Part 10
Napatingin ako sa relo ko. 5 pm na pala. Hindi ko na namalayan ang oras.
"Thank you."
"You're welcome. I would like to get your number, in return of what you did." Napangisi ako.
"What did I do? I was just being a kind citizen here. You asked for it." Napamulsa siya. Para siyang isang 'good boy' na ideal man ng bawat mga babae kung titingnan. Looks can be decieving nga naman.
"So, goodbye."Sabi ko pero umiling siya.
"This is not goodbye. See you soon ate." Pinagdiinan niya pa ang salitang ate. Halatang nainis siya.
Umalis na siya. I didn't mean to be rude kasi hindi ko man lang siya inimbitahan sa loob ng bahay. It's just that, nakita ko ang sasakyan ni Theo na naka park sa labas.
Pagkapasok ko sa loob ay agad ko siyang nadatnan sa sala na comportableng nakaupo. Feel at home lang ah. Isang araw palang siyang nakatulog dito.
"Who's that boy?" Seryoso niyang tanong. Medyo natakot naman ako sa klase ng tingin na binibigay niya sakin. Para bang nakagawa ako ng napakalaking kasalanan.
"Nameet ko lang somewhere. Katuwa nga eh." Pilit akong tumawa kahit ang totoo eh medyo kabado ako. Ikaw ba naman ang nasa harap ng isang hunk seryosong-seryoso.
"At nagpahatid ka sa kakakilala mo lang? Pano kung masamang tao yun?!" Nagulat ako sa pagsigaw niya. Bigla naman uminit ang ulo ko. Anong karapatan niyang sigawan ako?!
"Bakit ka nagagalit?!" Sigaw ko din pabalik. Kahit pa gwapo siya, wala pa rin siyang karapatan sigaw-sigawan ako!
Para naman siyang natauhan at lumapit agad sa akin. Bumuka ang bibig niya para bang naghahanap ng tamang salitang sasabihin. Pero bago pa siya nakapagsalita umalis na ako at dumiretso sa kusina. Naramdaman ko naman na sumunod siya sakin. Kumuha ako ng baso at sinalinan ng malamig na tubig. I just need something to calm my nerves.
"I'm sorry." Ramdam ko siya sa likuran ko.
Huminga ako ng malalim saka humarap sa kanya. "Okay."
"Ano nga pala ang ginagawa mo dito?" Nakataas kilay kong tanong.
"Makikitulog ulit ako."
"Hindi!" Agad kong sabi. Wala ba siyang bahay?! May kotse nga siya diyan, bahay pa kaya.
"Ngayon lang 'to. Malayo kasi ang bahay ko sa trabaho kaya dito muna ako."
Hindi naman sa ayaw ko siya dito pero mali talaga tingnan eh. Babae ako, at lalaki siya, kaming dalawa lang sa iisang bahay.
BINABASA MO ANG
Just A Kiss
General FictionIf you live to be a hundred, I want to live to be a hundred minus one day, so I never have to live without you.