LUDO
"I'm the only one you call baby,il mio bambino,"
Mahinahong pagkakasabi nito sa akin.
"Pe-pero hindi kana baby,"
"I don't fucking care!
Tumango na lang ako bilang tugon,alam ko naman na hindi ako mananalo dito.
"U-uuwi na ako,"
Matagal ako nitong tinitigan,bago bumuntong hininga.
"I will let you go,in one condition,"
Alam ko na ang susunod nitong sasabihin,kaya inihanda kona ang isasagot dito.
"Leave your fucking man and you will work in my company as my secretary,"
Tatanggihan ko sana ang kanyang alok ng inunahan niya akong magsalita.
"And also i will bring back Del Fuego company,"walang ganang sinabi nito.
---------
Tulad nga ng kanyang sinabi ay hinayaan niya akong makauwi.
Tinangihan ko ang alok nitong paghatid sa akin.
Noong una ay nagpumilit ito,buti nalang ay dumating si Alejandro kaya madali ko siyang natakasan.
Pagkauwi sa bahay ay agad kong hinanap ang aking anak.
Tahimik ang buong bahay,kaya naisipan kong umakyat sa aming silid.
Nakaawang ng kaunti ang pintuan kaya hindi sinasadyang marinig ang maliit na boses ng aking anak.
"Ate berta why my momma always leave me,"
Nang sililipin ko siya ay nakita ko ang malungkot na mukha nito.
"When we were still in france, momma always took me with her wherever she went,but now she always left me with you."
Naisip ko bigla ang naging buhay namin sa ibang bansa.
Wala akong iniisip na kahit ano,hindi ako nakakaramdam ng takot.
Hindi katulad ngayon.
Alam ko sa isang iglap maaring malaman ni Azriel na nagkaroon siya ng anak sa akin.
Madali lang para sa kanya na makuha si Collan.
Na aking kinakatakot lalo.
Dumagdag pa sa isipan ko ang paghihirap ni Eros,alam kong may malaki itong problemang dinadala kaya bigla itong nawala.
Hiling ko sana malampasan niya ang bawat pagsubok na dumaan.
Kumatok ako upang makuha ang atensyon ng aking anak.
Naglakad ako palapit sa kanya at binuhat ito.
"Kamusta ang baby ko?
Nag-iwas ito ng tingin sa akin.
"Hmmm....lalabas na muna po ako,"magalang na paalam ni berta.
"Maraming salamat ate berta,"
Ngumiti ito ng tipid at tahimik na umalis.
Muli kong ibinaling ang atensyon sa anak kong nagtatampo.
"Galit kaba kay momma?mahinahong tanong ko dito.
Nakita ko ang pagpigil nitong umiyak.
"Patawad anak,hinanap ko kasi ang dada mo."
"Did you see him?mahinang tanong nito.
Umiling ako at doon na tuluyang bumuhos ng mga luha nito.
"Does dada not want me anymore?
"Hindi anak,abala lang ang dada mo sa trabaho,"mabilis kong sagot dito.
Tila hindi ito kumbinsado sa narinig.
Inupo ko ito sa kama at lumuhod sa kanyang harapan.
"Makinig ka Collan,mahal na mahal ka ng dada mo lagi mo yung tatandaan hmmm.."
"At mahal na mahal kita,kaya pakiusap huwag ka nang umiyak,"
Pinakatitigan ako nito dahan-dahang inilagay ang mga maliliit na palad sa aking mukha,napapikit ako dahil may naalala ako sa naging kilos nito.
Kailangan kong gumawa ng aksyon upang maibalik na ang lahat-lahat kay Eros,panahon na siguro upang ako naman ang tumulong sa kanya.
"Baby,ok lang ba sayo kung mag-wowork na si momma ulit?
Iminulat ko ng aking mga mata at pinakatitigan ito,inosente naman itong nakatingin sa akin.
"Why do you need to work?malungkot na tanong nito,iniisip siguro niya na mawawalan na ako ng oras sa kanya kung sakali mang magkakaroon na ako ng trabaho kaya naging malungkot ulit ito.
"Para umuwi na ang Dada Eros mo,para mabalik na ang lahat-lahat sa kanya,"
Alam kong hindi titigil si Azriel sa panggigipit na ginagawa niya kay Eros kung hindi ako papayag sa gusto nito.
BINABASA MO ANG
MAFIA OBSSESION (BOOK2)
Документальная прозаSa loob ng limang taon ay namuhay si Ludo ng tahimik kasama ang kanyang anak. Tuluyan na nga ba niyang kinalimutan ang nakaraan. Paano kung may muling magbabalik? Eros Del Fuego sa loob ng limang taon ay siya ang tumayong ama sa anak ng babaeng pin...