Atasha's POV
Matapos kong mapakalma ang sarili ko, lumabas na ako ng clinic. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng aking mga paa. Hindi ko alam kung saan ako pupunta ngayon. Hindi ko alam kung kakayanin ko pa ba.
Mag si-6 ocklock na rin naman ngayon, maaga yung labasan ng mga estudyante lagi tuwing Wednesday. Oo wednesday ngayon. So ang ibig sabihin walang ng estudyante ngayon dito. Dumiretso na lang ako sa classroom para kunin ang gamit ko at makauwi na rin. Hindi ko alam kung nasan si Chloe ngayon. Haist. Papasok na sana ako ng classroom ng biglang ..... ..... ........
BOOM!!
Ang tuhooood ko!
"Yan ang bagay sayo! HAHAHA. ang lakas ng loob mo para bungguin ako.. Kulang na kulang pa yan sayooooo!" at tuluyan na siyang umalis.
Sino pa ba naman ang taong iyon? Sino pa ba ang gagawa nito sa akin?Sino pa ba ang nagsabing "hindi pa ako tapos sa kanya?" OO siya nga.. Siya talaga!
Scene:
Papasok na sana ako ng classroom tapos bigla akong napatisod sa isang lubid na inilagay nya sa may pintuan.Nauna yung tuhod ko na bumagsak sa sahig bago pa ang buong katawan ko. Hindi ko naman kasi agad yun napansin dahil wala nga ako sa sarili ko nung oras na yun. Hindi ako shunga ok? Wala lang ako sa katinuan nun..
___________
Sobra sobra na talaga. Hindi ko na kaya physically and mentally. Pero bakit ganito? Kahit mas nasaktan na ako ng sobra ngayon, walang lumalabas na luha sa mga mata ko. Kahit sobrang sakit na nararamdaman ko ngayon, hindi nababasa ang ang aking mukha. Nanatili akong nakaupo sa lapag habang nakatulala sa may dingding. Walang umaagos na luha sa aking pisngi. Ipinikit ko na lang ang aking mga mata. Hindi ko na pala talaga kaya. Hihintayin ko na lang siguro ang taong tutulong sakin ngayon. Hihintayin ko na lang siguro mag umaga. Hindi ako makakilos.
"Mam?Ok lang po ba kayo?Ano pong problema? Mag aalas otso na ho, bat hindi pa po kayo umuuwi? Tara na po sa baba?"
May naririnig na akong boses ng isang tao pero nanatili akong nakapikit dahil baka isa lang yun sa mga imahinasyon ko.
"Mam? Nakainom po ba kayo? Tara na po sa baba." Naramdaman ko na hinawakan niya ang aking balikat para siguro itayo ako at dun lang ako nagsimulang buksan ang aking mga mata.
"Mano...ng. Tulungan niyo po ako" ang tanging nasambit ko na lang sa kanya.
"Hala? Dumudugo po ang tuhod niyo. Teka, kukuha ako ng gamot sa baba." tumayo naman kaagad siya pero bago siya makalakad ay nagsalita na kaagad ako.
"Wag na po. Gusto ko ng umuwi" nanghihina kong sabi sa kanya
"Sigurado po ba kayo? Sige ho. Ano ho bang nangyari?" pag uusisa nya pero nanatili na lang ulit akong tahimik.
Dahan dahan kaming bumaba ng hagdan. Hanggang sa makababa kami ay wala pa rin ako sa aking sarili.
"May susundo ba sayo?"
"Iha?" tawag niya ulit sa akin.
"Wa.. Wa..la po eh."
"Ah Sige, titignan ko lang dun sa file mo yung number ng guardian mo,para masundo ka na."
"Ano bang pangalan mo,iha?" pero hindi na ulit ako nakapagsalita.
"Wala ka ata sa sarili mo Mam. Umupo po muna kayo dito. Hahanapin ko na lang po para sa inyo" umupo na ako at hinintay na lang ulit siya.
"Teka. Atasha Meg Scott ba ang pangalan mo?" tanong niya sakin habang hawak ang record ko. Nag nod naman ako sa kanya. Pumunta kaagad siya sa telepono at maya maya naman ay narinig ko na parang may tumigil na sasakyan.
"Andito na po ang sundo mo Mam Atasha. Tara na po, ihahatid ko na po kayo." inalalayan niya naman kaagad ako sa pagtayo hanggang sa makasakay ako ng sasakyan.
Pagkauwi ko bigla akong sinalubong ni Ya ng yapos. Dun pa lang nagsimulang bumuhos ang luha ko. Niyakap ko siya ng sobrang higpit.
"Shh. Tahan na. Andito na kami. Tama na. Andito lang ako." paulit-niyang sabi sakin.
"Magpahinga ka muna anak. Sasamahan kita." At hinatid niya ako sa kwarto ko. Hindi niya ako iniwan habang hindi pa ako natutulog. Paano pa ako makakatulog kung ganito ang nangyayari sakin ngayon? Ngayon lang nag sink in sa utak ko ang lahat-lahat. Hindi niya nga pala talaga ako mahal at kahit kailan hindi niya nga pala ako mamahalin.
BINABASA MO ANG
Full of Thoughts
No FicciónNagmahal ka na ba? Pinangakuan ka na ba niya? Nangako ba siya sayo na may forever talaga? Umasa ka naman kaagad? Natupad ba naman niya? Idiot!! GISING!!! Akala mo lang yun! Edi ngayon iiyak-iyak ka diyan? Buti nga sayo! Ang hilig mo kasing umasa...