"I would rather spend one lifetime with you, than face all the ages of this world alone."
Yhael POV
Nagising ako kinabukasan na wala na si Devone sa kama. Hindi ko na namalayan kung anong oras siya natulog. And obviously, hindi ko na rin namalayan kung anong oras siya nagising.
Naghihikab na bumangon ako sa kama. Inayos ko muna ang hinigaan tsaka lumapit sa work table niya para kunin ang libro at activity notebook ko bago lumabas ng kuwarto.
"Good morning, Red." Bati ko sa pinakamamahal na pusa ni Devone ng makasalubong ko ito sa may hagdanan.
Hindi ako pinansin? Lokong pusa 'yon ha?!
Saktong papasok sa pinto si Devone ng makababa ako ng hagdan. Agad na napansin ko ang hawak niyang paperbag na kulay brown.
"Binigyan ka na naman ng pandesal ng manliligaw mo." Komento ko. "Kailan mo ba 'yon babastedin?" Patuloy kong biro. "Naku, Devone kapag sinabi mong may pag-asa si Mang Gener sayo, baka himatayin ako!"
Nawewerduhang napatingin lang siya sa akin bago nagtungo ng kusina. Pumasok muna ako sa kuwarto ko at tumuloy agad sa banyo pagkatapos mailapag sa ibabaw ng kama ang hawak.
Nang pumasok ako sa loob ng kusina ay abala ng naghahain ng agahan si Devone. Napansin ko agad ang pasa sa braso niya kaya mabilis akong tumayo para tignan ito.
"Ba't may pasa ka?" Tanong ko habang hawak ang kamay niya.
"Blame Red." Sagot niya saka binawi na ang kamay.
"O, anong ginawa ni Red at nagkapasa ka?" Nalilitong tanong ko.
"It's a long story." She rolled her eyes. Tinatamad na naman siyang magkwento. "Sige na, take a sit."
"Kaya siguro hindi namamansin ang pusa mo dahil may kasalanan." Komento ko.
Natawa siya ng marahan. "Baliw." Napapailing-iling niyang sabi.
"Kapag nakita ko ulit naku -"
"What are you going to do with him?" Hamon niya bigla.
"Pagsasabihan ko -"
"Sige, subukan mo ipapakulong kita." Nakasimangot na sabi niya.
Napalabi ako. "So mas mahal mo 'yong pusa kaysa sa akin?" Hinampo ko.
"Yes." Mabilis niyang sagot.
"Aray naman!" Kunwaring nasaktang sabi ko.
Inirapan niya ako.
Tahimik na kaming kumain pagkatapos. Naalala ko 'yong sinabi ni Chantal kahapon. Tungkol sa bagong cafeteria malapit sa school.
"May nagpatayo pala ng cafeteria malapit sa school?" Saad ko.
"Yup." Tipid niyang sagot.
"Kanino daw 'yon?"
"Paulino, I mean Pauline? I don't remember." Parang nalitong sagot niya. "Kapatid no'ng dating guro sa MHS."
Napatango-tango ako. "Pwede ba kitang ayain mamaya? Magkape tayo do'n?" Tanong ko. "Parang coffee date?" Saka napangisi.
Nag-angat siya ng tingin sa akin. "No." Diretsahang pagtanggi niya.
Triple kill 'yon ha?! "Savage." Komento ko. "First invitation ko 'to ha? And you turned it down. Hindi ko 'to makakalimutan." Pagtatampo ko. "Mag-aaya ako ng iba, 'yong babaeng humalik sa akin."
Napaikot ang kanyang mga mata. "Dalhan mo na lang ako sa office." Hindi siya nakatingin sa aking saad niya.
Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. "Ah..." Naisipan ko siyang tuksuhin. "Gusto mo ng private date."