Chapter 1- Know them First

13 0 0
                                    

"Mataray"

"Palangiti"

"Mabait"

"Maganda"

"Maputi"

"Prangka"

"Pafamous"

"Bitch"

"Yan si Atasha Meg Scott" Yan ang kalimitang sinasabi nila pag nakikita ako. Kayo na lang ang magsabi kung ano ba talaga ako sa mga yan. Pero isa lang ang masasabi ko. HINDI ako bitch. Sadyang madami lang talaga ang naiinsecure sakin. Ang yabang ko ba? Sorry to say pero yun ang totoo. Nasa America ang family ko. Minsan lang sila umuwi kasi may company sila dun na inaasikaso. Kadalasan, nakukuha ko ang gusto ko dahil nag iisa lang akong anak. Isa na rin siguro yun sa dahilan kaya nasasabi ng ibang tao na mayabang ako. Nakakapunta naman ako ng America pero dapat may valid reasons. Lumaki ako na ang kasama ko ay ang mga maids at si Ya. Prangka ako. Kung may gusto akong sabihin, sasabihin ko. Wala na akong pake sa nararamdaman mo. So kilala niyo na ako? K. fine

"Bae andyan c Charles ooh!"

"Hala? nasan? Tabi dyan. 'Di ko makita?!"

"Haha, uto uto ka talaga kahit kailan!! " pang aasar nya.

"Bwisit!" inis kong sabi sa kanya

"Haha. mahal na mahal mo talaga yun noh?"

Mahal agad?. Psh

"Crush lang, wag kang feeler " sagot ko..

"Eh dun din naman mapupunta yun eh. Kunwari ka pa? ^__^" sabi nya with a big smile pa.

"Tigilan mo nga ko kung ayaw mong masakal diyan!" banta ko sa kanya.

Ipapakilala ko pa ba siya? Wag na. Sus. Kidding. Siya lang naman ang loka-loka, baliw, hyper, ang lakas ng tama na bestfriend ko na si Chloe Smith. Mabait din naman kahit papaano. Beauty and brain. Suportahan nga daw kasi ang kaibigan. Hindi ko nga alam kung bakit eto pa naging kaibigan. Pero ok na rin. Kaya ko namang pagtiisan. Haha. Kahit naman ganito ito eh mahal na mahal ko 'to. Kaso pag inaway mo talaga yan? Yay! humanda ka na. Away kung away, prangkahan kung prangkahan, war kung war. Ganyan sya, kaya kung ako sayo, matakot ka na o.O. Mabait naman yan.....pag tulog nga lang.

Remind ko lang na nandito nga pala kami sa loob ng clasroom. Time ng math which is super duper worst na subject sa balat ng lupa. Ramdam nyo ko. Diba? Diba? Oh deny ka pa?! Super duper boring ng class. Marami rin namang hindi nakikinig kaya nagdecide na lang kami ni bespren na lumabas ng room. Laking himala naman nung pinayagan kami ni Ms. Sungit. Heaven is real! Dun kami dumaan sa room ng lalabs ko para naman makita ko sya. Kaso sa kasamaang palad wala nga pala sya dun. Nasa science lab. nga pala sila pag time ng math namin. Wushu. Oo na swerte na talaga ako.

Sya si Charles Lincoln. 4th year highschool na siya ngayon. Heartthrob talaga 'to. Crush na crush ko talaga. well 2 years ko lang naman siyang crush na or lets say na mas malalim na ung nararamdaman ko sa kanya. Famous, matangkad, maputi at madami pa or in short nasa kanya na lahat. Halos bungguin ko lahat ng makakasalubong ko makita lang sya. Kaya kung makakasalubong mo ako sa loob ng campus, alam mo na gagawin mo;). Kaso kung ano yung ikina gwapo niya, kabaligtaran ng ugali nya. Napaka sungit na akala mo laging meron! Natalo pa ang babae. psh. Like a boss ang dating kaya kung makakabunggo mo yun. Oops. Sorry ka na lang :P. Sa tinagal tagal ko na dito sa school na 'to eh never nya pang napansin ang kagandahan ko. Well, sino ba naman ako para mapansin. Engkanto siya, ako prinsesa. Ay de joke lang!. Hindi ko nga alam kung marunong yun ngumiti. Kala mo tinakluban ng araw at buwan. Wait? San ko nakuha yung word na un?

