narinig ang boses ko. Ganito kasi ako kapag bago ko lang nakilala. Nahihiya pa ako kaya mahina pa ang boses ko. Pero kapag tumagal na, lumalakas naman ang boses ko.

Pero ang totoo n'yan, sinusubukan kong h'wag masyadong lakasan ang boses ko dahil baka marinig ako ni Isaac. Kanina pa nga ako lumilinga sa paligid kasi baka bigla siyang sumulpot. Hindi ko talaga alam kung anong gagawin ko kapag nakita ko siya.

Babatiin ko ba siya? Magpapanggap ba ako na para bang walang nangyari sa aming dalawa? O tatratuhin ko siya katulad ng dati?

"Si Isaac nga po pala, nasaan?" tanong ni Mama sa kanila. Para bang nababasa niya kung ano yung nasa isip ko.

"Ah, pumunta po ng campus niya. May inasikaso po yata bago po magsimula ang semester," sagot ni Ate Dia.

Anong oras kaya 'yon uuwi? Makikita ko ba siya bago kami umakyat sa kwartong rerentahan ko? Baka kasi hindi ko kayanin bumaba para lang makita siya. Baka kung anong isipin niya.

Tuloy-tuloy lang ang kwentuhan nila habang ako, abala sa pag-iisip kay Isaac. Hay, Clara. Dapat kasi tinigil ko na 'tong pag-iisip sa kanya e. Ako naman kasi ang may pasimuno bakit kami nagkaganito. Dapat hindi ko na siya iniisip.

Bakit naman kasi pumayag pa akong tumira dito sa kanila? Ah, naalala ko na. Wala nga pala kaming choice kasi biglaan din yung pag-uwi ko rito sa Pilipinas. Hindi namin inaasahang matatanggap ang late application ko sa campus na papasukan ko. Buti na lang pumayag si Tita Beng na rentahan muna namin yung bakanteng kwarto sa bahay nila.

Imbes na mag-overthink pa ulit, kumain na lang ako at nakinig sa usapan nila. Para maiwasan ko na rin ang pag-iisip kay Isaac. Baka mabaliw ako ng wala sa oras. Hindi ko pa siya nakikita ulit sa lagay na 'to a.

Akala ko makakakain na ako nang mapayapa. Doon ako nagkakamali. "Ayan na pala si Isaac e!" sigaw ni Ate Dia kaya pare-parehas kaming napatingin sa may pinto.

Malaki ang pinagbago niya. Mas lalo siyang tumangkad at nagkaroon ng laman. Mas pumuti rin siya ngayon. Nagmukha rin siyang mature sa gupit ng buhok niya ngayon. Mas naging malinis ang itsura niya.

Pero may mga bagay pa rin na hindi nagbago. Ganun pa rin siya tumingin. Sobrang intense na pakiramdam ko malulunod ako sa tingin niya. Ganun pa rin ang epekto niya sa akin. Bumibilis pa rin ang tibok ng puso ko tuwing nandyan siya. Walang nagbago.

Commuting for Dummies (Manila Commuters Club, #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon