Chapter 7 Speak Now

7.2K 408 125
                                    

"Love at first sight is the most beautiful feeling ever for someone. It's said that the excitement and happiness created by these beautiful feelings are indescribable. Which is also the most heart felting feeling of love and attraction. For that moment you become poetic and find yourself describing her beauty with quotes and poems."


Yhael POV


Natigilan ako sa pagbaba sa hagdan ng mapansin ang isang bagay na nasa labas patungo dito sa apartment ko. Kunot-noong lumapit ako dito. Isang bagong-bago pang bike, may nakabuhol pa ditong red ribbon. May nakadikit na small envelop sa upuan nito. May pangalan ko sa labas. YHAEL. Kinuha ko ito at binuksan. 

A small gift for your kindness.

Napatingin ako sa likod ng card pero wala ng ibang nakasulat kundi ito. Napu-puzzle na napatingin ako sa bike. May tatak pa ito ng kilalang brand. Nag-angat ako ng tingin ng mapansing dadaan ang landlady ko.

"Mrs. De Leon!" Tawag ko sa butihing matandang babae na nasa edad fifty pataas.

"Yhael." Bigkas nito ng sandaling matigilan.

"Uhm, nakita niyo po ba kung sino ang nag-iwan nito dito?" Tanong ko sa kanya.

Napatingin siya sa bike na nasa harapan ko tsaka napailing-iling. "Hindi."

Mas lalo na akong napakunot-noo. May CCTV dito pero hindi naman gumagana. Wala pa kasi ito kaninang matapos ako sa morning run ko. Nagpaalam na si Mrs. De Leon sa akin pagkatapos.

Napapaisip pa ring ipinasok ko ito sa loob. Pero nagbago ang isip ko at ginamit na lang ito. Baka si Ryle ang nagbigay nito sa akin dahil napag-usapan namin kahapon ang tungkol sa pagkuha ko ng bike. Para daw di ako masyadong mahirapan sa pagpasok kahit malapit lang ang school, at ilang minuto rin daw ang mase-save ko kapag may bike ako.

Inilabas ko ang phone ko para mag-chat kay Ryle. Kinuhanan ko pa ng picture ang bike saka pinadala ko sa kanya na may kasamang thank you.

May ngiti sa labing sinakyan ko ito papasok sa school. Pansamantalang ipinarada ko muna ito sa hilera ng mga single motorcycles na service ng mga estudyante rin dito sa school. May kasama itong padlock na siyang ginamit ko para hindi manakaw.

Saktong kakapasok ko lang ng school gate ng tumunog ang notification alert ng cellphone ko. Sa pag-aakalang si Ryle ito kaya inilabas ko ang phone mula sa loob ng bag. Nawala ang ngiti ko ng makita ang pangalan ni Huxley. Naglalakad na binuksan ko ang message niya.

Huxley: He's getting out of hand. He hurt mom last night. And then he's setting me up to marry a man which I only met twice! It's all for his fucking ambitions!

Dalawang beses ko itong binasa. Napakuyom ang mga kamao ko. Sinaktan niya si mommy? What kind of husband and a father he is?!

Napakuyom ang libreng kamao ko. Kung nasa puder pa siguro niya ako baka hindi ko napigilan ang sariling masuntok ito kahit tatay ko pa siya! Sinaktan niya si mommy, iyon ang hindi ko matanggap!

Idinial ko ang messenger account ni Huxley para makausap habang naglalakad ako patungo sa classroom namin.

"Hey." Halatang kakagising lang nito. "How are you? It's been a while, Yhael."

"I'm fine, don't worry about me." Tugon ko. "How about you? Where's mom? How is she?" Sunod-sunod na tanong ko.

Narinig ko ang pagsinghot niya mula sa kabilang linya. Ayokong makipag-video call sa kanya. Baka mas lalo lang akong magalit kapag nakita ko kung gaano siya kalungkot.

Destined To Be YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon