Chapter 1

35 1 0
                                    

Chapter 1

Home

Hindi ko na kinuha ang cardigan ko o ang wallet na nasa loob pa rin ng bar. Ipapakuha ko nalang 'yon kay Angie. Alam ko naman na hindi 'yon pabaya kahit pa lagi 'yong nasa bar.

Hindi ako makapaniwala na nagpahalik ako sa isang lalaking hindi ko kakilala. Ni hindi ko nga nakita ang mukha niya. Hindi naman ako tanga para hindi malaman kung anong gusto ng mga taong pumupunta sa lugar na ito. Kaya nga kailangan kong kontrolin ang sarili ko kung ayokong magising nalang isang araw na may nakapatong na sa gitna ng hita ko.

Ano ba itong pinuputok ng butchi ko?! It's just a kiss for pete's sake! It's not a big deal. Ako na ang nagsabi na alam ko ang mga pinunta ng mga tao doon kaya dapat inexpect ko na ang mga posibleng mangyari. Tama.

Ano na kaya ang nangyari doon sa lalaki? Naghanap kaya siya ng ibang kahalikan? Ipinilig ko ang ulo ko. Ito na naman 'tong mga iniisip ko. Bakit kasi masyado akong sentimental?

Napatigil ako sa pag-iisip ng may nagsalita sa gilid ko.

"Hey, you alone?" Naka-bonet siya pero meron paring makikitang buhok sa kanya. Naka jeans at t-shirt na may naka-print na abstract paint. May hawak din siyang sigarilyo sa kanang kamay niya. Bigla ay kinabahan ako. Malapit na ako sa parking lot kaya medyo madilim sa paligid na tinatayuan namin. Parang gusto ko nalang bumalik doon sa loob.

Pumasok agad sa isip ko ang mga nakikita ko madalas sa T.V at sa mga nababasa ko. Mga babaeng ginahasa at pinapatay agad. Shit! Ano na ang gagawin ko?! Kailangan kong mag-isip ng madali. Think. Think. Think.

"You know, I wanna have fun tonight. Wanna come with me?"

Kailangan kong lumayo sa ligtas na paraan kaya hindi ko dapat siya galitin. Binigyan ko siya ng ngiting matamis. Marunong akong umarte kaya hindi na mahirap para sa akin 'to.

"Yes of course. But I need to pee. I'll just go to the rest room and you wait here. Is it alright?" At pagkatapos saka ko siya tatakasan. Inipit niya ang sigarilyo niya sa labi niya saka niya iyon hinigop iyon at hinipan. Halos hindi ako makahinga sa amoy nun. Inilapit niya ang mukha niya malapit sa tenga ko at bumulong, "I'll wait for you."

Iyon na ang sign ko para umalis doon.  Kahit pa naglalakad na ako palayo ay ramdam ko parin ang malagkit niyang tingin sa akin. Tumayo ang mga balahibo ko sa batok. Niyakap ko ang sarili ko.

Dali-dali akong bumalik sa loob para sana hanapin si Angie at magpasama. Alam niya na kasi ang gagawin sa ganitong sitwasyon. Kita na ng mga mata ko ang entrance ng may naramdam akong nakatingin sa akin. Sigurado naman ako na hindi ito iyong lalaking manyak dahil malayo na ako sa parking lot. 

Tinignan ko ang paligid ko at nakita ang isang lalaking masama ang tingin sa akin. Sino na naman 'to? Nakatayo siya malapit sa mga nagtatawanan na mga teens na nasa harap lang ng bar. Seriously, what's with guys today? Hindi ko nalang pinansin iyon at nagpatuloy na sa paglalakad pero bago pa ako makapasok sa loob ay may humigit na sa braso ko.

Napangiwi ako sa sakit. Hindi agad ako nakapag-react ng kaladkarin niya ako sa hindi ko alam kung saan.

"How much?" Pagalit niyang tanong ng bitawan niya ako. Hinawakan ko ang braso ko dahil sa sakit.

"Ano?" Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya.

"Oh don't be a hard-to-get. I know woman like you," tinignan niya ako mula ulo hanggang papa at bumalik din sa mata ko. "So, how much?"

Nang maintindihan ko ang mga sinasabi niya hindi ko mapigilan ang suntikin siya sa mukha. Napaatras siya ng konti. Buti nga sa kanya!

"Bastos!" Kung isang bastos iyong kanina, hindi ko na alam kung ano ang tawag dito kaharap ko. Ano bang problema ng mga lalaki ngayon? Kating-kati na ba talaga sila para mangaladkad nalang sila ng kung sino-sino? Hindi ba sila natatakot magka AIDS? O talagang desperado lang talaga.

Hindi ko alam kung nasaan kami pero dinig ko pa naman ang ingay ng mga tao. May 

Just A KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon