Part 9

23 0 0
                                    

Part 9

Pagkapasok namin sa bahay nila ay agad kaming sinalubong ng mommy ni Jerome. Naka simpleng bestida lang ito at medyo nasa 50's na pero makikita mo parin ang kagandahan nito.

"Hi tita!" bati ko dito at nakipag beso.

"Namiss kita Vinn! Kumusta na ang papa mong workaholic?" tanong niyang sinabayan ng tawa. Hindi naman sila close ni papa pero kilala niya ito dahil minsan ay pumupunta sila sa bahay namin pag may okasyon.

"Halika. I prepared deserts for us. Alam ko naman kasing tapos na kayong kumain." Pumasok na kami at dumiretso kami sa garden nila.

"Namiss ko na din ang cookies and ice creams mo tita, pati na din ang cakes!" Naalala ko pa noon na lagi kaming maagang umuuwi ni Jerome galing school para lang matikman ang mga specialties ni tita. Naisip ko nga noon na dapat magpatayo ako ng business pero may business si dad na responsibilidad ko na din bilang nag-iisang anak.

"Kumusta na pala kayo?" tanong niya nang makaupo na kami.

"Still okay naman po tita. Medyo pine-pressure na ako ni papa na maghanap na ng boyfriend." Hindi ko mapigilang magsumbong. Natawa lang siya sa sinabi ko.

"Hindi na ako magtataka kung sa first day niyo ng boyfriend mo hanapan ka na agad ng apo." Natatawa niyang sabi. Natawa lang din ako.

Kwentuhan lang kami ng kwentuhan tungkol sa mga adventures niya sa ibang bansa. Hindi talaga siya nauubusan ng mga kwento at nakakahawa yung pagkagood vibes ni tita.

"Still not done talking?" biglaang singit ni Jerome na nakahalukipkip sa may pintuan. Napatingin ako sa wrist watch ko. Isa't kalahating oras na pala ang dumaan. Hindi ko man lang namalayan. Napagpaalam na ako kay tita at Jerome. Nag-offer si Jerome na ihatid ako pero hindi na ako pumayag. Naisipan ko kasing pumunta nalang muna sa mall at maliwaliw. Wala naman kasi akong magawa.

Nagtaxi lang ako papunta sa MOA at dumiretso sa sinehan. Bumili lang ako ng popcorn at drinks kahit busog pa ako. Para na rin hindi ako masyadong loner.

Napagdesisyonan kong Hopeless Romantic ang panoorin. Kwento ni Marcelo Santos na isang magaling na lalaking writer. Nung last binasa ko yung mga stories niya eh lalim lang ng mga hugot niya sa buhay. Lalo na pagdating sa pag-ibig.

Second to the last ko napagdesisyonan kong umupo dahil marami namang tao at nagsisimula na. Nasa kalagitnaan ako ng panonood ng may marinig akong wierd.

"Hmmm," parang ewan lang pero pinagwalang bahala ko nalang.

"Ah!" narinig ko at parang hinihingal na babae pa. Akala ko pa naman kung ano kaya lumingon ako sa likod ko at pinagsisihan ko na lumingon pa ako.

"What the f?" mahina kong sambit. Really? Dito talaga nila ginawa sa sinehan na maraming tao? At sa likod ko pa. Wala silang mga katabi kaya siguro panatag ang loob nila na gawin 'yun'. Pero sana naman naisip nila na may tao pa at nag-iingay pa sila. What a stupid act.

Naka subsob ang mukha nung lalake sa leeg ng babae at ang kamay naman nung lalake at nasa ilalim ng skirt nung babae. Napansin naman nung babae na nakatingin ako sa kanila kaya nagpanic agad siya at naitulak ang lalake. I know it's rude to stare, pero mas nakakabastos ang ginawa nila. Pasalamat sila at ako lang ang nakapansin kasi focus ang mga tao sa tabi ko sa mga kilig moments sa movie.

"What?" Iritang sita ng lalake. Ang babae naman ay nakatingin lang sa akin na parang shock parin. Umiling nalang ako at tumayo na. Nawalan na ako ng ganang manood. Mahal pa naman ng ticket. Uuwi nalang ako at doon ako mag momovie marathon. BUT chocolates first!

Nasa imported section ako nang makasalubong ko yung babaeng gumagawa ng himala sa sinehan. Ang aga naman natapos nung movie? Or baka umalis na sila sa hiya?

May lalake siyang kasama na parang akala mo tower sa sobrang tangkad. Malamang siya yung kalandian ng babaeng yun. Parang si Theo lang sa sobrang tangkad.

Nang namataan ako nung babae bigla nalang niyang hinila sa braso ang yung lalake tapos hinila-hila pero hindi naman nagpapahila si 'lalake'. Hindi ko nalang sila pinansin. Mas importante sakin ang chocolates ko.

Kumuha ako ng mga tatlong malaking toleron, isang naka box na ferrero rocher. Sakto na siguro ito in two weeks. Well, syempre kailangan din ng balance diet kahit naman favorite ko 'to.

"Hi!" Napalingon ako sa gilid ko. Isang tower na lalake, sakto ang pangangatawan, mapungay ang mga mata at may dating sa fasion. Si 'sine guy'.

"Hello." I don't want to be rude just because of that. Atsaka base sa itsura niya, feeling ko bata pa.

"I think we've already met." 

Typical playboy's line.

I smirked at the thought. Wala na bang bago dyan? Pero dahil good mood ako ngayon, sasakyan ko 'yan trip niya.

"I don't know. But you're familliar."

"Really? I think Aphrodite is standing in front of me." Magaling pumik-up.

"Oh, and I think you're the boy whom I just caught on the act making-out in a public place." Halatang nagulat siya sa sinabi ko pero agad din naman naka bawi.

"I'm not a boy." Oh really?

"How old are you?" Tinaasan ko pa siya ng kilay. Ang lakas ng loob nitong makipag-flirt eh katatapos lang gumawa ng himala.

"I'm already twenty 20." See? I bet he's still in college.

"K." Yun nalang ang sinabi ko at hindi ko na siya pinansin kasi ayoko nang humaba pa ang usapan. Papalapit na ako sa counter pero ramdam ko parin ang presensya niya sa likod ko.

"Can I have your number?" tanong niya. Nilingon ko siya saglit. Baka kasi hindi ako ang kausap niya at nakikipag flirt lang sa ibang babae. Pero nakatingin siya sakin kaya malamang ako.

"What for? I don't know you." Tumalikod na ako. Swerte naman wala nang pila kaya diretso na ang pag bayad ko.

"To be friends?" alanganin niyang sagot. Tinaasan ko lang siya ng kilay. May idea naman na pumasok sa isip ko.

"Okay."

Nasa sasakyan niya kami at ihahatid niya lang ako. Trip ko naman pagtripan ang batang 'to kaya pumayag na ako.

"So are you single?" tanong niya habang nakafocus lang ang tingin sa kalsada.

"Yup."

"And ready to mingle?"

"Sort of."

"Do you live alone?"

"Yup."

"What course are you?"

"Civil Engineering. You?" Acually una ko yang tinake bago ako nag take na naman ng other course na MassCom. Pero still ended up sa business parin ni papa.

"Graduating nurse. Then, I'll proceed of being a doctor." Hindi na masama. May plano sa buhay. Obvious nga lang sa kanya na wala pang naiisip na mag settle down.

"By the way, I forgot to ask, your name?"

"Just call me Ate Vinn." bigla siyang natahimik. Gusto kong matawa pero ayoko pa. Malabo ba? hahaha.

"How old are you?"

"Turning 26. Hahahaha."

"So? Bakit may Ate? Pwede naman 'yun diba?" ganito pala siya pag confused. Nakakapag-tagalog.

"Of course not! You're too young!"

"I believed in the saying 'Age doesn't matter, if two people love each other'"

"The problem is, we don't love each other. I don't even like you! Hahahaha.." Natawa na rin siya.

"Naisahan mo ako dun ha."

Well atleast naka libre ako ng pamasahe.

Just A KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon