Chapter 16 - Safe Place?

63 4 0
                                    

Knot's Point of View

May nakita akong malaki at makapal na kahoy, kaya't iyon ang ginamit ko panghampas sa ulo ng mga zombies.

Muntikan pa nga akong natawa ng may napaliyad sa lakas ng hampas ko. Nang mapagod ako sa kakahampas ay malakas kong inihagis patungo sa direksyon nila ang kahoy, dahilan ng pagkatumba nito.

Kinuha ko na ang pagkakataon na tagain ang kanilang mga ulo. Tinignan ko kung ano ang ginagawa ni Shae, at kita ko kung gaano s'ya kaseryosong makipaglaban sa mga zombies.

Patuloy kami sa paglaban hanggang sa matapos at maubos na namin ang mga zombies.

"Tsk, iniwan na nila tayo." naiinis na salta ko. "Pabayaan mo muna. Halika, dalian mo bakamay dumating pang mga zombies." sabiniya at dumiretso.

Sa 'di kalayuan ay nakita ko ang isang tree house. Angas. 'Di ito gaano kalaki, ngunit halata pa lang sa klase ng kahoy ay matagal na pero matibay pa rin ito.

"Akyatin natin 'yung tree house, tiyak na mas ligtas doon kesa dito sa ilalim." bulong ni Shae.

Mabilis ngunit maingat kaming naglakad patungo sa direksyon ng tree house saka umakyat.

Pagkabukas ni Shae ng pinto ay para bang maalikabok at halatang 'di gamit ang buong lugar. Madilim at mainit. Maalikabok at mahirap makagalaw.

"Sandali, bubuksan ko ang bintana." usal ni Shae saka dahan-dahang naglakad na tila may hinahanap sa dilim.

Nang mahanap na n'ya ang knob ng bintana ay maingat n'yang binuksan ito. Tumambad sa amin ang medyo magulo at maduming paligid.

"Mukhang kailangan pa natin itong i-renovate." usal ko. "Kaso, paano na 'yan, mukha yatang iniwan tayo nina Josh." sabi ko ng may pagkadismaya. "Hindi nila tayo iniwan, pinagsabihan ko sila na maghanap ng maayos at tagong pagpaparadahan ng sasakyan bago sumabay sa atin." napahinga naman ako ng malalim at napagtanto na kaya pala s'ya kalmado at kampante kanina nung papunta kami dito.

"Simulan na kaya nating linisin ito?" tanong ko. "Sige." sagot nito at nagsimula na kaming maglinis.

Inalis ko ang mga nakatabon na tela sa mga furnitures na makilita sa paligid. Sa lamesa, upuan, cabinet at iba pa.

Mukhang walang linya dito ng kuryente kaya't tiyak ako na maaaring magamit ang solar panel na iyon at magsilbing energy source pansamantala.

Pinagpag namin ang alikabok at binuksan ang dalawa pang binatana tsaka itinaas ang maduming kurtina.

"Mukhang mahihirapan tayo sa pagrenovate ng bahay na ito." usal ko habang pinapagpag ang kurtina.

May limang silyang gawa sa plastik at dalawang upuan na gawa sa kahoy na pang-isang tao at may dalawa ring mahabang upuan na pang maramihan.

May lamesang gawa sa kahoy rin na sakto lang ang taas para sa upuan. At dalawang lamesa na gawa sa plastik.

Hindi ko pa halos maaninag ang lahat sapagkat medyo madilim pa rin kahit na nakubukas ang mga bintana.

"Maraming kulang dito. Pero at least ay may matitirhan at magagawan tayo ng base pansamantala." sabi ni Shae.

➖➖➖

"Bumbilya, solar panel, kandila, gaas, lighter at posoro. 'Yan lang yata 'yung kailangan natin. May mga kaldero naman at kawali na nakita sa ilalim ng lababo kanina. Ah, oo nga pala, isa o dalawang drum na walang laman." saad ni Shae.

Dito kaming lahat ngayon nakapalibot sa lamesa na nakalagay sa gilid ng bintana, pinag-uusap ang mga kailangan sa tree house. Bukas namin isasagawa ang mga aksyon na iyon. Sa ngayon, ay pag-uusapan namin kung ano ang mga kailangang kagamitan.

Age Of Putrefy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon