Part 2

23 1 0
                                    

Part 2



Ano daw? 'babe'? Really? Gusto kong matawa pero 'wag na. Masasayang lang ang laway ko.


Naka jeans siya at polo shirt kaya bakat na bakat ang magan-teka, ba't ko ba siya dine-describe? Atska ayoko sa kanya, tama nga ang hinala ko na babaero siya.


Halatang nagulat siya ng makita ako kaya tumalikod na ako. Hindi ko nalang sila papansinin. Sino ba naman sila diba?! He's just a stranger I met at the bar.


Kumuha na ako ng chocolates ko. Yummy!


Aalis na sana ako para maiwasan ang taong yun pero nakita ko si Anjie na palingon-lingon sa paligid na tiyak ay ako ang hinahanap niyan.


"Vinn! Haay salamat nahanap na din kita." Sabi niya pagkakita sakin at lumapit at nilagay niya sa cart ang fresh milk. Tumingin siya sa gilid ko at napangiti nalang bigla.


"Theo! Long time no talk!" Hindi ko napigilan kaya napatingin na din ako. Kilala sila? Obviously.


"Anjie." Sabi niya bilang pagbati tapos tumingin agad sa 'kin.


"Ah this is Vinn bestfriend ko. And Vinn, this is Theo, a friend." Pagpapakilala niya samin pero si Theo nakatingin pa din sakin. Yung tingin parang nagtatanong o naiirita na ewan. Anong problema niya!? Tsss


Namayani ang katahimikan samin pero si Theo din agad ang pumutol.


"It's a pleasure to meet you," inilahad niya ang kamay siya sa akin. "Again." Pagpapatuloy niya. Pero hindi ko tinananggap ang kamay niya at hinarap si Anjie para makahingi ng tulong. Tiningnan ko siya na sinasabi ng mata ko ang can-we-leave-now.


"Magkakilala pala kayo? Tss hindi niyo naman sinabi agad." Pagrereklamo niya at hindi niya pinansin ang tingin ko. Ang ingrata! Mamaya ka sakin!


"Uhm Theo babe? Can we have a lunch? My treat!" sabi bigla nung babe nung Theo kaya napatingin ako. Hinila-hila niya pa an gang braso. Bitch!


"Alam mo kasi miss. May lakad pa kami kasama si Theo eh. Pasensya ka na." pagpapaumanhin niya na halatang may sarcasm.


At ano daw? May lakad sila? Kalian pa? sa pagkaka-alam ko whole day kaming magsasama ni Anjie ngayon.


Umalis naman agad ang babae na halatang disappointed.


"Thank you Anjie."


"Lagi naman eh. Wala ka parin pinagbago!"



Nagtawanan lang sila. Okay? Ako na ang out-of-place.


"Gusto mong sumama samin?"


"Sige!" Walang pag-aalinlangan na pagpayag ni Theo. Hindi ako makapagsalita kasi hindi ako makapaniwala! Wala ba siyang kahihiyan sa katawan? Hindi niya ba naisip na makakaistorbo siya sa amin!?


"Saan siya sasama?" tanong ko kay Anjie nang makarecover ako.


"Sa bago mong apartment!"

Just A KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon