"May problema kaya sa kompanya niyo?"
Biglaan niyang tanong. Kahit siya ay nagtataka kung bakit ganoon na lamang ang sinabi dahil kung tutuusin wala naman akong interes doon.
Nagkibit balikat naman ako.
"I don't know..."
Kahit ako ay di alam kung ano ang dahilan ng pagtawag ni mom at lalo na'to sinabi niya rin ay importante iyon kaya medyo nagtaka rin ako dahil bakit kasama pa ako gayong hindi naman ako nagtratrabaho sa kompanya namin.
Hindi mawala sa isip ko kung gaano ka-seryoso ang tono ng boses ni mom nung tinawagan niya ako.
Ano naman kaya ang importanteng bagay na iyon?
***
"WHAT DID YOU JUST SAY, DAD?"
"This week, you will be working in our company as a CEO."
Nagulat naman ako sa sinabi ni dad sa akin. Tinitigan ko ng mabuti ang ekspresiyon ng mukha ni dad kung nagbibiro lang ba siya dahil mas gugustuhin ko pa na niloloko niya ako, pero nanatili itong seryoso kaya lumingon ako kay mom.
"Mom, what is the meaning of this?" tanong ko na may halo nang inis dahil sa nakikita at nararamdaman kong seryosong nakapaligid sa amin
Nanatiling tahimik lamang si xy na nakaupo malapit sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko at sinusubukan na pigilan ako.
Sinamahan niya kasi ako papunta rito at balak lang sana namin na dumaan lang at hindi na magtagal pero hindi ko naman akalain ang ganitong pangyayari.
"Raine, kalma ka lang..." pigil niya sa akin mukhang nakikita niya ang pagkainis ko ngunit di ko ito pinansin at hinihintay ko ang sagot ni mom sa tanong ko
Nag aalalang tiningnan ako ni mom at sinagot. "Anak, napagdesisyonan namin ng dad mo na Ikaw na ang magpatakbo ng kompanya simula ngayong linggo. Gusto naming magtrabaho ka na rito para magkaroon ka na ng experience magpatakbo ng isang kompanya..." mahina niyang usal
Napahilamos ako sa aking mukha at huminga ng malalim. Hindi ko alam kung ano ba dapat ang maramdaman ko dahil kahit sarili kong emosiyon ay naghahalo halo na.
"Nagdesisyon kayo ng wala ako?"
"sana kinausap niyo muna ako bago kayo nag decide! Mom, I am a teacher. A teacher!" I emphasize the word that I said
"I am teaching students for 4 years and you know that's what I like to do and that's my work! Tapos ngayon sasabihin niyo sa akin na magtratrabaho ako dito sa kompanya starting this week!?"
Nakakabigla naman kasi na sa isang iglap lang iikot na ang mundo ko sa mundo nila na pinaka ayaw ko.
Buong buhay ko di ko pinangarap na mag trabaho sa kahit na anong kompanya mahit sa sarili naming kompanya dahil ayokong pumasok sa mundo na ginagalawan ng magulang ko. Ayokong maranasan ang makatrabaho ang mga aroganteng mga tao lalo na ang mga pekeng taong nakikisipsip lang sa mga matataas ang katungkulan.
Tapos eto ngayon sasabihin nila sa akin na magtratrabaho na ako sa kompanya ngayong linggo at isa lang ang ibig sabihin no'n.
I've never imagined myself holding a company and working as a CEO of our company. I'm just seeing myself standing in front of students and happily teaching them.
YOU ARE READING
First Love (Ongoing)
Romance(First love is under editing, a lot will be change from now on. Expected that every parts are gonna be change and also the plot. The characters won't be change.^^ Expect typo-grammatical errors! Don't expect too much because I am not a perfect write...