Charles POV
Habang naglalakad ako kanina para may bigla akong namukhaan na kakilala ko. At nung lumapit ako nakita ko na si Chloe pala. Sinitsitan ko siya pero hindi naman siya lumingon. Aba. Sungit. Tskk.. Sinitsitan ko ulit siya sa huling pagkakataon, at sa wakas tumingin na rin. HIndi ko alam kung bakit ganun na lang yung expression ng mukha niya nung nakita niya ako. Oh, well cguro nga dahil sa ginawa ko sa bespren niya. Oo, nagsisisi na ako dun. Hindi ko naman talaga planong saktan si Meg.
Pano ko nga ba nakilala si Meg? Isa rin kasi siya na famous sa loob ng campus. Madaming nagagalit sa kanya dahil siguro maganda siya. Sumasali kasi siya sa mga activities especially pagdating sa beauty pageant. Pwede na ngang pang Ms. World ang ganda niya eh. Kaya ang ending, madaming nagkakagusto sa kanya a\t syempre hindi mawawala ang mga haters na pilit siyang sinisiraan at binabansagang "Ms. Bitch of the Universe". Pero hindi niya lang daw pinapansin yun kaya mas lalong nag iinit ang mga haters. Nung natapunan niya ako ng shake sa damit, dun ko lang nalaman na siya pala yung Meg na tinutukoy ng mga tropa ko na patay na patay daw sa akin. Simula nun may kumalat na, nausapan na bakit daw ang manhid niya kase kahit sinasaktan ko na daw siya eh mahal pa rin ako at kung ano ano pang mga kalokohan na narinig ko. At ngayon unti unti ko na siyang nakikilala.
Pumunta kaagad sa harapan ko si Chloe sabay --
''PAKKKKK!!" Expected ko na naman na ganun yung mangyayari,pero hindi ko expected na ganito katindi >,< @_@.. First time to nangyari sa buong buhay ko!! Konti na lang eh maglulupagi na ako dito sa karsada dahil sa sobrang sakit. Kulang na lang tumabingi at lumipad ang pisngi ko sa sobrang lakaaaaas -___-! Hindi ko naman siya masisisi dahil alam kong matindi talaga yung galit niya sa akin dahil sa mga ginawa ko sa bestfriend niya. Siguro nga hindi pa ito sapat sa mga ginawa ko sa kaibigan niya.
Gusto ko lang naman siya kausapin. Gusto kong magpaliwanag sa kanya kahit alam kong matindi yung galit niya sa akin. Hindi ko alam kung bakit ko nga ba ito ginagawa. Buong buhay ko ngayon lang ako nakonsensya ng ganito.
Aalis na sana siya pero hinila ko yung braso nya. Bigla ba naman akong sinabihang manyak! Binitawan ko naman kaagad sa kanya. Putek! Ako manyak?! Nak ng puto! Sinabi pa nga niya na kung di ko daw siya bibitawan eh sisigaw siya. Hindi pa ba pagsigaw ang ginagawa niya! Sinabi niya rin na pupunta daw siya Kay Meg para daw magbigay ng gamot. Tinanong ko siya kung bakit at anung nangyare talaga kay Meg. Bigla ba naman akong sinigawan. Oo, Alam ko namang ako yung may kagagawan, pero syempre gusto ko rin malaman yung lagay niya. Nasabi niya rin kung bakit ang manhid manhid ko daw. Bakit daw sa dinami-daming lalaking pwedeng mahalin ng bespren niya eh ako pa. Nung mga oras na yun, bigla na lang akong napahiya sa sarili ko. Napayuko na lang ako. Nahihiya ako bakit nga ba ako pa. Bigla na lang akong napaluha sa harapan niya. Dahil sa galit at sakit na nasa puso ko ngayon,hindi ko alam na may nagmamahal pala sa akin na kayang isakripisyo ang lahat para lang mapansin.
"Oh? Anong kadramahan yan? Nung nangyare sayo? Bat ka umiiyak? Tears of joy?! LOL! Ngayon ka lang ba nakaexperience ng tunay na pagmamahal?. HAHAHA."
Halos madurog yung puso ko nung narinig ko yung mga sinabi niya.Tagos hanggang buto yung sinabi niya yun.Para akong binuhusan na napakalamig na tubig sa narinig ko. Gusto ko siyang sigawan. Gusto kong ilabas yung galit ko. Gusto kong isigaw sa kanya na OO!! Gusto kong sumigaw pero walang lumalabas na salita sa bibig ko. Nagpaalam siya aalis na siya pero bago niya natapos yung sasabihin niya nagsalita na ako. Sinimulan kong ikwento sa kanya yung nangyari. Sa buong buhay ko,ngayon lang ako nakapaglabas ng mga problema sa ibang tao at sa babae pa. Nung nagkukuwento ako sa kanya,pakiramdam ko eh unti-unti niya nang naiintindihan yung mga nangyayari sa akin. Pagkatapos kong magkuwento,dumaan yung katahimikan. At maya maya bigla na lang siyang sumigaw! Bakit ba kasi sa dinami-daming pwedeng maging bespren ni Meg eh eto pang microphone na 'to. Syempre pinagsabihan ko siya. Pinagtitinginan kami dito ng mga tao. Baka sabihin mamaya eh mapagkamalan pa kaming shota na nag aaway. Yan magiging gf ko? Pft! Sinabi niya rin na kahit daw ganito ako eh may nagmamahal pa rin sa akin. Aba, sa gwapo ko ba naman to? Tinanong ko sa kanya kung si Meg ba. Hindi siya sumagot. Obvious naman diba? At nagsimula na ulit siyang magpaalam for the third time!
"Sama ako!" sagot ko sa kanya. Syempre gusto ko rin naman kasing makita kung ok ba talaga si Meg. Baka kasi mamaya eh pinagloloko lang ako nito. Pinaulit niya pa yung sinabi ko. Tss. Bingi lang?! Samahan ko na kaya to sa hospital, hindi lang ata ulo ang may sira dito eh. Pati kasi pandinig niya, nagkadiperensya na rin. Nung una hindi talaga siya pumayag kasi daw ganito ganyan blablabla. Ginamit ko ang mahiwaga kong mata para mapapayag siya at sa huli naman eh pumayag din. Pakipot pa kasi, gusto rin naman akong kasama Lakas talaga ng karisma ng gwapo. Hinding hindi pwedeng hindian. Kaso may sinabi pa siyang hanggang pinto lang daw ako ng room ni Meg. Bakit pa kasi nauso yang mga limitation na yan. Nag sighed na lang ako. Ano bang laban ko dito sa babae na 'to? Kuwentuhan na lang kami habang naglalakad. Nung nakarating na kami sa may pintuan nung room ni Meg, makikiusap sana ako na pumasok kahit isang minuto lang para masiguradong ok talaga siya pero hindi na niya talaga ako pinayagan. "Magbabago ako" bigla na lang lumabas sa bibig ko yung mga salitang yan. Hindi ko alam kung bakit?HIndi ko alam kung para saan. HIndi ko alam kung para kanino? Hindi ko talaga alam. Naguluhan ako. Hindi ko alam kung narinig niya yung sinabi ko. Hindi naman siguro kasi pabulong lang naman yung pagkakasabi ko.

BINABASA MO ANG
Full of Thoughts
Non-FictionNagmahal ka na ba? Pinangakuan ka na ba niya? Nangako ba siya sayo na may forever talaga? Umasa ka naman kaagad? Natupad ba naman niya? Idiot!! GISING!!! Akala mo lang yun! Edi ngayon iiyak-iyak ka diyan? Buti nga sayo! Ang hilig mo kasing umasa...