Chapter Three.
Sky's PoV
Habang nagluluto si hannah ng agahan ay naupo na lamang ako sa sofa at humiga na muna saglit dahil medyo hindi pa maayos ang pakiramdam ko
Hindi ko talaga alam kung bakit bigla na lang sumakit ang ulo ko siguro ay dahil 'to sa stress? Ewan.
"Ano niluluto mo?" tanong ko habang pinapanood siya
"Sopas, para naman mainitan 'yang tiyan mo at makainom ka na ng gamot."
"Ang sweet mo naman, gusto mo apply ka na dito bilang katulong ko?" biro ko
Binigyan naman niya ako ng masamang tingin at binato ng hawak niyang pot holder.
"Ang ganda naman masyado ng katulong mo kung ganun, saka I'm expensive, you can't afford me." taas noo niyang sabi at sabay hampas ng kaniyang mahabang buhok
Ang hilig mag ganyan akala mo naman sponsor ng shampoo. Inismiran ko naman siya.
"Kung sabagay, I will not waste my money on you." sabi ko sabay takbo papunta sa cr
"Aba'y siraulo ka ah!" rinig kong sigaw niya
Natatawa akong nasa banyo. The inisin si hannah mission is accomplished. Haha
Pagkatapos ko maligo ay sunalubong sa akin si hannah na nakaabang na marahil kanina pa sa pinto. At alam niyo naman kapag asarin talaga ay mapaghiganti. Bigla akong nilagyan ng whipped cream sa mukha kaya naman I need to wash my face, again!
"Bwisit ka talaga kahit kailan, ngudngod kita dito sa inidoro." inis na sambit ko habang nililinis ang mukha
"Deserve!" humalaklak pa siya
Pikon kasi
After namin kumain ay nauna nang umalis si hannah dahil may trabaho pa ito.
naisipan kong tawagan si mom at baka nagaalala na yun sa'kin dahil hindi man lang ako nakapunta sa kanya kahapon nang dahil nga sa biglaan nalang sumama ang pakiramdam ko
kinuha ko ang phone ko at idi-nial ang number ni mom
"Ma-"
"Mag-usap tayo sa bahay ngayon din mismo." pagkasabi niya non ay kaagad niyang ibinaba ang linya
Huh? anyare dun?
Nagtatakang tumingin ako sa cellphone ko at sinusubukang isipin kung bakit ganon ang inasta ni mom ni-minsan hindi ako binabaan ng tawag ni mom ngayon lang
bakit kaya?
kaagad kong tinawagan si hannah baka mamaya may sinabi na naman itong kung ano kay mom.
"O? Miss mo na kaagad ako?"
"Kapal mo. Nasaan mo nilagay yung bag ko?"
"Naandiyan lang yan, hanapin mo nalang. May ginagawa pa ako, istorbo ka." at ibinaba na ang tawag
Nakakainis naman 'tong babaeng 'to!
Makapaglinis na nga ng bahay para makita ko na din kung saan niya nailagay yung bag ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/323387426-288-k527605.jpg)
YOU ARE READING
First Love (Ongoing)
RomanceExpect typo-grammatical errors ahead! Don't expect too much because I am not a perfect writer to write a perfect and flawless story. ^_< "She fell first, but he fell harder." 9 years ago, Alexis is sky's first love. She secretly having a crush on h...