Part 4

21 1 0
                                    

Part 4





Nagtitigan lang kami ng sinabi niya yun. Awkward. I know. Hinay-hinay siyang lumapit sa akin at ako naman paatras ng paatras.





"Hoy! W-wag kang makalapit sa akin!" Banta ko sa kanya pero siya parang walang narinig at patulog pa din siya sa paglapit. Nag-iwas ako ng tingin kasi nakakatindig ng balahibo kung tumitig siya. Para bang nagsasabing i want to eat you. 





Napailing ako sa naisip. Baliw na ako.





Nagtaas lang ako ng tingin ng wala na akong maatrasan at nakasandal na ako sa pader. Ang dalawang kamay niya ay nakasandal para makulong ako at walang mapuntahan na para bang pinapahiwatig niya na 'wala ka ng kawala ngayon'. Bumilis bigla ang pintig ng puso ko. Para akong kinakabahan na ewan.





"I want to know what you're thinking. Can you tell me?" He said directly into my eyes. Nakakapanghina ng tuhod ang titig niya. I don't know but I feel weird ngayon na napakalapit niya sa akin.





"Why should I?" Nagpapasalamat ako sa lahat ng santo ngayon dahil hindi ako nautal pagkasabi ko nun.





Inilapit niya ang mukha niya sa tenga ko kaya ramdam ko ang kanyang hininga. Nakiliti ako kaya napatagilid ko ang mukha ko.





"Because I'm curious." Bulong niya sa tono na pang-aakit. Lihim kong hiniling na sana hindi niya marinig ang malakas na pintig ng puso ko. Why do I feel this kind of feeling!? Imposible naman na inlove ako eh ikalawang pagkakataon palang 'to na nagkita kami.





"L-let go of me!" I managed to say. Inilayo na niya ang mukha niya at muling tinitigan ang mukha ko. Bigla naman akong na consious sa itsura at hininga ko. Hindi naman siguro ako mabaho.





"Do you have any idea how much I want to kiss you right now?" Seryoso niyang tanong na ikinabigla ko. Bumaba ang tingin niya sa labi ko hanggang sa naramdam ko iyon doon.





Pigil ang hininga ko at hindi ako nakareact. Nakatingin lang ako sa kanya na nakapikit ang mata. Wala akong ibang naisip kundi ang labi niyang nakadikit sa labi ko at ang mabango niyang amoy.





Nahihirapan ako dahil sa lakas ng tibok ng puso ko dahil baka marinig niya. Ilang segundo din kaming nasa ganong pusisyon na nakalapat lang ang mga labi namin ay lumayo na siya sa akin at dumiretso sa ref ko at dali-daling uminom ng tubig. Dun lang ako nakapag-isip ng maayos.





Siya.





Hinalikan ako. Shit! Not again!





"IKAW! Sa susunod hindi na talaga kita papapasukin dito!" Nasabi ko pagkarecover ko. Sinamaan ko naman siya ng tingin na ngayon ay may mapaglarong ngiti sa labi niya.





"Bastos!" Handa na akong sabunutan siya ng umikot siya sa kitchen counter para mapalayo sa akin.





"Hindi naman ako nakahubad. Anong bastos dun?" Nagngingitngit na ako sa galit pero siya parang wala pa din.





Naiinis ako sa kanya pero galit ako sa sarili ko kasi hindi ko man lang siya tinulak! Hindi ko siya pinigilan!





Ano bang nangyayari sa akin?!

Just A KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon