Atasha's POV
Ang tagal ko nang sinasabing kaya ko pa ba? At ngayon ang masasabi ko, hindi na. Hindi ko na kaya yung sakit na nararamdaman ko ngayon. Mas triple at doble yung sakit na nararamdaman ko ngayon. Pero ang puso ko?Eto patuloy pa ring tumitibok.
Patuloy pa ring tumitibok para sa taong sinaktan ako ng sobra.
"Oh, anak. Mabuti at nagising ka na? Grabe alalang alala kami sayo. Mabuti na lang at nakita ka ni Chloe. Hindi namin alam yung gagawin nung nakita ka namin dito. Tumawag yung Mommy at Daddy mo kanina. Iyak ng iyak ang mommy mo dahil sa nangyari sayo." pag aalala sakin ni Ya habang nagpupunas ng luha?
"Oo nga pala, Sino ba yung lalakeng yun! Hindi ako papayag na sinaktan niya ang prinsesa namin! Ang kapal ng mukha niya! Hindi ko ito papalagpasin! Ipapademanda ko sya!" biglang taas ng boses niya. Sinabi na pala ni Chloe ang nangyari.
"Ah, ya hayaan niyo na lang siya. Baka po may pinagdadaanan siya kaya nagawa niya yun sakin. Medyo ok na namn po ako. hehe-"
"TIMANG KA BA?!!! SINAKTAN KA NA NGA,IPAGTATANGGOL MO PA YUNG LALAKENG YUN?!!! WALA AKONG PAKIALAM KUNG MAY PINAGDADAANAN SIYA! ANG KAPAL NG MUKHA NYA!! AT OK KA NA BA SA LAGAY NA YAN!! NAPAKA MARTIR MO NAMAN!'' sabay tingin sa akin ng masama.
Napaiyak na lang ako bigla.Ngayon ko lang siya nakitang nagalit. Never pa siyang nagalit ng ganito sa buong buhay ko. Oo ganun ako katimang,napaka timang ko! Hindi ko alam kung bakit siya pa rin ang nasa puso ko ngayon. Hindi ko alam kung bakit ganun katindi ang tama ko sa kanya! kung alam mo lang Ya, kung alam mo lang.
"An..ak.. Nabigla lang ako. Hindi ko sinasadya. Patawarin mo ako. Hindi ko sinasadya. Sorry, Sorry." sabay yakap sa akin. Hindi pa rin ako nagsasalita. Pero yung luha ko,patuloy pa ring pumapatak.
"Sino ba talaga siya, anak? Sino ba siya para sayo? Sino ba siya at ganun na lang yung kabaitan mo sa kanya? Kaano-ano mo ba siya? Ano bang meron kayo? Mahal mo ba siya,anak?"
Nabigla ako sa sinabi niya lalo na dun sa huling tanong. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Mas hinigpitan ko ang yakap sa kanya. Sino nga ba talaga siya?Bakit nga ba ang laki kong t*nga! Sino nga ba siya sa buhay ko?! Mahal ko nga ba siya?! Ano nga bang meron sa amin? Ano nga ba talaga siya para sa akin?! Sino nga ba talaga siya? Sino nga ba?
Tinanggal niya ang pagkakayakap sa akin at unti-unti kong ipinaliwanag sa kanya kung ano nga ba siya sa akin. Syempre nagulat at nalungkot siya. Bakit daw sa dinami-rami na lalaki sa mundo eh yun pa ang minahal ko. Bakit daw minahal ko ang taong sinasaktan ako. Miski ako sa sarili ko hindi ko masagot ang katanungan na yun. Hindi ko alam kung bakit nga ba. Ano nga bang meron siya na wala sa iba?
Nag usap na lang kami ng kung anu-anong bagay. Anak nga pala yung isa sa mga tawag niya sa akin dahil tinuring ko na rin naman siyang pangalawang nanay ko. Sinabi ko na lang kay Ya, na sana wala nang makaalam ng mga napagkuwentuhan namin. Nakausap ko na rin si Mommy at dun palang siya kumalma.
Gusto pa rin ng pamilya ko na kasuhan si Charles. Kahit anong pakiusap ko, hindi pa rin nagbabago yuneqg desisyon nila. Ano pa bang magagawa ko? Wala akong laban sa ngayon. Wala akong balak makipagtalo sa kanila. Bahala na si Lord...
Maya-maya biglang bumukas ang pinto at pagkakita ko .....
Chloe's POV
Nagtataka kayo kung bakit wala ako sa tabi ni Meg ngayon? Ako na kasi yung bumili ng gamot niya. Ang bait ko talaga no? Tsk. Pinabantayan ko na lang muna siya kay Ya. Pabalik na sana ako ng biglang may sumitsit. Syempre hindi ako tumingin,baka mamaya sabihin eh feelingera ako. Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad ng biglang may sumitsit na naman. Aba?! Sino ba yung taeng yun. Tumingin na ako sa likod. At pagtingin ko --
BINABASA MO ANG
Full of Thoughts
Non-FictionNagmahal ka na ba? Pinangakuan ka na ba niya? Nangako ba siya sayo na may forever talaga? Umasa ka naman kaagad? Natupad ba naman niya? Idiot!! GISING!!! Akala mo lang yun! Edi ngayon iiyak-iyak ka diyan? Buti nga sayo! Ang hilig mo kasing umasa...