Pagbabago

0 0 0
                                    

Sa paglipas ng mga araw at buwan
Unti unti kang nagbago sa hindi ko malamang dahilan
Ang mga masasayang ala-ala'y
Unti unti na ring lumisan

Anong nangyari sa atin mahal ko?
Paano tayo humantong sa ganito
Paanong ang dating tayo
Ay bigla na lang nagbago

Lahat ay naging magulo
Relasyon nati'y parang panahon, pabago bago
Mahal, may bagyo ba
Oh may bago na?

Ang dating kalmadong puso ngayo'y
Punong puno ng hinanakit
Ang bigla mong paglayo'y sadyang kay sakit
Patawad ngunit

Ngunit kailangan ko ding lumayo
Lumayo sa sitwasyong ito
Patawad ngunit kailangan ko ring piliin ang sarili ko
Tama na yung mga panahong sinayang ko sayo

Masakit mang isipin na,
Hindi pa tapos ang ating storya
Tinapos mo na
Dahil bumitaw ka

Whisper of the Wind: A Collection of Poems Where stories live. Discover now