Chapter 39 Mad Woman

7.3K 418 195
                                    

"Someone who truly loves you sees what a mess you can be. How moody you can get. And how hard you can be to handle. But still wants you."


Yhael POV


Napakamot ako sa batok ng iniwasan ako ni Devone. Sa tabi sana niya ako uupo ng kakain na ng lunch pero agad siyang lumipat ng upuan. Si Dominique ang pumalit sa pwesto niya. Galit pa rin siya sa akin dahil sa nakita kanina. 

"You poked the bear until her claws came out." Bulong niya sa akin.

Napalabi ako. "I didn't do anything." Ganting bulong ko sa kanya habang lihim na napapatingin kay Devone. Katabi niya ang dalawang balyena at ang nanay nilang butanding.

Naupo sa tabi ko si Chantal. Kapagkuwa'y may naisip ako. Tumayo ako mula sa kinauupuan at nagkunwaring kukuha ng pagkain... sa tabi ni Santos.

"Umusod ka doon." Sabi ko kay Santos.

"Ang gulo mo talaga!" Ganti niya. Nagsimula na kasi siyang kumain ng nakakamay. "Dalawang chicababes na nga ang katabi mo, sinayang mo pa!"

Napansin ko ang pagpikit ni Devone na parang nagpipigil lang itong magalit. Ngani-ngani ko na tuloy batukan si Santos sa pagiging madaldal nito.

"E kung sumunod ka na lang kasi!" Giit ko.

Napapailing-iling na sumunod na lang din siya. Lihim akong napangiti ng napilitang umusod si Chantal hanggang sa makatabi na niya si Dom. Ngumiti ng tipid si Dom sa kanya na ginantihan lang niya ng nahihiyang tipid na ngiti.

"Can you pass the sauce?" May tipid na ngiting sabi ni Dominique kay Chantal.

"S-sure." Nahihiyang tugon naman ni Shan at inabot ang sawsawan na gawa sa soy na may calamansi at red chili.

Nangingiti na ako habang kumakain. Naririnig ko silang dalawa na manaka-nakang nag-uusap. Maya-maya ay nakaramdam ako ng pagsiko sa tagiliran ko. Awtomatiko akong napatingin sa katabi kong si Santos.

"Nginingiti-ngiti mo diyan para kang timang!" Puna niya sa akin.

Napapalatak ako. "Kumain ka na nga lang!" Saway ko sa kanya.

Napansin kong napatingin sa gawi namin si Mrs. Manzano. Parang may pananaway sa titig nito kaya mabilis na lang akong napayuko at itinuon ang konsentrasyon sa pagkain.

Pagkatapos naming kumain ay naglaro kami nina Santos, Chantal, Dom at ang dalawang balyena ng Frisbee. Isinasali namin si Devone pero ayaw niya.

Nang mapagod kami ay napagkatuwaan naming tatlong magkakaibigan ang dalawang balyena at sila ang tinabunan namin ng buhangin. Tawang-tawa naman si Dominique. Mukhang close na agad sila ni Chantal. Palubog na ang araw ng naligo kami sa dagat.

Kinagabihan ay nag-bonfire ulit kami sa tabing dagat. May dalang gitara si Santos kaya nagkantahan kami. Nagkatuwaan kami tungkol sa panyo. Habang tumutugtog si Santos ay ipapasa namin ang panyo at sa kung sino ang may hawak nito sa pag-stop ng tugtog ay siyang kakanta. Nataong kay Dominique tumigil ito.

"What shall I sing?" Nakangiti niyang tanong.

Buti pa siya game na game, 'yong ate niya ang daya! Nag-stop sa kanya kanina 'yong panyo pero hindi kumanta, sinalo ko na lang para di mapahiya.

"Iba na lang kasi!" Sabi ni Chantal.

"Bakit? Hayan na nga o, kakanta na si Miss Dominique!" Kontra ni Santos. Inirapan tuloy siya ni Chantal.

Nagsimulang mag-hum si Dominique habang nakatingin kay Santos para sa accompaniment. Maya-maya ay nagsimula ng kumanta si Dom ng isang Korean song mula sa isang sikat na Kpop girl group.

Destined To Be YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon