Ralph's POV
Ako nga pala si Ralph Ethan. Isang gwapo, cool,astig, at higit sa lahat habulin ng mga babae. Isa ako sa tropa ni Charles. Hindi naman ako ganun kasama tulad niya. Kahit papaano naman eh may kabutihan pa rin naman ako.
Andito nga pala ako sa may may kubo nakatambay, nag hahanap ng chix. Nakaupo lang ako dito ng makarinig ako ng ....
BOOOOOOGSH!!
Ano naman yun?!. tss. baka naman imagination ko lang yun?
"huuuuuu"
Tae! Ano ba naman yun?! Tss. kanina may parang bumagsak na ewan, tapos ngayon naman parang may umiiyak naman -_-..
Tumayo at tiningnan ko kung ano yung bagay na yun. Malay ba natin chix yun, oh diba? Tss..
Wait teka. Asan ba yun?
*Hanap*
*Hanap*
*Han-
AHA! chixx. Hohoho. Pag siniswerte nga naman.
Syempre nilapitan ko yung chix dun. Tapos pagakakita ko, ayun umiiyak ata? Siguro nauntog siya dun sa puno? Sadyang shunga o bulag?
Syempre tinanong ko kung ok lang ba siya, malay ko ba sa kanya. Aba bigla ba naman akong sinabihang bakla.Halikan ko kaya siya. Anak ng tinola! Ako? Bakla?! Da Duck! Sa gwapo ko ba naman 'to siya pa lang nakapagsabi nito saken. Isama ko siya sa mga collection ko eh! Pagkatapos nun, bigla na lang akong sinigawan. Aba! Pasalamat siya at at mabait pa ako kahit papaano! Pechay!
Iiwan ko na sana sya kaso nakita ko na dumudugo yung noo niya,alangan namang iwan ko to ng paganito. mamaya mamatay pa to dito. ako pa mapagbintangan. -____-.
Tapos ayun, sinungitan niya na naman ako. Ewan ko ba! Hirap kasi sa mga babae. Laging galit!Akala mo dala lahat ng problema sa mundo. Psh. Maya maya itinaas niya na yung ulo niya para siguro makita niya na ang mala anghel kong mukha. Alam ko namang type ako nito. Pakipot pa.
Nung nakita niya ako, bigla na lang lumaki yung mata niya. As in malaki talaga! Kulang na lang magkasing laki na sila ng mata ng alaga kong kwago sa bahay! O_______O. Tsk. ngayon lang ba siya nakakita ng pogi? Sabagay napakahirap ko kayang hanapin sa buong universe. Pero sorry Ms., di ako pumapatol sa mga taong shunga.
Aalis na sana ako sa harapan niya ng biglang na lang....--
Atasha's POV
Hindi niya na ako pinansin.Maglalakad na sana sya kaso
...............
Huh?Ano ito?Langit na ba to? Bakit madilim dito? Ibig ba sabihin nito wala ako sa langit? ibig sabihin sa --NO! This can't be! Unti unti ko nang binuksan yung mata ko. Sobra talagang sakit ng ulo ko. Thanks God at hindi pa naman pala niya ako kinukuha. Whoah. gusto ko pa naman talaga mabuhay.
Teka?kung wala ako sa langit, nasan ako?Tiningnan ko yung paligid at .... wait?nasa clinic ako? oo. clinic nga. Ano bang nangyari? Nagka amnesia ba ako? Hala! Wag naman sana, pero okay na rin. Pwede na. Ano ba yan?! OA Atasha. Psh.
Bakit nga pala ako nandito? Asan na yung mokong na kausap ko kanina.
Flashback
Aalis na sana siya sa harapan ko ng bigla na lang akong napapikit at nawalan ng malay. Sumunod dun hindi ko na alam ang mga nangyari?
--
Halah! Baka narape na ako! Baka ginalaw na ako ng mokong na yun! Juskooo! Wag poo! HUHUHU!
Tss. Oo nga pala, nung pagtingin ko sa kanya eh nagulat talaga ako as in. Hindi naman sa gwapo sya kaya nahimatay ako. Mukha kaya siyang kwago! Kasi isa siya sa mga tropa ni Charles. Pano ko nalaman? Wala ka na dun! Alam nyo naman ang ugali nun? Kaya syempre ganun din yung ugali nung lalakeng yun. Common sense! Nakikita ko kasing lagi yung kasama ni Charles kahit saan man siya pumunta. Siguro bodyguard niya. Kaya ayun syempre naalala ko yung sinabi sakin ni Charles na ''hindi pa daw ako tapos sa kanya?'' ibig ba sabihin nito eh, naging kami at ayaw nya pa kami mag break? Yiee. Haha. Hay nako Meg. Itigil mo na yan. Kaya nasasabihan kang bitch eh. So ayun, nung time na yun eh ang nasa isip ko eh siguro isa ito sa mga pakana ni Charles. baka mamaya patayin o rape-in ako nito. Pwede na rin. JOKE -_- ASA umayos siya kung ayaw niyang mapunta sa hell agad. Teka? Parang may nagbukas ng pinto?! May Mumu! Whaa! Tatakbo na talaga ako! O baka naman andiyan si.... Kamatayan.. Nakoo. Wag poo! Bata pa po ako! Huuuu. Positve! Positive! Hindi yun totoo! Baka naman nurse lang? Sana nga.. Sana!
"Hoy! Alam kong gising ka na! Wag ka mag inarte dyan at pangit ka pa rin naman! Halikan kita dyan e!"
Tae! Eh mas masahol pa to kesa kay kamatayan eh!
"Hoy!Atasha Meg Scott! Gumising ka nga dyan! Hahalikan talaga kita dyan!!! . Isa!"
Aba. Bat alam nito pangalan ko, siguro type ako nito.tse. Halikan nya mukha nya. Alam kong di nya gagawin yun. Bakla kaya siya, GAYYYYY!
"Dalawa!Tatlo!!'
Palapit ng palapit na siya saken, syempre ako walang kibo pa rin asa naman siyang gagawin nya yun.
Naglalakad pa rin sya patungo sa akin ng biglang
*Smack!*
Waaaaa.... NO!! THIS CAN'T BEEEEE! >.<..
PAAAAAAAAK! ..
"ARAYYYYYYYY!!!!!" sigaw nyang sabi sa akin.
Oo. sinampal ko sya, hindi ba halata? Grabe sa buong buhay ko, siya yung unang gumawa sakin nito. shemays. O, wag kayong o.a. sa cheecks lang naman. Masyado lang akong nagreact. pero kahit na. Dahell!. Hindi siya yung prince charming ko.. T___T..
"ARAAAAAAY! BAKIT MO AKO SINAMPAL!" Habang hinihimas yung pisngi niya na sinampal ko.
"Eh kasi ikaw naman kasi! Lechugas kang mokong ka! Halikan ba naman ako. dina virgin yung Pisngi ko. Patayin kita diyan eh!"
"Eh, ang arte arte mo naman kasi! Oa nito. swerte ka nga at prinsipe yung unang gumawa nyan sayo. dapat nga magpasalamat ka pa sakin" sabay pakita ng nakakalokong ngiti sakin. Fudge!
"YUCKKKK!!! Kay Ch... "
''Charles na naman? Timang ka ba? Hindi ka mahal nung tao! Para kang aso diyan, naghahabol sa taong hindi naman sya pinapansin. Ikaw lang din naman yung kawawa!" sigaw niya sakin.
Bigla akong napipi sa narinig ko. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Bigla na lang nanlamig ang paligid ko. Naiiyak ako na ewan. Ano bang dapat kong maramdaman?
"Itigil mo na ang paghahabol kay Charles. Hindi ka niya mahal at kahit kailan hindi ka niya mamahalin. Wag mong iyakan ang taong katulad niya. Wala kang mapapala sa kanya, Kaya wag ka nang umasa." At bigla na siyang umalis. Pagka alis niya dun na biglang tumulo ang mga luha ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Bakit nga ba ako nagkakaganito sa kanya? Bakit nga ba umaasa ako na mapansin niya ako? Bakit nga ba hinahayaan ko ang sarili ko na masaktan dahil lang sa kanya?
Chloe's POV
Argh! bwisit na bruhang bulag yun. Iniwan ba naman ako dito mag isa? Kamusta naman yon? Niloloko ko lang naman siya. Hindi ko naman alam na dinamdam niya masyado yun. Tsk. Halos lahat ng part ng campus na to eh pinuntahan ko na. Pasalamat siya at mahal ko siya. Whaaa. Sira na yung beauty ko kakahanap sa babaeng yun. Tsk san ba kasi yun nagpunta?! Anak ng tinapa namn oh-_-..

BINABASA MO ANG
Full of Thoughts
No FicciónNagmahal ka na ba? Pinangakuan ka na ba niya? Nangako ba siya sayo na may forever talaga? Umasa ka naman kaagad? Natupad ba naman niya? Idiot!! GISING!!! Akala mo lang yun! Edi ngayon iiyak-iyak ka diyan? Buti nga sayo! Ang hilig mo kasing umasa...