"Anak! Happy birthday!!" maligayang salubong sa'kin ni momNapailing na lamang ako at napangiti dahil ni minsan hindi niya nalimutan ang aking kaarawan.
"Thanks, mom. Pero sa next week pa ang birthday ko."
Kasalukuyan akong kumakain ngayon ng agahan, maaga akong nagising dahil may pasok pa'ko. I have a meeting with Mr. Sanchez, ang ama ng kaibigan kong si Levi. Matagal nang magkaibigan ang aming pamilya bago pa lamang kami ipanganak kaya ganun na lamang ang bonding ng family namin everytime they gathered or met in one place.
May times nga na name-mention nila na ipagkasundo kami ni Levi na magpakasal, pero tumanggi kami kaagad dahil wala naman kaming romantic feelings na nararamdaman para sa isa't isa.
Si levi kasi yung tipong lalaki na hindi ko magugustuhan. Ayoko sa lalaking pilosopo at mahilig mang-asar tapos feeling pogi pa ang hangin sobra.
Mahilig si mom na mag organize ng birthday naming magkakapatid mas gusto niya ang engrande pero mas gusto ko simple lang. Mabilis siyang lumapit sa'kin at umupo sa tabi ko.
"Edi, advance happy birthday!!" masayang bati uli sa akin ni mom
"Anak, what kind of celebration do you want?" tanong niya
Nginuya ko muna ang pagkain na kinakain ko at uminom ako ng tubig bago sagutin.
"A simple celebration will do. yung tayo-tayo lang." sagot ko at muling sumubo nang kanin
"Tita!! Good morning!!" Speaking of which, dumating na ang sipsip kay mom
Napalingon naman si mom at tumayo para salubungin ng yakap si levi
Nakikinanay na naman 'tong lalaking 'to.
"Levi hijo, nag-agahan kana ba?" kaagad na tanong ni mom
Heto na naman, malamang di yan tatanggi mas gusto niya pa daw luto ni mom kaysa sa mga nakakain niya sa restaurant.
Galing mang-uto pero masarap naman talaga mag-luto si mom ayun nga lang di ko namana.
Ang saklap di'ba?
"Mom wag mo nang tanungin yan based on his expression, at sa ugali niyan? Hindi yan tatanggi sa aalokin mo sa kanya." sabi ko dahilan para matawa si mom
Ngumiti lang ang loko. Kahit kailan abnormal talaga pa'no ko kaya naging kaibigan 'to?
"O siya, sige at ipaghahanda na kita ng agahan mo ng makapag-sabay na rin kayo ni leigh papasok sa trabaho ninyo." sabi ni mom at sabay ngiti
Pagka-alis ni mom ay kaagad na lumapit si levi sa akin at umupo sa tabi ko
"Buenos días, mi amiga!" Bati niya sa'kin na may ngiti pa
May pa español pang nalalaman, akala mo naman talaga may alam sa spanish.
"Ano na namang kailangan mo?" direktang tanong ko
"Wala naman akong kailangan eh, di'ba birthday mo na next week?" tanong niya
Kaibigan ko ba talaga 'to? Ngayon napapaisip na talaga ako kung saan ko nga ba banda naging kaibigan ang isang 'to,
Napaka oa kasi
"Hulaan mo." pabarang sagot ko sa kanya
Napasimangot naman ang mukha niya. Katulad niyan, diba? Parang timang lagi nalang nakakalimutan birthday ko
Sa bagay kahit birthday niya 'di ko na matandaan eh
"Tanungin ko na lang si tita, mukhang wala akong makukuhang matinong sagot sa'yo." sabi niya pa at saka kinuha yung plato ko na may lamang cake na sana ay para sa dessert ko
![](https://img.wattpad.com/cover/323387426-288-k527605.jpg)
YOU ARE READING
First Love (Ongoing)
RomanceExpect typo-grammatical errors ahead! Don't expect too much because I am not a perfect writer to write a perfect and flawless story. ^_< "She fell first, but he fell harder." 9 years ago, Alexis is sky's first love. She secretly having a crush on h...