Ikaw yung dati kong tahanan
Na kailanma'y hindi ko na maaaring uwian
Hindi na maaaring puntahan
Dahil may iba ng naninirahanTahanang minsa'y bumuo
Sa nawasak kong puso
Na siya rin palang magiging rason ng aking muling pagkabigo
Muling pagkawasak ng pusoNgunit hayaan mo na lang sana ako
Na mahalin ka ng patago
Hanggang sa kusa ng sumuko
Ang natitirang pagmamahal ng aking pusoAraw at gabi ay dadaan
Ngunit ang ating nakaraan
Ay mananatili na lang sa ating mga munting tahanan
At hindi na maiibalik ng oras kailanman