Anyway balik na tayo sa knina.

Andito na nga kami sa loob ng canteen. Pagpasok namin dun walang masyadong tao, Mga mababait na students lang talaga yung nandun. Madaming free tables kaya namili na rin ako habang c bespren naman yung nag oorder.

Nung naka order na siya umupo naman kaagad.

"Shake at pizza na naman?.. Di ka naman nauumay dyan noh?" pagrereklamo ko

Aba eh sa tinagal tagal ko na ba naman dito eh lagi na lang yun nakikita ko sa lamesa tuwing kakain. Di ka ba naman mauta dun?

"May reklamo ka?!" mataray niyang sagot.

"OO." Hard kong sagot sa kanya pero inirapan niya na lang ako.

"Sobrang boring naman dito!! Tss. Grabe. tapos ang init init pa. Juice na may strawberry naman oh." Pagrereklamo ko. Hindi naman talaga mainit. Sadya lang sigurong mainit ang ulo ko ngayon.

"Wag ka na maginarte dyan at hindi ka naman maganda. Kesa naman dun tayo nagtitiis sa loob ng room. Haler? baka hindi ko na makaya. Lugaw na lugaw na talaga utak ko."

"Ay oo nga. Bobo ka nga pala sa Math."

"BAKIT HINDI KA RIN BA BOBO DUN?! CHE!" Galit na sabi niya sakin kaya napatawa na lang ako.

Kumain na lang kami ng biglang -----

''Otoshoooooo!!!!'' biglang sigaw niya. Eto yung problema dito eh, sisigaw na nga lang. Ngongo pa.

"Ano ba yan? Bobo ka na nga, ngongo ka pa. Aba chill muna. Isa-isa lang." nang aasar kong sabi sa kanya.

"GO TO HELL!" Malakas na sigaw niya sakin. Haha.

Wag na kayong magtanong kung ano ang reaksyon ng mga tao dito sa loob ng canteen. Wala lang sa kanila yung ganito naming scene ng kaibigan ko na puro sigawan pag nag uusap. Pano naman kasi, nasanay na sa sigawan at ingay naming dalawa.

"An...An....!"

"Ano ba yan Chloe. Dinagdagan mo pa ng pagiging bulol mo ang pagiging bobo at ngongo mo!" sabay hagalpak ko ng tawa.

''NAGSISISI NA TALAGA AKO NA IKAW ANG NAGING KAIBIGAN KO! BWISIT KA TALAGA SA BUHAY KO!!" Sabay paltok ng tinidor na hawak niya sakin na tumama sa uniform ko.

"WHAT THE HELL DID YOU DO?!!" Gulat na naiinis kong tanong sa kanya.

"Mas ok nang bobo,ngongo, at bulol kesa naman sa katulad mong DULING, BANLAG, BULAG!!" Mataray niyang sagot sakin.

"Gusto ko lang ipaalam na nandyan si Charles!" straight niyang sabi sakin. Teka... Si Charles? As in si Charles? Weh. Whaa--. No Atasha, wag kang papayag na tawagin ka niyang bulag na uto-uto.

"So anong gusto mong gawin ko?! Magpauto sayo? Mukha mo! Manigas ka!" mataray kong sagot sa kanya.

Tig dalawahan kasi ng upuan yung table na hinanap ko. At siya yung nakaharap dun sa may pinto kung saan ang entrance at exit. Kaya hindi ko nakikita kung sino-sino yung mga umaalis at dumadating. Parang life.. Hindi mo alam kung sino ang mananatili at mangiiwan sa huli. LOL.

Tumayo na ako, hindi ko na pinakinggan ang sasabihin nya. Alam ko namang kabobohan este kalokohan lang din naman ang maririnig ko sa kanya.

Pero biglang tayo ko eh ----

Full of ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon