Chapter 11

838 30 3
                                    

LUDO POV

Kasalukuyang kaming nasa biyahe pauwi sa aming nayon.

Nabigla ako ng sabihin ni Eros na siya na ang maghahatid sa amin.

Buong akala ko ay may ibang maghahatid sa amin pauwi,alam kong may mahalaga itong inaasikaso kaya noong nagdaang araw ay lagi itong abala.

Tahimik lang akong nakamasid sa bintana ng sasakyan,at hindi sinasadyang mapatingin  sa dating Hotel ng mga Rosco.

Biglang may sumagi sa aking isipan na mabilis ko ding iniwaglit.

Ayoko nang maalala ang mapapait at masasakit na nakaraan.

Alam kong masaya narin ito sa piling ng iba, at may sariling pamilya narin ito.

Tuluyan na kaming nakarating sa aming nayon.

Huminto ang sinasakyan namin sa harapan ng aming bakuran,matagal ko muna itong pinagmasdan.
Marami na ang nagbago dito,lumaki na ito at ang aming maliit na hardin noon ay umaliwalas at mas dumami pa ang mga bulaklak na aming tanim.

Sa hindi kalayuan ay may nakita akong isang babae na nakatalikod habang tinutubigan ang  mga bulaklak.

"Are you ready?

Nilingon ko si Eros at mabilis na tumango.

Kinuha niya sa akin ang natutulog kong anak,nakatulog ito sa haba ng biyahe.

Pagkakuha niya sa aking anak ay mabilis akong bumaba ng sasakyan,eksakto naman ang paglingon ng babaeng nakatalikod.

Nagtama ang aming mga mata at matagal ako nitong tinitigan,ningitian ko ito ng matamis.

"Awww...aww..awww"may asong biglang tumahol sa aking likuran.

Nang lingunin ko ito ay laking tuwa ko ng makita si Arf arf.....

"Arf arf"masayang tawag ko sa maliit at mabalahibong aso.

Lumuhod ako upang abutin ito,ngunit mabilis itong tumakbo palayo sa akin.

Napabusangot ako dahil doon.

"Ate ludo"

"Ako nga,letlet."tumayo ako sa pagkakaluhod at lumingon dito.

Tuwang-tuwa itong yumakap sa akin

Ang dating maliit na si letlet ay isa ng ganap na dalaga.

"Ang laki mo na letlet,hindi kana maliit."masayang sinabi ko dito.

"Ikaw naman ate ludo maganda parin "

"Momma"tawag sa akin ng aking anak,na pupungas-pungas habang karga ito ni Eros.

Nabalin ang atensyon ni letlet dito,ngumiti ito ng malaki at nahihiyang binati ang aking anak.

"Hi Collan,hmmm.. ano ah... 'welcome to the phillipines hehe..."mukhang nag-iisip pa ito ng sasabihin.

"Hello"maiksing sagot ng aking anak.

"Letlet,bilisan mo diyan at may lilinisin kapa dito.'sigaw ni Aling Marta sa hindi kalayuan.

"Nay Marta"tawag ko dito.

Gulat itong lumingon sa akin.
Malaki ang pinagbago ng katawan ni Nanay Marta kung noon ay payat lang  ngayon ay nagkalaman na ito.

"Ludo,ludo...."nakangiting tawag nito.

"Kristina.....kristinaaaaaa.....tawag nito sa pangalan ni ina.

Nagmamadali namang lumabas si ina.

"May problema ba Marta?

Lumabas si ina sa aming bahay at nag-aalalang lumapit kay Aling Marta.

Nang makalapit na ito ay dito ko lang napansin ang benda sa braso nito.

"Ina"tawag ko dito.


Mabilis itong lumingon sa aking gawi.

Natulala ito pagkakita sa akin.
Pero hindi nagtagal ay mabilis itong lumapit at niyakap ako ng mahigpit.

"Ludo,anak ko...."ramdam ko ang labis na pangungulila ni ina sa akin.

Limang taon kaming mahigit na hindi nagkita ni Ina,kaya labis labis ang galak ko na muli ko itong makakapiling.

"Lolay"

Natuon ang aming atensyon sa aking anak na nasa harapan namin.

Tinitigan muna ito ni ina at pagka tapos ay lumuhod ito sa harapan ng aking anak upang mapantayan ang laki nito.

"Apo ko." naluluhang sambit nito.



---------

Masaya naming pinagsaluhan ang lutong bahay ni ina,na miss ko ang napaka sarap na luto ni ina.

Walang tigil ang kwentuhan at kamustahan namin habang kumakain,si ina at letlet ay walang sawang pinanggigilan ang aking anak.


"Napaka cute talaga ng aking apo,manang mana sa lolay niya."masayang sinabi ni ina.



"Parang hindi naman po nay ina,kamukha nga po si ng kanyang am-

Naputol ang sasabihin sana ni letlet ng sigawan ito ng kanyang inay.

"Hoy letlet!!!tapos kanang kumain diba urungan muna ng mga pinagkainan natin."

"Si nanay naman oh! ginawang katulong ang anak."mahinang bulong nito na aking narinig.
Dahil doon ay natawa ako ng mahina.











MAFIA OBSSESION (BOOK2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon