Part 5

21 1 0
                                    

Part 5



"Nakakainis ka talaga!" tinalikuran ko na siya at naglakad papunta sa kwarto ko. Ayaw kong makita ang pagmumukha niya kasi nakaka-HB.



"Hey, I'm just teasing you." Ramdam kong sinundan niya ako kaya humarap na ako. Baka sundan ako papunta sa kwarto ko at baka kung ano na naman ang gawin.



"Teasing?" pinaningkitan ko siya ng mata, "teasing ang tawag mo dun eh hinalikan mo ako!"



"Baby, It's not like it's the first time." The way he call me 'baby', sent shivers on me. Naging malambing din ang boses niya. Na para bang gusto lang niyang magpalambing sakin. Baliw na talaga ako. Bakit naman siya magpapalambing sakin?



"Hindi mo naiintindihan eh."



Hindi ko nga namin first kasi mas grabe pa ang ginawa naming halik sa bar pero hindi naman kami eh! Pangalan nga lang ang alam ko sa kanya tapos hahalik-halikan niya ako!? Iba yung sa bar kasi lasing ako nun.



Eh bakit ka nagpahalik kanina na hindi ka naman lasing?



"You don't kiss someone just because nagawa niyo na yun or wala lang," Paliwanag ko sa kanya. Hindi naman kasi ako kagaya ng ibang babaeng kilala niya na okay lang ang 'no strings attached'. Hindi ako pinalaking liberated ng ama ko. Oo, nagsusuot ako ng mga sexy na damit pero hindi naman ako pumapatol nalang kung kani-kanino. Aware naman ako na nasa twenty first century na tayo pero pinapahalagahan ko parin ang mga ganong bagay.



"I'm sorry, okay? It won't happen again." Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at niyakap. Para naman akong nalungkot nung sabihin niyang 'it won't happen again.



Ano ba talagang gusto ko?! Nalilito na ako!



Hindi ko alam kung gaano kami katagal nagyakapan. Naputol lang ito nung tumunog ang cellphone ko. Awkward naman kaming naglayo, "sagutin ko muna." nakayuko kong sabi saka tumalikod.



Hindi ko siya kayang harapin. Shet! Para akong teenager na kinikilig kasi naka-hug sa crush ko. Sabagay, bata pa naman ako. Atsaka naghahanap din naman ako ng boyfriend kaya baka pwedeng siya nalang.



Vinn! Gumising ka! Babaero yan! Masasaktan ka lang!



Oo nga pala. Sigurado akong babaero siya patunay dun na hinalikan nalang niya ako basta-basta at yung babe niya kanina lang. Kinuha ko ang cellphone ko na nasa bag sa sala.



"Hello?" sagot ko ng di tinignan kung sino ang tumawag. Naka upo na siya sa sofa ko.



"Vinn! May good news ako sa 'yo. Hulaan mo," si Anjie lang pala.



"Naghiwalay na kayo ng boyfriend mo?" biro ko.



"Ay ang bad mo naman. Hindi. Pero tungkol sa lalake." Napataas naman ang kilay ko. Hinarap ko si Theo na ngayon ay pinapakialaman na ang bag ko. Pinanlakihan ko naman siya ng mata.



"Tungkol sa lalake? Nakahanap ka na ng para sakin?" bored kong tanong. Ewan pero parang nawalan nalang ako ng ganang maghanap.



"Oo! Hulaan mo ku—" hindi ko na narinig ang sunod na sinabi ni Anjie ng may biglang may kumuha non.



"Hindi na niya kailangan ng lalake kasi meron na siyang fiancée." At in-end na niya ang call.



"Hoy! Anong fiancée? Ni wala nga akong boyfriend fiancée pa kaya? At bakit bigla mo nalang kinukuha ang cellphone ng may cellphone?" Naiinis kong sabi.



"Really? Naghahanap ka ng lalake samantalang nasa harap mo ako?" Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Eh ano naman ngayon? Hindi ko naman siya boyfriend.



"Ano naman ang problema dun?"



Frustrated na sinuklay niya ang buhok niya saka hinawakan niya ang mukha ko at dinikit doon ang noo niya kaya ramdam ko ang hininga niyang mabango. Ano bang problema nito? Don't tell me— no. Bakit naman siya magseselos? Binibiro ko yata ang sarili ko.



"Malaki! Kasi ayoko! Because the moment your lips touched mine, binigyan mo na ako ng karapatan na angkinin ka!"



Bigla na naman bumilis ang tibok ng puso ko na para bang sumali sa isang karera. Hindi ako nakapagsalita. Nirinig ko pero hindi nagsink-in sakin ang sinabi niya.



Nakatingin parin siya ng diretso sa mata ko at mas nilapit ang mukha sa mukha ko. Naramdaman ko nalang ang malambot niyang labi.



Ipinikit ko nalang ang mata ko at niramdam ang halik niya. Hindi kami gumagalaw. Para bang ninanamnam niya muna ang sandali.



Pagbitaw niya saka lang ang sink-in sa akin ang nangyari.



"Sht!" nanlalaki ang mata ko. Siya naman parang wala lang. "Ang sabi mo kanina hindi mo na ako hahalikan! Anong ginawa mo?!"



"Sabi mo you 'you don't kiss someone just because nagawa niyo na yun or wala lang'," he micmiced me. "Well, kanina ginusto ko yun. Ngayon iba na ang rason." Pagdadahilan niya. Tinaasan ko siya ng kilay.



"At sa anong rason?"



Nilagay niya ang isang kamay niya sa chin niya na para bang nag-iisip siya na mukha namang hindi. Tsss



"Because I own you."

Just A KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon