Part 6

16 0 0
                                    

Part 6

Matapos niyang sabihin 'yon ay umalis na siya isang oras na ang nakakaraan. Nagpaalam lang siya na may aasikasuhin at tatawagan nalang daw niya ako. Minsan pala may pagka-shunga siya. Paano naman niya ako tatawagan kung wala nga kaming number sa isa't-isa. Tss, bahala siya. Problema na niya 'yon.

Natigilan ako ng may tumunog na sa tingin ko ay cellphone pero hindi naman ringtone ko.

Kinuha ko iyon sa lamesa. Color white na iPhone kaya hindi 'to akin. Mas type ko ang black eh.

Walang pangalan ang nakalagay pero nanlaki ang mata ko ng number ko ang tumatawag nito. Yung lalaking yun talaga!

"Hi baby." Alam kong dapat akong magalit sa kanya pero hindi ko mapigilan ang kiligin sa sinabi niya. Vinn! Tigilan mo yan hanggat kaya mo pa!

"Anong hi?! Ba't nasa 'yo ang cellphone ko?!" singhal ko sa kanya.

"I exchanged ours."

"Ay ganon ba? Grabe, hindi halata." I said being sarcastic.

"Tumawag lang ako kasi namiss ko ang pagtataray mo." Natatawa niyang sabi. Walang hiya! Pinagtripan pa ako.

"Alam mo, mas mabuting maghanap ka ng ibang mapagtitripan." Sabi ko at pinatay na ang linya.

Napailing nalang ako.

Hindi ko alam kung anong meron sa lalaking 'yon at iba ang nararamdaman ko pag nandyan siya. Yung pagbilis ng tibok ng puso ko sa isang simpleng salita at gawa niya.

Kung ito man ang tinatawag nilang pag-ibig, parang imposible parin. Imagine? Nung isang araw lang kami nagkita tapos ganito agad.

Kung attracted man ako sa kanya, kailangan ko ng pigilan 'to bago lumala ang lahat. Hindi ako pwedeng magmahal ng isang tulad niya. Dahil alam kong sa huli, ako ang iiyak.

Pumunta ako sa kwarto ko at kinuha ang planner book. Mabuti nalang at nandoon ang mga list ng contact numbers ng mga kaibigan ko, in case of emergency. Kinuha ko ang number ni Anjie doon at tinawagan gamit ang cellphone ni Theo.

"Himala at napatawag ka?" bungad sa akin ni Anjie. Alam niya siguro ang number ni Theo since magkaibigan naman sila.

"Anjie, si Vinn 'to."

"OMGEE! Ikaw a! Nagtatampo na ako. Hindi mo na sinasabi sakin ang nangyayari sa buhay mo." I rolled my eyes. If I know naka-pout siya habang sinasabi niya yan."

"Wala nga kasi, anyway, tumawag ako kasi gusto kong ituloy mo ang sibasabi mo kanina."

"Ah oo! Nakalimutan ko na tuloy. Si Jerome!" inilayo ko ang cellphone sa tenga ko. Kung maka sigaw kasi wagas.

"Sino? Si Jerome?" yung half greek na kapitbahay ko noon and turns out na naging magkaibigan kami.

"Oo! I bump into him kanina. And I was like 'ang yummy'. Tapos tinanong niya sakin ang number mo kasi gusto ka daw niya makita." Napangiti naman ako. Mas una ko kasing naging kaibigan si Jerome kasi magkatabi lang ang bahay namin. Siguro nasa six years old pa ako nun. Parehas pa kami ng school na pinapasukan. Para ko na siyang kuya kumbaga.

"O sige. Hihintayin ko nalang ang tawag niya." Sabi ko at pinatay ang tawag.

Bigla kong naalala na pinagpalit pala ni Theo ang cellphone namin. Hindi naman siguro agad ngayon tatawag si Jeremy.

Pagod na ako. Kagagaling ko lang sa pamimili at pakikipag-bangayan sa isang lalaking mukhang ewan.

Natulog lang ako buong araw hanggang sa naramdaman kong nilalamig ako masyado. Dinilat ko ang mga mata ko at tiningnan ang bintanang nakabukas. Umaalon ang kurtina sa lakas ng hangin, umuulan pa ng napakalakas.

Just A KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon