Part 8

13 0 0
                                    

Part 8

"Kababata ko 'yon." Yun nalang ang sinabi ko sa kanya. Hindi ko alam pero yokong may ibang isipin siya dahil lang sa lalake ang bestfriend ko. Hindi na din naman siya nagtanong kaya nagpatuloy kami sa pagkain hanggang sa matapos kami.

"Ako na ang manghuhugas." Prisenta niya. Tinangka niyang kunin ang mga pinggan sa kamay ko pero hindi ko hinayaan.

"Ako na. Bisita ka, kaya ako na." Pilit ko.

"Ikaw din naman ang nagluto kaya ako na manghuhugas."

Hindi na ako nagpumilit pa. Kahit parang hindi ko dapat siya pinapahugas. Ako kasi medyo sanay na naman ako sa gawaing bahay at hindi ko alam kung pati siya. Sabagay, HRM naman yung tinapos niyang course.

Naisip kong maliligo nalang ako pero bago ako umalis may sinabi siya.

"Kung may lakad ka ngayon, ako na maghahatid sa 'yo. O sasamahan kita." Hindi ko na siya sinagot at nagpatuloy lang sa paglalakad. Kinuha ko ang cellphone ko at tinext si Jerome na 'wag na niya ako sunduin at magkita nalang kami sa restaurant.

Pagkatapos kong maligo ay naghanda na ako. High waisted jeans at crop tops ang sinuot ako. Paglabas ko nakita ko si Theo sa sala nanonood ng spongebob. Napatingin siya sa akin ng mapansin niya ako.

"Let's go?" tumango ako.

Buong byahe usapan at tawanan lang ang ginawa namin. Kinwento niya sa akin ang naging buhay niya noong high school palang siya hanggang sa nag-college siya.

"By the way, sino pala ang ka-meet mo dun sa restaurant na sinasabi mo?" tanong niya bigla. Natahimik ako. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Kung sasabihin ko sa kanya na si Jerome ang kakita ko o hindi.

Then again, reality hit me. Oo nga pala. Ano ba kami? Walang namamagitan sa amin. Ni hindi ko nga alam kung bakit sinusundan niya ako simula noong nagtagpo kami sa mall. Ni hindi ko alam kung ano ba talaga ang intensyon niya at bakit dun siya natulog sa bahay. Hindi kami, kaya walang mali sa pakikipagkita ko kay Jerome.

"Childhood friend ko." tiningnan niya ako sandali at binalik ang tingin sa daan.

"Who?"

"Hindi mo siya kilala."

"Who?" ulit niya. Naramdaman ko agad ang tensyon na namagitan sa amin.

"Si Jerome," sagot ko agad, "siya 'yung tumawag sa cellphone ko habang ikaw ang may hawak nun."

Pagkatapos kong sabihin 'yun ay tahimik na siya. Ang kanina na masayang atmosphere ay napalitan ng napaka-awkward na atmosphere. Pagdating sa restaurant kaagad siyang nag-park pero hindi siya lumabas. Nanatili siya sa kanyang upuan.

"Pwede ba kitang hintayin? Magtatagal ka ba?"

"Medyo." sagot ko.

"Sige. See you later." tumango ako kahit nagtataka. 'later'? Ibig-sabihin pupuntahan niya ako mamaya? Hindi ko alam kung anong sumanib sakin pero napangiti ako. Lumabas ako ng sasakyan at pumasok na sa loob ng restaurant. 

Agad kong napansin ang blonde haired na lalake na nakangiti ng malapad habang papalapit ako sa kanya. Tumayo siya sa kinauupuan at sinalubong ako ng yakap. Grabe, namiss ko talaga 'to! Agad niya akong pinaupo at tinawag ng waiter. Pagkatapos naming mag-order ay agad niya akong tinapunan ng mga tanong.

"Where are you staying now?"

"Do you live alone? Or still the daddy's girl?"

"Whoa! Whoa! Wait! Hinay-hinay lang okay?" pigil ko sa kanya.

"Well, sa isang apartment ako nakatira ngayon. And I live alone. Tigilan mo nga ako sa daddy's girl na 'yan!" Isa kasi 'yan sa pang-inis niya sakin. Daddy's girl pero sa tingin ko naman ay hindi. Ayoko kasing tinatawag ng ganon kasi feeling ko napaka dependent ko kay daddy. Which is partly true, pero ayoko pa din!

"Okay. May boyfriend ka na ba?"

"Ang straight mo magtanong ha." napailing-iling nalang ako. Ang laki ng pinagbago niya mula noong huli kaming magkita. Mas lalo siyang gumwapo ngayon. Noon, kahit mga bata pa kami marami na ang nahuhumaling sa kanya, isang rason din kung bakit wala masyadong lumalapit sa akin na babae kasi sa tingin nila malandi ako. Like duh? Naiinggit lang sila.

Naka coat siya at ang inner niya ay v-neck shirt. Tapos mala-Luke Hemmings na buhok. At mas tumangkad din siya. Siguro pwede na siyang sumali sa NBA.

"So ano nga?" napataas ang kilay ko.

"Bakit? May balak kang manligaw?" biro ko. Dumating ang mga inorder namin at nagsimula na kaming kumain. Busog pa ako kaya deserts lang ang inorder ko.

"If there's none, why not?" tumingin ako ng seryoso sa kanya. Alam ko ang mga style na 'yan eh.

"Joke!" habol niya. See? Wala talagang matinong sasabihin 'tong kumag na 'to.

"Wala." Sagot ko sa tanong niya kanina. Na wala akong boyfriend. Since birth.

Sinabi ko sa kanya ang naging pagtatalo namin ni dad at ang plano ko. Pati na si Theo na unang halik ko. Ayun siya at gusto daw niyang makilala si Theo. Buong kainan namin ay nagkwentuhan lang kami kaya pagkatapos ay napagpasyahan namin na pumunta sa bahay nila.

Nagtext kasi si tita  Veronica- mommy niya- na hindi natuloy ang lakad niya kaya gusto nalang daw niyang makipag bonding lalo na ngayong nandito ako. May kotse namang dala si Jerome kaya hindi na kami mahihirapan.

Pagkapasok ko sa loob ng sasakyan agad tumunog ang cellphone ko.

Take care. - Unknown number

Just A KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon