Chapter 8- Is this the Beginning?

10 0 0
                                    

CHAPTER 8- IS THIS THE BEGINNING?

.......Si Chloe. Akala nyo naman si Charles?? Kahit ako umasa rin. Ugh. Stop! Nasaktan ka na nga Meg, umaasa ka pa!

"Kyaaaa!"

Whaaa! (╬ ಠ益ಠ)

"Oh ayan bigay sayo ng pinakamamahal mong manhid"sabay hagis sakin ng plastik na may laman atang prutas.

"What?!" Sigaw ni Ya.

"Pinagsasabi mo?" mataray kong tanong sa kanya.

"Hehehe.. Kayo naman Ya, nagbibiro lang naman ako." sabay peace sign kay Ya.

"Ahm Ya, alam niyo naman po na everyone in this world needs privacy? Uhm,pwede po bang iwan niyo muna kami ng loka kong kaibigan. May pag uusapan lang po kaming matino. Importante lang po kasi masyado eh.Alam nyo po yung teen conversation?Uhm ... pwede po bang sa labas muna kayo?? Hihi ^__^" Aba! paenglish-english pa to. Napakasama talaga ng ugali nito at kahit matanda eh hindi man lang kayang irespeto. Pasalamat talaga to at hindi ito pinapatulan ni Ya.. Teen conversation? Pwe. Tiningnan muna kami niya ng masama. As in yung masama talaga bago siya umalis. Bwisit na babae 'to. Mawawalan ako ng kasama nito sa bahay dahil sa ugali nito (-_-) .. Pagkaalis na pagkaalis ni Ya bigla na lang ..

"KYAAAAA!!!"

"Pwede bang wag kang maingay?!" naiinis kong pakiusap sa kanya.

"Ay? HONTOROOY." mas lalo niyang malakas na sabi. Grr.

"BINGI KA TALAGA EH ANO?! At ano bang paguusapan natin at ganun mo na lang pinalayas si Ya! Ang sama-sama talaga ng ugali mo! Pa english english ka pa dyan! Englishin mo Pwet mo!"

"Sige bukas! Hooo! Eh kasi naman.. Yung lalabs mo!"

"Oh ano namang problema mo dun? Magyayabang ka na naman? Alam kong matagal nang manhid yun. Di mo alam? Sorry 'di ka pala updated"

"Siya lang naman yung nagbigay ng prutas na yan Mahal na prinsesa" sagot niya sakin.

"Oh. Tapos?"

"Aish! Hindi ka ba naniniwala sa akin?"

"Kelan pa ba ako naniwala sayo?" mataray kong sagot.

"Juice na may strawberry naman oh! Alam kong masama akong kaibigan para sayo pero sana naman pakinggan mo ako kahit ngayon lang."

"Buti alam mo! Diba sabi mo uto-uto ako? So bakit pa ako maniniwala sayo"

"Sinabi ko yun pero matagal na yun! Yan kasi hirap sayo eh pati ba naman kasi sa simpleng bagay, 'di ka pa rin nakakamove on! Aba, bago bago rin pag may time. Imbyerna ."

"Yan din kasi ang hirap sayo eh, simpleng sagot lang hugot na hugot na sa lungs. Teka. Hanapin ko muna may pake..... Error.. Walang may pake" Pagtataray ko sa kanya sabay kagat sa apple na dala niya na nakalagay sa plastic na ipinagpipilitan niya na bigay ni Cha-. Basta kung sino man yun.

"Aish.. Bahala ka nga. Ewan ko sayo! Kung ayaw mo maniwala edi wag. Tss. Dapat pala pinapasok ko na lang siya dito sa loob kahit maging ube na ang makinis niyang skin sa pagtaekwando sa kanya ni Ya"

"Wag mo nga akong biruin ng ganyan Chloe Smith! Alam mo namang hindi pa ganun kaayos ang pakiramdam ko tapos pangbubully matatanggap ko sayo?! Tama na. Please lang. Ayaw ko nang umas--"

"AYAW MO NANG UMASA?! BAKIT PINAPAASA KA BA NUNG TAO?!! IKAW LANG NAMAN KASI YUNG ASA NG ASA EH!. Atasha Meg Scott! Hindi ako nagbibiro ngayon. Gusto mo ba akong lumuhod sa harapan mo para mapaniwalaan ako? Luhod mo muka mo! Never ko yung gagawin. Kung ayaw mong maniwala sa akin. K fine. Bahala ka diyan!" Sabay lakad papunta nang pinto. Binuksan niya nga yung pinto at aarteng lalabas nga. Bahala ka diyan!

Full of ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon