ISAAC
Katulad ng nakagawian namin ni Clara, pagkatapos ng klase ko ay ite-text ko kung nasaan na siya. Mabuti na lang at hindi kami sumali sa mga orgs ngayong taon kaya hindi namin kailangang mag-stay sa campus. Kaya palagi pa rin kaming sabay umuuwi.
Pero ibang usapan 'tong araw na 'to dahil ngayon ko lang hindi makakasama si Clara pauwi.
Clara:
nde aq sasabay sau todeiIsaac:
Bakit?Napakamot ako sa batok ko. Nagmumukha akong jowa nito kahit hindi naman. Ewan ko ba. Pagdating kay Clara, parang automatic na akong nag-aalala sa kanya. Siguro parte na yung nakasabay ko siyang lumaki noong mga bata pa lang kami. Kabisado ko na si Clara. Kahit only child 'yan, hindi sanay 'yan mag-isa. Kaya nga alam kong umiiyak 'yan gabi-gabi kahit hindi ko nakikita.
Parte na rin siguro yung muntikan ko na siyang maging girlfriend dati. Halos araw-araw kaming magkasama dahil bukod schoolmates kami, magkalapit lang din ang bahay namin. Madalas pang magkasabay lumalabas at gumagala ang pamilya naming dalawa roon. Pakiramdam ko nga mas kilala ko pa siya kaysa sa mga magulang niya.
At kung may taong mang nakakakilala sa akin ng lubusan, si Clara 'yon. Sabi ng mga kaibigan ko, masyado raw akong tahimik. Sina Tanya at George nga, hirap na hirap daw akong kausapin dahil ang tipid ko raw makipag-usap.
Pati yung pamilya ko, gano'n ang sinasabi tungkol sa akin. Sa amin daw magpipinsan, ako raw yung mapapansin mo lang dahil sa katangkaran ko. Hindi mo raw mamamalayang wala ako dahil hindi naman ako madalas nakikipag-usap sa mga tao.
Kasalanan ko bang boring silang kausap?
Si Clara kasi, kahit hindi ako magsalita ayos lang. Kahit maiikli ang mga sagot ko, ayos lang. Dahil isang tingin ko lang, gets na niya agad. Kahit na wala akong sabihin, ayos lang kasi marunong siya magbasa ng galaw ko.
Bilang tao na hindi magaling gumamit ng mga salita para sabihin ang nais kong iparating, malaking bagay sa akin ang maintindihan ako ng mga tao base sa mga kinikilos ko.
Naputol ang pag-iisip ko nang lumiwanag ang cellphone ko.
Clara:
may gagawen langz aqIsaac:
Hintayin na kitaClara:
luh wag naIsaac:
Kabisado mo na ba kung paano umuwi?Clara:
oum ssobIsaac:
Text ka kapag kailangan mo ng tulongClara:
opo tay xD
Isaac reacted with hahaKahit subukan kong hindi mag-alala, hindi pa rin maalis sa isip ko si Clara. Sana makauwi siya ng ligtas mamaya. Kahit naman kasi gusto ko siyang hintayin, kailangan kong pabayaan siyang mag-commute mag-isa para kahit wala ako, kaya niyang pumunta sa mga pupuntahan niya.
Kilala ko na 'yan si Clara. Saka lang 'yan matututo kapag nagawa niya yung bagay na yun mag-isa. Kahit pa magkamali siya, ayos lang. At least, alam na niya kung anong hindi niya gagawin sa susunod na subok niya.
───────────────
Buong gabi ko hinintay si Clara sa veranda namin para masigurado kong nakauwi na siya. Kanina pa nga ako nakaabang sa phone ko kasi baka bigla siyang mag-text.
Sinilip ako ni Ate Dia ulit. "O, wala pa rin si Clara?"
"Wala pa rin, Ate, e," sagot ko. Kanina pa ako nag-aalala sa kanya.
Paano na lang kung may nangyaring masama na pala sa kanya? Ang dami pa namang manloloko d'yan sa labas. Hindi mo alam kung masamang tao yung nakakasalamuha mo o hindi kaya kailangan mag-ingat palagi.
Paano kung naligaw 'yon? Paano kung hindi pala siya nakababa sa tamang station? Alam kaya no'n kung paano bumalik? Paano kung hindi pa siya nakasakay sa LRT? Alas nuwebe na e!
Mabilis ko siyang tinext ulit kahit na ilang beses na akong nagte-text sa kanya.
Isaac:
Anong oras ka uuwi?Isaac:
Chat ka pag pauwi ka na
O pag need mo ng helpIsaac:
IngatIsaac:
Nakasakay ka na ba sa LRT?
10 pm ang last trip nyan ahNaiinis ako kasi kahit seen, hindi niya magawa. Hindi tuloy ako mapakali! Dahil ayokong maibunton ang inis ko kay Clara, sa iba ko na lang ibubuhos 'to.
Isaac:
KairitaTanya:
Problema moGeorge:
Ano na naman kasalanan naminIsaac:
Bobo sinabi ko bang kayoTanya:
Ayan kase HAHAHAHAHAGeorge:
HAHAHAHAHAHAHAHAHA BADTRIP
Eh bakit mainit na naman ang ulo moIsaac:
Si Clara kasi di pa umuuwi
Di pa nagrereply
Baka mapano yunTanya:
SowsGeorge:
HAHAHAHAHAHAHAHAHHAIsaac:
Potek tinawanan pa ko
Geh sarap niyo kausap talagaGeorge:
HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA KASI NAMAN PRETanya:
Nagkabalikan na ba kayo?Isaac:
HindiTanya:
Tange tunog jowa ka tapos di pa pala kayo nagkakabalikan
Malala ka naGeorge:
Ang tanong: may balak ka bang balikan si Clara?Isaac:
Tanga bumalik na nga ehTanya:
Sayo ba siya? HindiIsaac:
Taena bakit ko ba kayo kinausap
Mas nairita lang ako badtripGeorge:
HAHAHAHHAHAHAHAHAHAHA
Pero pre kalma lang
Baka wala lang load yung tao
Isaac reacted with likeKahit anong sabihin ng mga kaibigan ko, hindi ko pa rin maiwasang mag-alala. Pakiramdam ko aatakihin ako sa puso kakaisip sa kung anong pwedeng mangyari sa kanya.
Paano kasi kung na-kidnap 'yon? Ang liit pa man din niya. Madaling tangayin dahil sa liit at gaan niya. Tapos hindi rin marunong 'yon depensahan yung sarili niya. Uso pa naman yung mga puting van ngayon!
Naalala ko na naman yung sinabi ni George kanina. Paano nga kaya kung wala nga palang load si Clara? Pinadalhan ko siya agad ng load.
Isaac:
Wala ka bang load kaya di ka nagrereply?
Ayan niloadan na kita
Magreply ka na sa akin parang awa mo na
Para hindi ako nag-aalala sayoSinandal ko ang ulo ko sa pader pagkatapos kong i-send yung text ko. Paano ba ako kakalma? Ang pangit sa pakiramdam ng nag-aalala ka sa taong wala ka namang karapatang mag-alala.
Ilang minuto pa ay umilaw ulit yung phone ko kaya mabilis ko itong tinignan.
Clara:
d2 na aq sa g8Mabilis akong napatayo saka bumaba para salubungin siya. Pagkabukas niya ng gate, agad ko siyang niyakap nang mahigpit. Hinimas-himas ko ang buhok niya saka hinalikan iyon. "You, dummy! Akala ko kung ano na nangyari sa 'yo."
Naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin. "Nakauwi na ako."
BINABASA MO ANG
Commuting for Dummies (Manila Commuters Club, #2)
General FictionManila Commuters Club, #2 Hindi marunong mag-commute ang college freshman na si Clara dahil sa Saudi Arabia siya lumaki. Dahil doon, napilitan ang childhood friend at ex niya na turuan siya kung paano mag-commute. Mahanap kaya nila ang daan pabalik...