Chapter 11

241 27 0
                                    

Chapter Eleven.


Umagang umaga ay sumasakit na ang ulo sa kunsumisyon dahil kay Hannah at xyleneth. Sinalubong ba naman ako ng pagkaaga aga sa bahay ko at sasabihin lang na may problema sila- a love problem.

Jusko!

"Di ko alam eh bigla nalang naging ganun. Gumising nalang ako na nainlove na pala talaga ako sa kanya." Saad niya pa na tila kinikilig na parang inaalala pa ang mga oras na nangyari iyon

Napairap naman ako.

"Anong di mo alam? Katawan mo yan, Ikaw ang nagpapatakbo niyan tapos di mo alam? Ano yun magic?" May bahid ng pagkasarkastiko ang boses ko ng sabihin iyon

"Di naman ako ang nagkokontrol ng puso ko eh. Kung pwede ko lang kontrolin 'di sana hindi ako nahulog sa kanya di'ba? 'Di sana pinigilan ko at sa iba ko ibinaling at hindi sa kanya." Makahulugang sabi pa niya

Kumunot naman ang noo ko. Kung makapag salita naman 'to akala mo andami na talagang karanasan sa buhay

"Sino ba kase iyang tinutukoy mo? Kanina pa ako advice ng advice rito pero di ko man lang kilala ang lalaking ikinukwento mo." Inis na sabi ko

"Tapos kay aga aga maaga niyo akong pinuntahan dito tapos ibubungad niyo lang sa akin na inlababo na naman kayo?"

Inis na ginulo ko ang aking magulo nang buhok hudyat na talagang kakagising ko lang. Ni hindi man lang ako pinag banyo para makapag ayos na ng sarili ko

Ngumuso naman ito at pinaglalaruan ang kamay.

"Sorry na nga, wag ka na magalit nakakapangit yan sige ka." She tried to apply joke to make me laugh but it didn't work.

"Oh, 'wag na akong magalit? Sino bang may sabi na galit ako?"

"'Di ka galit? Eh umuusok na nga iyang ilong mo," natatawang sambit niya

Inirapan ko na lamang siya. Inis ko namang ibinaling ang aking tingin sa isang babaeng inlababo rin. Nakaupo lamang ito at nakayuko habang pinagmamasdan ang sahig na para bang may makikita ka roon na kakaiba.

"Oh, Ikaw? Sino ang pinoproblema mo? 'Wag mong sabihing ex mo yang tinutukoy mo? Naku, Hannah sinasabi ko sa'yo layuan mo ako kapag nakipagbalikan ka na naman doon!" Sunod sunod kong saad

Wag ko lang talaga na malalaman na si tipaklong ang tinutukoy nitong si Hannah dahil kung siya talaga ay baka iunfriend ko na siya, hindi lang sa Facebook pati na rin sa real life.

Itinaas ko ang kilay ko nang hindi siya makasagot kaagad. Antagal ah?

"Don't worry, It's not him." Sagot nito

Nakahinga naman ako ng maluwag nang marinig iyon sa kanya. Nawala ang sakit ng ulo ko at tiningnan si Hannah.

Sinusubukan kong basahin ang kung ano man ang sasabihin niya pero ang tanging nakikita ko lamang ay para siyang isang lantang dahon na nalalaglag sa sanga

"Good to know that. Kung hindi siya, edi sino? In love ka rin ba, Hannah? O baka naman problem lang yan sa trabaho or something?"

Humugot ito ng isang malalim na paghinga bago magsalita.

"That's what I have to find out. I don't know what I'm feeling towards him, Raine. I actually don't know if I'm in love with him or not. Kaya nga ako nandito because I want some advice from our dearest love doctor namin." Sabi nito tsaka tumingin sa akin ng diretso

Hanep, nambola pa nga

Napabuntong hininga naman ako at kinalma ang sarili ko. Inayos ang upo sa isang posisyon na magiging komportable ako. 

First Love (Ongoing)Where stories live. Discover now