Part 3

19 1 0
                                    

Part 3




"Hindi mo ba ako tatanungin kung gusto kong kasama siya?" I know I'm being rude here. Eh anong magagawa ko pagmakikita ko siya naaalala ko lang yung nangyari sa bar.


"May away ba kayong dalawa?"


"Oo." "Wala." Sabay naming sabi.


"May tampuhan lang kami kaya kailangan ko siyang makasama ngayon." Sabi niya na nakapagtaka naman sa mukha ni Anjie. 'tong Theong talagang 'to!


"Ikaw Vinn ha. Hindi mo sinabing close na close pala kayo nito. Ba't hindi mo sinabi!?" Close!? In his face!


At bago pa ako maka-react kinuha niya na ang cart ko at hinila na niya ako na para bang close nga talaga kami. Seriously!? Ganito ba siya sa lahat ng babae niya!?


"Babayaran lang namin 'to ha! Maglakad-lakad ka muna jan."


"Sige!" Aba't pumayag naman!


"Hoy! Bitiwan mo ako! Sino ka ba ha!?" Nanggigigil kong sabi sa kanya. Narating namin ang counter saka siya humarap sakin.


"Ako? Tinatanong pa ba yan? Ako si Theodore ang lalaking nanghalik sayo nung nakaraang araw." Hindi niya inaalis ang tingin niya sakin kaya umiwas ako. Naiintimidate ako. Ewan kung bakit. Kahit sino ang tumitig sa mata niya ngayon matatameme talaga.


"How sure are you? Alam mo, marami akong nakahalik nung araw na yun kaya hindi na kita matandaan." Hindi parin ako tumingin sa kanya pero ramdam ko ang titig niya. Nakita kong nakakuyom na ang kamao niya.


"Sad to say but you're not good at lying. Better luck next time." This time tiningnan ko na siya, and he's smirking. He knew?


"Why would I lie?" normal ang tinig ko. Para hindi masyadong halata.


"I saw you. That's why."


**

From: Anjie bebs


Sorry Vinn. Emergency lang. Mauuna muna ako. Si Theo nalang ang isama mo sa apartment total close naman kayo.


"Bullshit!" hindi ko napigilan ang bibig ko. Ipapasama niya sa akin yung Theong yun!? No way!


"Your mouth." Parang warning sa pandinig ko ang sinabi niya. Inirapan ko lang siya. Nandito kami sa dungkin' doughnut. Dito sana namin aantayin si Anjie pero ang bruha! Naiinis na ako!


"Alis na ako. May emergency daw sa kanila."


"Hatid na kita."


Isa pang bullshit! Ngayon ko lang naalala na kotse pala ni Anjie ang ginamit namin kanina kasi nga mamumuhay akong hindi mayaman.


"Magta-taxi nalang ako."


"I insist. Baka ano pang mangyari sa 'yo."


"Problema ko na yun." Hindi ko na siya pinansin at naglakad na ako palayo sa kanya.


"Ang tigas ng ulo mo." Bago pa ako makasagot kinuha na niya lahat ng mga plastic bags na dala ko.


"Bakit mo ba ako nilalapitan? Can't you just forget what happened between us last last night?" naiinis kong sabi sa kanya. Sunod lang ako ng sunod sa kanya. Wala naman akong magawa kasi nasa kanya nga ang mga pinamili ko.


"I can do that," Sabi niya pagkalapit namin sa isang Montero Sport na sasakyan at inilagay ang mga plastic bags sa back seat. "But I won't."


Pinagbuksan niya ako ng pintuan kaya sumunod nalang ako. Sumunod naman siya sa driver's seat at pinaandar ang sasakyan.


Tinanong niya sa akin kung saan ang apartment ko at sinabi sa kanya. Buong byahe wala akong ginawa kundi ang tumingin sa labas pinapanood ang mga ginagawa ng mga tao hanggang sa makapasok na kami sa subdivision.


"Saan dito banda?" tanong niya.


"Diyan sa maliit na kulay white na bahay." Agad akong bumaba pagkapark niya at kukunin ko na sana ang mga plastic bags nang maunahan niya ako.


"Ako na niyan!" Wag niyang sabihin na papasok siya sa apartment dahil hindi ko siya papapasukin!


**

"Pahingi naman ng tubig." Sabi niya na nakahiga sa sofa ko. Wag niyo na akong tanungin kung paano siya nakapasok.


"Kumuha kang mag-isa mo. Hindi ka naman bisita. Bwisita ka dito."


"Okay." Aba't sinunod nga ako! Feeling niya bahay niya to?!


"Ba't parang bago pa lahat ng mga gamit dito?" taking tanong niya habang nagsasalin ng tubig sa baso. Pasalamat nalang ako at inayos ko na lahat ng mga gamit dito.


"Marunong kasi akong mag-alaga."


"Ako nalang kaya alagaan mo?"

Just A KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon