"Facebook should have a limit on how many times you can change your relationship status. After 3 it should default to 'unstable'."
Yhael POV
"O, kumusta ka na?"
Pabungad na bati ni Ryle sa akin ng pumasok na ako sa trabaho Sunday night. Abala siyang nag-eexpirement na naman ng alcoholic drinks.
"Okay na 'ko. Katangahan lang 'yon kaya nagkasakit ako." Pabirong tugon ko.
Napaangat ang gilid ng kanyang labi. "Kaya mo na ba? Baka mabinat ka?" May concern sa kanyang tinig.
"I'll be fine." Tanging tugon ko kahit na sa totoo lang ay hindi pa talaga buong-buo ang energy ko. Pero gusto kong maging productive kaya pumasok na ako.
Lumabas mula sa pinto patungong scullery kitchen si Ralph at natigilan ng makita ako.
"Boss." Bati ko sa kanya na may kasamang ngiti.
"O, Green Goblin halika." Sabay mosyon sa akin na lumapit. "May pag-uusapan tayo."
Kung si Ryle ay tinatawag niyang Goldilocks, ako naman ay Green Goblin. Dahil daw iyon sa mga mata ko. Pero hindi naman kasi green 'yong mga mata ko. It's cerulean blue, actually. Utak ko lang talaga ang green!
Pero minsan kapag natatamaan ng sikat ng liwanag ay nagiging parang kulay berde. Kaya siguro akala ng ilan ay green ang kulay ng mga ito.
Muling pumasok sa pinanggalingan si Ralph. Napatingin muna ako kay Ryleigh na nagkibit-balikat lang bago ako sumunod sa kanya.
"Let's get inside my office." Sabi ni Ralph.
Sumunod ako ng nagpatiuna na siyang pumasok sa pinto, dito rin sa may scullery kitchen. Unang beses ko pa lang na pumasok dito sa loob ng kanyang opisina. Hindi naman ito kalakihan pero maayos ang loob.
"Have a sit." Sabay mosyon sa silyang nasa harapan ng kanyang hindi naman kalakihang mesa.
Parang nagmistula nga itong maliit sa paningin ko ng naupo siya sa swivel chair sa likod nito. Natakot pa ako para sa kanya ng umingit ang kinauupuan niya, baka kako bigla siyang bumagsak doon.
Agad naman akong tumalima at naupo sa silyang nasa kanyang harapan, sa bandang kaliwa.
"Tungkol ito sa shift mo dito sa resto bar." Panimula niya.
Mahigit isang buwan pa lang akong nagtatrabaho dito sa resto bar, tatanggalin na kaya niya ako? Huwag naman sana...
"Naisip ko na baka makaapekto sa pag-aaral mo ang pagwo-work mo sa gabi dito sa bar." Patuloy niya.
"Boss, honestly, ang laki nga po ng tulong nitong work ko dito sa bar. May pantustos ako sa pag-aaral ko." Pag-amin ko. "Kaya sana huwag niyo po akong tanggalin." Pakiusap ko.
Napakamot siya sa kilay. "Hindi kita tatanggalin, Yhael." Sabi niya.
Nakahinga ako ng maluwag. "Salamat, boss!" Nakangiting bulalas ko.
"Pero naisip ko na bawasan ang shift hours mo." Dugtong niya na ikinawala ng ngiti ko. "Instead na six thirty to twelve-thirty in the morning, hanggang eleven na lang ng gabi ang pasok mo para may oras kang makapagpahinga at huwag ma-compromise ang oras mo sa pag-aaral."
"Po?" Nalungkot ako sa sinabi niya. "Pero boss paano 'yong sahod ko?"
"Don't worry, gano'n pa rin." May tipid na ngiting tugon niya.
"Naku boss!" Tanggi ko. "Hindi naman po yata 'yon patas para sa mga kasama ko dito." Katwiran ko. "Ayos lang naman po ako sa shift hours ko. You don't have to do this, honestly. Pero salamat boss sa pagiging considerate mo."
![](https://img.wattpad.com/cover/328723721-288-k588750.jpg)