MANILA COMMUTERS CLUB
Group participant
Just now • 🌏[#COMfessions]
Isang malaking digmaan ang commute scene dito sa Metro Manila. Lalo na para sa aming lumaki sa Middle East.
Nasanay kami na hatid-sundo kami ng mga school bus doon. Kung hindi school bus, private cars. But unfortunately, we don't have such luxury here in the Philippines. Kaya kinailangan kong matuto kung paano mag-commute.
Nung una, sobrang nakakatakot. Paano na lang kung mawala ako sa daan? Paano ako uuwi nang ligtas? Marami akong inalala noon bago ako tuluyang iwan ng mga magulang ko papuntang Middle East ulit pero hindi ko pinakita 'yon sa kahit kanino. Lalaki ako e. Dapat hindi ako nagpapakita ng takot sa harap ng ibang tao.
Isang beses, naligaw ako at napunta sa isang bilyaran. Magtatanong lang sana ako kung paano pumunta sa LRT station kaso ewan ko ba. Parang may humihila sa akin na pumasok sa loob. Kaya ayun, pumasok nga ako. Hindi ko alam na doon ko pala makikilala ang mga kaibigan kong tutulong sa akin sa pagko-commute. Tinuruan ko silang maglaro ng bilyar, samantalang tinuruan naman nila ako kung paano mag-commute, lalo na ang mga pasikot-sikot dito sa Manila.
Lahat ng natutunan ko sa kanila, ipinasa ko rin sa taong sobrang mahalaga sa akin. Childhood friend ko siya na galing din sa Middle East. Alam na alam ko yung takot na naramdaman niya kaya hangga't maaari, itinuro ko sa kanya lahat ng alam ko pagdating sa commute.
At ngayong marunong na siya, hindi ko na ulit siya makakasabay sa biyahe ko pauwi pero ay's lang. Ang mahalaga, alam kong babalik at babalik din siya sa akin.
Hey, dummy. I want you to know that no matter what road I take, it would always lead me back to you.
♥️ Clara Ocampo and 4K others
159 Shares
Top commentsTanya Roque
Alexa play Pabalik Sa'yo by Darren Espanto
23 😆Haniya Mustafa
naranasan ko rin yan e yung maligaw
30 😆Bridgit Adriano
Ace basahin mo to oh!
1 ♥️
BINABASA MO ANG
Commuting for Dummies (Manila Commuters Club, #2)
Ficção GeralManila Commuters Club, #2 Hindi marunong mag-commute ang college freshman na si Clara dahil sa Saudi Arabia siya lumaki. Dahil doon, napilitan ang childhood friend at ex niya na turuan siya kung paano mag-commute. Mahanap kaya nila ang daan pabalik...