CHAPTER 9- bestfri--END??
May mga pagkakataon na kailangan mong mamili sa buhay. Mahalaga sila pareho pero kailangan mong mamili ng iisa. May mga pagkakataon na ang pamimilian mo pa nga ay yung gusto mo at yung isa ay yung kelangan mo. Mahirap no? Mahirap mamili lalo na kung mahalaga pareho sayo yung dalawang pinamimilian mo. Hindi kasi sa lahat ng oras dalawa yung bibigyan mo ng pansin. Hindi kasi sa lahat ng oras masaya ka sa dalawang bagay na iyon. Minsan kailangan mo na ring isuko yung isa para mabigyan mo ng sapat na atensyon at pagmamahal ang pinili mo.
Pero ano nga ba ang mas papahalagahan at pipiliin mo?
Yung taong GUSTO MO o yung taong KAILANGAN MO??
Chloe's POV
Sa maniwala man kayo o hindi, oo may sakit talaga ako. Ngayon lang ako nagkasakit ng biglaan. Kung dati,tuwang tuwa ako pag nagkakasakit ako. Ngayon? Hindi.. Hindi ko pa kasi alam kung ano nang nangyayari sa deal naming ni Atasha. Mapanindigan niya kaya yung sinabi niya? Nagulat ako sa mga sinabi niya sakin. Bakit bigla na lang nagbago ang ihip ng hangin? Sabagay mas maganda nay un. Natauhan na rin kahit papaano. Alam ko naman na hindi magiging madali yun para sa kanya kaya dapat ako ang unang nakakaalam ng nangyayari sa kanya. Malay ko ba e mamaya eh sirain niya yung deal namin at malaman ko na lang na sila na kaagad nung Charles na yun.. Kung okay lang yun kay Atasha, well sa akin? Hindi. Malaking Hindi! Hindi naman kasi ako papayag na ganun-ganun na lang. Oo bestfriend ko siya pero hindi naman kasi porket gusto ng bestfriend ko eh papabor na rin ako sa gusto niya. Gusto ko lang naman kasing marealize niya na hindi ganun kadali yung ginawa nung lalakeng yun sa kanya. Kung sa kanya okay na, sakin hindi pa. Ayoko kasing dumating yung oras na paiiyakin niya lang si Atasha ng ganun. Siya yung unang tao na nagpaiyak ng ganun kay Atasha at ayoko nang mauulit yun! Ayoko rin naman kasing ganun yung magiging ugali ng first boyfriend niya. Oo, kung sakaling sagutin siya ni Atasha, siya ang pang una. At isa pa may deal kasi kami ni Atasha na hindi muna mag boboyfriend depende kung mahal talaga namin yung taong yun. Pero ngayon? Sa napapansin ko mauunahan pa ata ng bruha ang maganda sa pagpasok sa isang relasyon. Subukan niya lang talaga at nakooo.
Biglang nag ring ang phone ko at pagtingin ko.. Hayy. Salamat naalala rin ako nitong bruhang to
"Hello?"
["WHAAA!"]
"WALA AKONG SAMUD MAKIPAGSIGAWAN SAYO!"
["So may lagnat ka nga pala talaga. Hahaha. kawawang bruha!"] pang aasar ng nasa kabilang linya.
"Pakialam mo.. Tss.. Ano bang problema mo at may patawag tawag ka pang nalalaman?!"
["KAMI NA. OHMYGEE!"]
["WHAAAAT?!!"] DAHELL! Anong kalandian 'to?!
["Papunta na ko dyan. Before 3 minutes nandyan na koo. See youuu!"]
--End Call--
Meg's POV
Pupunta na ako sa bahay ni Chloe ngayon. At dun sa nabasa niyo kanina? hahaha. Lets seee !
Nagdiretso na ako papasok ng bahay at hindi ko napansin na nandito pala si Tita Carmina, Mommy ni Chloe..
"Ay! Titaaa. Kamusta na po kayo? Namiss ko po kayo. Hehe. Hindi ko po kayo napansin agad. Sorry po."
"Okay lang yun, gumaganda ka ata ngayon iha ah. Baka mamaya mas maganda ka na kesa sa anak ko"
"Naku. Matagal na po akong mas maganda sa anak niyo. Haha pasalubong niyo sa akin tita?"
"Ah. nandun na sa room ni Chloe. Kunin mo na lang dun. Ikaw muna bahala kay Chloe ah. May sakit kasi siya ngayon eh. May pupuntahan pa kasi ako pero saglit lang yun."

BINABASA MO ANG
Full of Thoughts
Non-FictionNagmahal ka na ba? Pinangakuan ka na ba niya? Nangako ba siya sayo na may forever talaga? Umasa ka naman kaagad? Natupad ba naman niya? Idiot!! GISING!!! Akala mo lang yun! Edi ngayon iiyak-iyak ka diyan? Buti nga sayo! Ang hilig mo kasing umasa...