Chapter 14

180 28 1
                                        

Chapter Fourteen.

Nang malapag ko na ang mga pagkain ay naupo na ako upang makakain. Umupo na rin si hannah at xy sa harapan ko. Nakatitig silang pareho sa akin at naghihintay sa sasabihin ko.

"So, ano ba talaga nag nangyari? Gusto ko yung simula tapos hanggang wakas, para di ako nabibitin." Advance na sabi nito

Sumimsim na muna ako ng kape bago magsimulang magsalaysay.

Habang sinasabi ko sa kanila ang mga naganap ay tahimik lamang silang nakikinig. Nang masabi ko ang parte na kung saan biglang sumulpot si Alexis ay napatakip ng kaniya kaniyang bibig ang dalawa at animo'y kinikilig pa.

"May... point ka naman diyan, friend pero, paano kung sadyang busy lang siya nun that time kaya hindi siya nakapagpakilala sayo kaagad agad hindi ba?" Paliwanag ni xy

Well, she have the point.

"Oo nga naman," pag-sangayon naman ni hannah

"Depende nalang kung nakilala ka na niya bago mo pa siya nakilala kaya hindi siya kaagad nagpakita sayo kase naguguilty siya sa mga ginawa niya sayo o 'di naman kaya ay nakalimutan ka na niya. Hayst, ituloy mo na muna,"

Natawa naman ako bago magpatuloy

Pinagpatuloy kong muli ang pagkukuwento.

Kung iisipin wala na siyang karapatan pa makipagkita sa akin dahil wala na kami at ayaw ko na siyang makita pang muli.

Hindi ko alam kung ano ba dapat ang maramdaman ko dahil nakita ko na siya ulit, kahit na sabihin kong galit ako ay hindi naman talaga yun ang specifically na nararamdaman ko. I want a closure. I want an acceptable reason kung bakit niya ako kailangang iwan ng ganon ganon na lang.

"Aba naman talaga, hindi ba siya nagsorry sayo?"

Umiling ako.

"Iniwan ko kaagad. At isa pa sa kanya na yung sorry niya di ko naman kailangan yun." Sabay kagat ko ng pagkain

Sa mga panahong kailangan ko ng explanation wala namang dumating, ni kahit isang salita na paalam wala akong narinig o natanggap kaya sa tingin niya maibabalik niya pa ang tuluyan ng nawala?

"Ay... Taray, Ikaw naman yung nangiwan?"

"Anong gusto mo? Ngitian ko pa dahil nasa harapan ko siya?" I sarcastically said

I rolled my eyes and back my attention to my food.

"Pero teka, kamusta na ba siya? Ano ng itsura niya? Lalo bang pumogi? Aminin gwapo na siya noon pa." Nakangising sabi niya

Bahagya naman akong natigilan at di makapaniwalang tiningnan siya.

"Ano ba naman yan? Bakit parang okay lang sa inyo? Ako nga tong gulong gulo na sa sitwasyon ko." Inis na baling ko sa dalawa

"Nakakaloka ka, raine. Kinikilig ako! Isipin mo pano kung bumalik siya para ibalik ka ulit? My ghad!" Kinikilig pa niyang aniya

"Agree!" Pagsang ayon pa ng isa

Di makapaniwalang tiningnan ko ang dalawa. Bahagya ko pang naitarak ang tinidor sa pagkain ko habang nakatingin sa kanila.

"Nababaliw ka na ba? O baka naman nasiraan ng bait? Hoy hannah, baka nakalimutan mo ang ginawa sa akin nung pesteng iyon?" Inis na tanong ko rito at gustong ipaalala sa kanya ang bawat pangyayari na ginawa sa akin ng pesteng yon

Natawa naman siya ng bahagya "Peste? Kanina tinatawag mo siyang heartbreaker ngayon peste na?" Wika nito at tumawa pa

Tsk!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 07, 2024 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

First Love (Ongoing)Where stories live. Discover now