LUDO POV
"I'm excited momma."masayang sinabi ng aking anak.
Nakasakay kami ngayon ng eraplano ng aking anak,pauwi na kami sa pilipinas.
Nang gabing nakatanggap ako ng tawag mula kay Nay Marta ay siya ring pag-asikaso ni Eros ng aming pag-uwi sa pilipinas.
Pagkatapos ko siyang makausap ay hindi na natigil ang aking pag-iyak.
Nag-aalala nga ito sa akin,kaya naman agad itong gumawa ng paraan para makauwi ng Pilipinas.
------
"Ladies and gentlemen,please be seated.Our flight is ready to departure ."
Nabalik ako sa aking ulirat ng inanunsyo na ang aming paglapag.
Halos kinse oras at 45 minuto ang naging biyahe pauwi ng pilipinas.
Hindi ako nakaramdam ng pagod at antok,inaalala ko ang kalagayan ng aking ina.
Si Collan ay walang ka-ide ideya sa mga nangyayari.
"Momma,are you alright?tanong ng aking anak ng mapansin ang aking pananahimik.
Ningitian ko ito ng matamis.
"Oo naman baby ko,excited lang si momma."pagsisinungaling ko dito.
Nang lumapag na ang aming sinasakyang ereplano ay agad din kaming bumaba.
Hindi ko alam kung paano ito nagawan ng paraan ni Eros,basta ang mahalaga sa akin ay ang makauwi-agad.
-----
Palingon-lingon ako sa paligid upang hanapin ang susundo sa amin.Ang sabi ni Eros ay may mahalaga itong inaasikaso kaya hindi niya kami masusundo.
"Momma,its so hot here."nayayamot na sabi ng aking anak.
Natawa ako ng mahina ng makita ko ang kanyang reaksyon,naka kunot ang noo at namumula ang matambok na pisngi nito.
Umupo ako sa kanyang harapan at pinunasan ang pawis sa noo.
Hinalikan ko din ito.
"Pasensya na baby,mainit talaga sa pilipinas."at tumawa ng mahina.
"It's okay momma i can handle it."at tumawa ito ng pagkatamis-tamis.
Muli akong tumayo at niyakag ito sa paglalakad.
------
THIRD PERSON POV
Nakatayo ang lalaking si Alejandro sa labas ng paliparan upang sunduin ang ama ni Azriel.
Ngayon araw ang dating nito.
May mahalagang pagpupulong ang magaganap kaya siya napauwi ng Pilipinas.Sa bansang Italya na ito naninirahan,pero kahit doon na ito nakalagi ay marami itong alam patungkol sa anak nito.
Sa kabilang banda ay patuloy parin sa paglalakad ang mag-ina.
Nakakaramdam na nang pagod si Ludo dahil buhat-buhat nito ang anak na may kabigatan.
"Momma,i want to pee."bulong nito sa tenga ng ina.
Nagpalinga-linga muna ito bago dinala sa may malapit na palikuran.
Papasok na sana siya sa loob ng C.r ng mga babae ng pinigilan ito ng anak.
"That's for women momma."nakabusangot na sinabi ni Collan.
"Ayos lang baby ko."malambing na sagot sa anak.
"No momma,i'm a big boy na i can do it."mabilis itong bumaba at tumkbong pumasok sa loob ng c.r ng lalaki.
Walang nagawa si Ludo kundi maghintay sa anak.
Ang matandang kinatatakutan ng karamihan ay abala sa loob ng isang pribadong palikuran,nakaramdam ito ng pananakit ng tiyan kaya nagmamadali itong naghanap ng C.r ng lalaki.
Iniwan niya ang mga sangkatutak na tauhan nito.
Hindi na niya matiis ang sakit ng pananakit ng tiyan nito.
Paglabas nito sa isang maliit na banyo ay may nakabungguan itong isang batang paslit.
"Ooppps i'm sorry po old man."magalang na paghingi nito ng paumanhin.
Hindi niya ito pinansin,bagkus ay dumiretso ito sa lababo at naghugas ng kamay.
Maya't maya ay may kumalabit sa dito.
"Hmmmm....excuse me po,Can you unzip my pants?nakayukong tanong nito.
Tinitigan lang ito ng malamig ng matanda.
Nang wala pang sagot na naririnig si Collan ay tumingapa ito para tignan ang matanda.
"Please po."at ngumiti ito ng pagkatamis-tamis.
Tila naeatatwa ang matanda sa nakita.
May kawangis ang batang nasa harapan nito.
BINABASA MO ANG
MAFIA OBSSESION (BOOK2)
No FicciónSa loob ng limang taon ay namuhay si Ludo ng tahimik kasama ang kanyang anak. Tuluyan na nga ba niyang kinalimutan ang nakaraan. Paano kung may muling magbabalik? Eros Del Fuego sa loob ng limang taon ay siya ang tumayong ama sa anak ng babaeng pin...