Chapter 5-Trials are Continuing

6 0 0
                                    

Atasha's POV

Hindi na ako nakatulog ng ayos. Bigla na lang tumutulo ang luha ko kahit nakapikit na ako. Pinilit kong matulog dahil alam kong ito ang mas kailangan ko ngayon.

Hay! May pasok na naman! Ano na bang oras? WHAAAAAAT?! 7:30 AM na? 7:45 pasok ko! Sheeze!

Tatayo na sana ako ng biglang--

"Araaaayy! ang tuhod ko"

Biglang nagbukas yung pinto ng kwarto ko at pagkakita ko ay si Ya na nagmamadaling lumapit sa akin

"Ano ba naman kasing nangyari sayo Atasha Meg?! Mapapagalitan kami ng Mommy at Daddy mo sa pinagagawa mo. Alam mo bang sobrang nag aalala kasi sayo kagabi. Mag hahatinggabi na wala ka pa rin! Jusmiyong bata!!" pang sesermon nya sa akin. Ang bilis magbago ng aura ni Ya. Parang kagabi lang, ang sweet sweet niya sakin. Tapos balik na ulit kami sa normal ngayon.

"Ya, grabe naman kayo, wala pa naman hong hatingggabi bago ako nakauwi kagabi. Hindi ko naman ho ito ginusto. Natisod po kasi ako kahapon. Pasensya na po kasi pinag alala ko po kayo." Pagpapaliwanag ko.

"Tsk tsk. Tandang tanda mo na, ang lampa lampa mo pa. Wag ka na masyadong gumalaw. Kanina habang natutulog ka pa, ginamot ko na ang sugat mo. Magpahinga ka na lang."

Siya yung nag alaga sakin simula nung nagtrabaho sina daddy at mommy sa America. Ya yung tawag ko sa kanya dahil wala lang . Ang pangit naman kasi pag manang. Medyo maedad na rin kasi siya kaya kadalasan, mainit ang ulo niya. Pero kahit medyo prangka yan, mahal na mahal ko yan. Alam ko naman kasing para rin sa akin yun mga ginagawa nya.

"Pag handa ka na anak, pag usapan natin lahat huh?" at tumango lang ako.

" Teka, bababa na muna ako para maipaghanda na kita ng pagkain. Dadalhin ko na lang ditto. Wag ka na rin muna pumasok baka mamaya kung mapaano ka pa dun"

"Sige po. Salamat Ya." Sabay ngiti ko sa kanya.

May second floor kasi itong bahay namin. Nasa baba yung sala at kusina, at dito sa taas ay merong limang kwarto.

Nung makaalis na si Ya. Bigla na namang natahimik ang paligid ko at nagsimulang tumulo ang mga luha ko. Hindi mawala sa isip ko yung mga nangyari sakin. Ang hirap talaga pag may nagawa kang mali sa iba, kahit napaka simple lang eh grabe yung kapalit.

Inayos ko na ang aking sarili para bumaba at dun na lang kumain. Masyado na kasing nakakahiya kay Ya. Maedad na siya kaya kahit hindi niya aminin, nahihirapan na siya sa pagpapabalik balik dito. Kahit hirap na hirap ako sa paglalakad, pinilit ko pa ring makatayo. Nakarating naman ako sa baba kahit parang pagong ako kung maglakad.

"ATASHAAAAAAA!!!!" sigaw niya pero hindi ko na lang siya pinansin.

"Meg. Juskopong bat ka! Diba sabi ko hintayin mo na lang ako sa taas dahil dadalhan na lang kita ng pagkain dun?!" nag aalala na sabi ni Ya.

"Ok na po ako Ya. Kaya ko naman po." Sabay fake smile sa kanya kaya napa tsk na lang siya.

"Atasha, your so snobber! You're not pretty naman. Like duh" Sabay irap niya sakin.

"You don't care!" mataray ko ring sagot sa kanya.

"Anong I don't care? May care ako kasi iniwan mo ako sa ere! Eh ikaw naman kasing babae ka! Nakakainis ka! Bigla ka na lang mawawala! Alam mo bang nasira yung beauty ko kakahanap sayo kahapon?!! Ang arte arte mo kasi! tsk. Di na nasanay sakin. Pwe!" pero inirapan ko lang siya.

"Hmm teka nga pala. Oh? bat ganyan yung paa mo? Bat may tapal? Anyare? Hahaha".

"Pano naman kase tandang tanda na eh, ang lampa pa. Yan tuloy yung napala niya.." kisabat naman ni Ya.

Full of ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon