Nakaraan

0 0 0
                                    

Sa bawat pagdaan ng oras
Bawat panahon na lumilipas
Nararamdaman ko sayo'y akala ko'y tuluyan na ring nawala
Ngunit ang lahat pala'y akala

Nais ko lang maging maligaya
Nais kong ang puso ko'y maging malaya
Ngunit paano yan mangyayari?
Kung sa puso ko'y ikaw parin ang nananatili

Sa bawat sandaling nagdaan
Nananatili parin ako sa nakaraan
Ikaw parin ang siyang laman
Kahit labis labis na akong nasasaktan

Nais na kitang kalimutan
Ngunit hindi sumasang ayon ang puso't isipan
Kahit gaano ko pa subukan
Mananatili paring sayo'y may nararamdaman

Whisper of the Wind: A Collection of Poems Where stories live. Discover now