Chapter Seven.
Sky's PoV
NANDITO na ako ngayon sa orphanage na sinasabi ni xyleneth. Maganda rito at puro masasayang bata ang mga naninirahan dito na kasalukuyang naglalaro sa damuhan ngayon.
Nakita ko ang dalawang kotse naka-park sa harap ko napagtanto ko kaagad kung kanino ito.
Sobrang napagod ako sa kakaasikaso ng mga gamit na ibibigay mamaya para sa mga bata. Sa sobrang pagod namin ay nagpahinga muna kami saglit ni xyleneth sa mahabang upuan at si ate niya muna ang nagpatuloy.
Habang nakatingin sa mga bata ay biglang may lumapit na batang lalaki na around 7 years old may mala-siopao itong pisngi na bahagyang namumula siguro dala ng init ng panahon. Bahagyang luluhod na sana si xy para salubungin ang batang lalaki pero nagulat naman ako ng bigla itong tumakbo papalapit sa akin at yumakap sa mga binti ko.
"Hello po? You're pretty po, can you be my mama po?" he asked, with his little cute voice.
"H-Huh?" Naguguluhang tanong ko tiningnan ko naman si xy na medyo naguguluhan din katulad ko
Lumapit si xy at kinalabit ang bata "Ang bata bata mo pa pero ang galing mo nang mag sinungaling," biro nito sa bata sinamaan ko naman ito ng tingin
Siraulo talaga.
Nagsalubong ang kilay ng bata at tumingala sa akin sabay balik ulit ng tingin kay xy.
"I'm not lying po. She's really pretty po talaga than you." nakangusong sabi nito na ikinangisi ko.
Aba ang galing ng taste mo bata.
Napanguso naman si xy. "You're not thankful to me, ah? I bought you a toys and yet you're treating me like this? Wah!" nagkunwaring nagtatampo si xy
"Aguy, bata na ang nagsabi xy." natatawang sabi ko sinamaan naman ako nito ng tingin
"Ayoko na nga sa inyo, dun nalang ako sa mga girls," sabi nito sabay lakad papalayo sa amin
"Wala kang chocolate sa akin mamaya." pahabol nitong sabi namilog naman ang mga nito at kuminang nang marinig ang salitang chocolate
Mahina naman akong natawa. Wala talagang bata ang hindi hihindi sa chocolates.
"Sige na punta ka na doon," nakangiting sabi ko ngumiti naman ito sa akin at muling yumakap sa binti ko
"Mama, I'll be back po kakain lang po ako chocolate hehe wabyu po!" Masayang sabi nito na ikinangiti ko lalo
Mahinang kinurot ko ang kaniyang dalawang malulusog na pisngi at ngumiti sa kanya. "
"Wabyu too din! Sige na lakad na." sabi ko at ginulo ang kaniyang mala- mocha na buhok bago siya tumakbo patungo kay xy
Napailing na lamang ako habang pinapanood na kumapit ito sa braso ni xy.
Cute.
Naglakad lakad na muna ako para magpahangin at makapag isip ng gagawin ko para malimutan ko muna ang problema ko kahit panandalian lang
Habang naglalakad lakad kanina pa ay hindi ko na namalayang nakarating na pala ako sa harap ng duyan nila.
Napangiti naman ako ng makita ko iyon.
"Parang bumabalik ako sa pagkabata tuwing nakakakita ako ng mga duyan at sildes." nakangiting saad ko
Maraming alaala ang nagbabalik kapag nakakakita ako ng mga duyan. It's making me relax and happy.
Naupo ako at marahang idinuyan ang aking sarili ngunit napatili ako ng biglang may nagtulak ng malakas ng duyan.
"Wahhh! Siraulo ka!"

YOU ARE READING
First Love (Ongoing)
RomanceExpect typo-grammatical errors ahead! Don't expect too much because I am not a perfect writer to write a perfect and flawless story. ^_< "She fell first, but he fell harder." 9 years ago, Alexis is sky's first love. She secretly having a crush on h...