Prologue

47 2 0
                                    

Prologue




"Elizabeth Sienna, I want you to marry someone. Someone who is worthy of your love. Someone you also love." I rolled my eyes in annoyance.


Nakaupo ako sa swivel chair ko pinipirmahan ang mga papeles nang dumating si Papa. Nakatayo siya sa harap ko. Pinagsasabihan na naman ako sa 'pag-aasawa'. Ilang ulit niya na itong pasok sa opisina ko para lang diyan. Nafu-frustrate na ako. Hindi naman sa ayaw ko sa lalaki. Ang ayaw ko lang ay ang gusto lang nila sa akin. Katawan at pera. Bullshit. Pumikit ako ng may naalala at inilis din agad sa isip ko.


Hinrap ko siya sa mata, "Pa, bakit ba nagmamadali ka? It's not like matanda na ako. I'm only 28." Tumayo ako para lapitan siya at hinawakan ko siya sa magkabilang braso.


"Kung may lalaking para talaga sa akin, dadating iyon." Gusto kong masuka sa mga pinagsasabi ko. Dadating? Big word sa isang babaeng ilang ulit ng nasaktan. Pumungay ang mata niya sa sinabi ko. Inalis niya ang kamay kong nakahawak sa braso niya at hinawakan ito ng mahigpit.


"Pero tumatanda na ako. Gusto ko pang makita ang mga magiging apo ko sa'yo, at sino nalang ang tutulong na magpatakbo nitong companya natin?" Ngumiti siya ng malungkot.


"Hindi mo ba talaga ako kayang pagbigyan, kahit ito nalang?" Dagdag niya. Inalis ko ang pagkakahawak niya sa akin at bumalik sa swivel chair ko. Alam ko ang ginagawa niya. Nakakainis kasi alam niya na hindi ko siya matiis. Seriously, anak niya ba talaga ako? Ang ibang ama diyan, ayaw na may umaaligid sa kanilang anak na babae samantalang ang Papa ko ay gusto agad ng apo.


Tumatanda ka na kasi! Sigaw ng isang bahagi ng utak ko.


"Kung ang kompanya ang inaalala mo, kaya ko naman ito ng mag-isa." Seryoso kong sabi.




"Malapit na akong mawala dito. Sino ang mag-aalaga sa'yo pag nagkasakit ka? Sinong magso-spoil sa'yo pag wala na ako? Sino ang yayakapin mo pag umiiyak ka na? Sino ang-" Bago niya pa ituloy ang sasabihin niya ay pinutol ko na siya.


"I'll think about it." Binalik ko ang tingin sa papeles na nasa harap ko at nagkunwaring may binabasa kahit wala naman talagang pumapasok sa utak ko.


"Sa bahay natin itutuloy ito." Then he left my office.


Nasa akin na siguro lahat pero ang hirap magkaroon ng seryosong boyfriend. Ang nakakafrustrate pa eh pine-pressure na ako ni papa na mag-asawa. I'm only 28 for pete's sake! Gusto ko pang ienjoy ang buhay ko. Hindi ako nararapat na pumasok sa mga relasyon-relasyon na 'yan! Wala na akong pag-asa diyan. Tama na ang isang sakit na dinulot 'non.


Nakikipag-date ako dun sa mga nirereto noon ni Papa pero puro negosyo ang laman ng utak nila. Ang ilan dine-date lang ako kasi mayaman ako at masarap, para sa kanila malaking 'catch' ako. Ano ako isda? Kaya hindi na ako mag-aabala pa na maghanap ng lalake sa buhay ko. Period.


"Why not try again?" Si Angeline or anjie ang bestfriend ko. Ikinuwento ko sa kanya ang pag-uusap 'na naman' namin ng papa ko. Nandito kami sa bar na tinatawag na Ride Along.


"Anong 'try'? Ayoko nga!" Never.


"Pero may twist," she gave me a grin. "mamumuhay ka ng normal. Hindi mayaman, walang karate-arte na nakatira sa isang apartment at hindi condo o mansion. Isang simpleng babae lang na maghahanap ng prince charming niya. O diba? Ang talino ko talaga!" Nagniningning ang mata niya at pumapalakpak pa.


"I'll think about it." Sabi ko sabay lagok ng isang baso ng black label. Pang-ilan ko naba 'to? Hindi ko na nabilang kasi puro satsat si Ange. Tipsy lang siguro pero kaya pa naman.


"Mamaya na nga yan! Let's dance!" Hinila na niya agad ako sa gitna. Si Ange ay isang dakilang party girl pero mahilig sa libro at fairytales. Habang ako ay hindi masyadong pumupunta sa mga ganitong lugar ay kabaliktaran.


Maraming tao dito lalo na pag sabado ng gabi. Halos mga studyante ang nandito. Biglang may humawak sa baywang ko. Naramdaman ko ang mainit na haplos niya pababa at pataas baywang ko. Naka sleeveless lang ako na naka tack-in sa jeans ko at naka boots. May cardigan ako pero tinanggal ko kanina kasi naiinitan ako.


"Hi beautiful." Bulong niya malapit sa tenga ko na nagpataas ng mga balahibo ko sa batok. Nakatalikod ako sa kanya kaya hindi ko siya mamukhaan.


Hindi ko na siya panansin ang nagpatuloy lang ako sa pagsasayaw habang siya ay sinasabayan lang ako sa pagsayaw.


"Damn girl!" He hissed.


Bigla niya akong pinaharap sa kanya at siniil ng halik. Nanlaki ang mata ko. Hindi ako nakakilos agad.


"Open your mouth." Sabi niya kaya napasunod ako. Lasing na siguro ako. Napapikit nalang ako. He invaded my mouth. He tasted every part of it and didn't missed an inch.



Habol namin ang hininga namin ng naghiwalay ang labi namin. Doon lang ako nabalik sa tamang pag-iisip.


"I—I need to go. Bye." Hindi ko na siya pinansin at dirediretsong lumabas ako.

Just A KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon