Chapter 12 Sweet Nothing

6.9K 405 276
                                    

"A girl can wait for the right one to come along but in the meantime that doesn't mean she can't have a wonderful time with all the wrong ones."


Yhael POV


Ang bigat-bigat ng katawan ko ng magising ako the following morning. Pakiramdam ko ang init-init ng loob ko pero nilalamig ako. Sinubukan kong bumangon pero hindi ko talaga kaya. Bumagsak ako pabalik ng kama.

What day is it today? Ah... Friday. We have a summative test in General Biology and General Physics. Argh, paano ako makakapasok nito sa school?

I tried to open my eyes but the lids seemed too heavy to follow. Base sa liwanag na nagmumula sa bintana ng apartment, medyo mataas na ang sikat ng araw. Male-late na ako sa school kung hindi pa ako babangon...

But then, I ended up in bed once again. I couldn't even move without fainting. Hanggang sa sumuko na lang ako ng kusa at hinayaan ang katawan na magpahinga sandali. Kahit sandali lang...

Nang muli akong magising ay balot na balot ako ng kumot dahil nilalamig ako. Ngunit tila ba kulang ang kumot lang. I curled up in bed like a baby. May naaaninag akong gumagalaw sa loob ng apartment ko pero hindi ko makilala. Ang blurry ng paningin ko. Pero parang si mommy...

"Mom?" I called. Ang hina ng boses ko parang ako din mismo ay hindi ko ito dinig. "Please, don't let Huxley marry that guy. She doesn't love him. Her life will end up in hell for sure." Sa loob-loob ko nagsasalita ako pero hindi ko naririnig ang sariling tinig. "Leave dad, please?"

Someone's grab me and helped me sit up in bed. Tinanggal nito ang suot kong damit. Ngunit muli akong nahiga dahil nilalamig ako. Kahit konting galaw lang ay napapagod na ako. Hindi ko kaya.

"I'll take you to the hospital." Narinig kong sabi nito.

"No." Nanghihinang protesta ko. "Ayoko. Please." Pakiusap ko.

"Yhael, you're burning!" Sigaw nito sa nag-aalalang tinig. "Let me take you to the hospital."

"No." Kontra ko. "I hate hospitals. Please, don't take me anywhere that isn't my bed." Saka muling nahiga.

May sinasabi pa ito ngunit hindi ko na naiintindihan. Until I drifted off to sleep once again...

Hindi ko alam kung ilang beses akong nagigising pero saglit lang. Pakiramdam ko nasusuka ako pero wala namang lumalabas.

"Hmm." Ungol ko habang sinusubukang mag-iba ng pwesto sa kama.

May naramdaman akong malambot na kamay na dumampi sa noo at leeg ko. Nanghihinang pinilit ko ang sariling magmulat. Nasisilaw ang mga mata ko sa liwanag mula sa bintana.

"Devone?" I am not sure if it was her.

"How are you feeling?" She gently asked.

Yes, it's her. Pero paano siya nakapasok dito sa loob ng apartment ko? At bakit naman siya nandito kung sakali? Haist, nagha-hallucinate na yata ako.

Sinubukan kong bumangon pero mabilis nito akong pinigilan. "I need to go to school. I have exams today -"

"No." Pigil niya. "You are too weak to even move."

She's right. Sa konting galaw ko nga pakiramdam ko bigla akong nahilo. Muli akong napahiga sa kama. May iniipit siya sa kilikili ko. Maybe a thermometer to check my temperature. Pagkaraan ng isang minuto ay tumunog ito. Tinanggal niya ito pagkatapos. Narinig ko ang mahaba niyang pagbuntong-hininga.

"At least, mas mababa na kaysa kanina." Narinig kong sabi niya na parang nakahinga ng maluwag.

Sinubukan ko ulit magmulat at bumangon sa kama.

Destined To Be YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon