Chapter 10

236 24 0
                                    


Hindi ako nakatulog ng mapayapa katabi dahil sa nangyari kahapon. Ngayon ay Friday na March 17, 2023. Mayroon na lamang akong dalawang araw para magturo sa Catholica college. Hindi ko alam kung magreresign ako o hindi, medyo naguguluhan ang utak ko sa pagdecide ng bagay na ito ayoko namang sawayin si dad at ayaw ko rin namang mag-away kami dahil doon.

Bumangon na ako sa aking higaan at inayos ang higaan ko bago bumaba para kumain. Wala sana akong balak na sumabay sa pagkain ng agahan ngayon sa ibaba dahil medyo naiinis pa rin ako sa sinabi nila kahapon pero nagdecide nalang ako na sumabay na lamang sa kanila dahil yun ang nakasanayan namin at para nakausap si dad tungkol doon.

Nadatnan ko si mom na nagluluto ng agahan sa kusina kasama si manang. Nakita niya ako kaya agad siyang ngumiti at kumaway sa akin

"Good morning, anak!" Masayang bati ni mom

Ngumiti naman ako sa kanya bilang tugon pero alam ko na ang ngiting ito ay hindi ganon kasaya

Ngumiti rin sa akin si manag at binati ako kagaya ng itinugon ko kay mom ay ngumiti lang din ako kay manang

"Mabuti naman at nagising ka na, malapit na itong maluto." Sabi ni manang at tinutulungan si mom na magluto

"tumulong si mom mo sa pagluluto ngayon dahil wala naman raw siyang gagawin, ipinagluto ka rin niya ng paborito mong pork binagoongan at adobong gata." Dagdag na sabi ni manang ngumiti naman si mom sa akin

Naamoy ko nga ang halimuyak ng kanilang mga niluluto kaya naglaway naman ako kaagad dahil nagugutom na rin ako kanina pa kumakalam ang sikmura ko dahil nakalimutan ko atang kumain kagabi bago matulog.

Si manang ay matagal na sa amin. Isang taong pa lang ako ay nandito na siya bahay nagtratrabaho para sa amin. Mabait at palatawa si manang katulad ni mom kaya tuwing may kwento si mom ay sila lagi ang madalas na magkasama

Si manang napaka supportive sa mga bagay na ginagawa ko Kahit noon pa man kaya sobrang thankful kami na binigay ni Lord si manang sa buhay namin kase kung wala si manang sigurado akong wala kaming mahahanap na katulad niya.

Naupo na ako sa upuan at naghihintay na maluto na Ang mga niluto nila. Kanina pa ako natatakam dahil sa sarap ng naamoy ko.


I'm starving.

Napangiti ako nang makita ang dala-dala na ni manag at ni mom ang mga niluto nila kaagad akong kumuha ng Plato at sumandok ng kanin.

"Mukhang gutom na gutom ka ngayon anak, ah? Nauna ka pang umupo." Natatawang ani mom
Napangiti na lamang ako at inantay sila na maupo bago kumain.

Agad agad ko namang sinunggaban ang ulam na kanilang niluto. Ang sarap!

Ang tagal ko nang di nakakain ulit ng ganitong kasarap na ulam.

Parati na lamang kasing kumakain sa restaurant dahil sa mga kaibigan ni dad na di ko alam kung kaibigan niya ba talaga.

Napalingon naman ako sa paligid ng mapansing wala si dad sa paligid

"Mom, nasaan si dad?" Tanong ko at muling hinanap ng aking mata si dad

"Nauna na siyang umalis, anak. Aasikasuhin niya raw ang paglipat mo sa pwesto niya." Nagaalangang sabi ni mom
Napabuntong hininga naman ako.

First Love (Ongoing)Where stories live. Discover now