Patawad

0 0 0
                                    

Pagod na akong gawin kang paksa
Sa mga makabuluhan kong tula
Pagod na akong umasa
Habang ikaw, masaya na sa iba

Sana minahal mo rin ako
Katulad ng pagmamahal mo ngayon sa bago mo
Sana lang ay inaalagaan ka niya ng tama
Kagaya ng pagaalaga ko sa iyo nung tayo pa

Hindi na muling uubusin ang tinta
Para sa mga tula na ikaw lagi ang paksa
Ito na ang huling beses na mamahalin kita
Dahil ikaw ay masaya na sa piling ng iba

Ako'y masaya
Sa muli mong pagbalik sinta
Ngunit kaakibat nito'y sakit
Umaasang ako ang dahilan ng iyong pagbabalik

Whisper of the Wind: A Collection of Poems Where stories live. Discover now