Ikalimang Kabanata

83 8 6
                                    

𝚅. 𝙰𝙽𝙶 𝚅𝙸𝙳𝙴𝙾𝙺𝙴 𝙰𝚃 𝚂𝙴𝚁𝙱𝙴𝚂𝙰

“EVEN THE DAYS are brighter when someone you love’s beside you,” malakas ang tunog ng videoke sa labas ng bahay nang magising ako kinabukasan.

“Good morning, Ma,” bati sa akin ng pangalawang anak kong si Marlo nang maabutan ko siyang nagsasangag ng kanin sa kusina. “Upo ka na po do’n, patapos na ˋkong magluto ng pang-almusal.”

“Good morning din, ˋnak,” bati ko. “Kasama mo bang bumisita si Sarah at si Nian?”

“Ah.” Nagkamot ng batok si Marlo. “Hindi po, Ma, e. May trabaho si Sarah at may pasok naman sa school si Nian. Pero bibisita sila mamayang gabi, o kung hindi man, bukas nang hapon.”

Pinanood ko ang anak kong magsangag ng kanin at kinausap na rin tungkol sa pamilya niya. Habang masaya siyang nagkukuwento tungkol sa sarili niyang pamilya, hindi ko maiwasang maisip na siguro ay hindi na ako bumabata. Lumalaki na ang pamilya namin ni Alfred, at mukhang hindi na rin nalalayo ang panahon na susundan ko siya. Kapag iniisip ko na darating ang araw na maiiwan ko na rin sa mundo ang mga anak ko, na may kanya-kanya nang mga pamilya, nalulungkot ako.

Kumpleto ang tatlo kong anak sa bahay nang mag-almusal kami. Habang nagkukulitan sila sa hapag, tulad ng parating nangyayari kapag sama-sama kaming kumakain, napapatingin ako sa may sala ng bahay kung nasaan namamahinga si Alfred.

“Marlo, puwede bang patigilin mo ˋyang tarantado mong barkada sa pagvi-videoke nang ganito kaaga? Nakakasira ng araw, oh,” reklamo ni Angeline kay Marlo.

Tumawa lang ito. “ˋYaan mo na. Tingnan mo, oh, kinakanta niya naman ang love song nina Mama at Papa.”

“Tama si Ate,” tumatango-tangong sabat ni Sophie. Ngumunguya pa siya habang nagsasalita. “Buti sana kung maganda ang boses. Jusko! Bina-butcher niya naman ˋyung kanta!”

Tahimik lang akong kumakain at nakinig sa kumakanta ng Even the Nights Are Better ng Air Supply. Totoo ngang ito ang kanta na sumisimbolo sa pagmamahalan namin ni Alfred. Noong mga panahong akala ko ay hindi na ako ulit makakahanap ng taong magmamahal sa akin tulad sa nararamdaman ko noon kay Liyah, dumating siya at pinatunayan sa akin na nagkakamali ako.

“Oh, my god!” tili bigla ni Sophie sa gitna ng asaran nilang tatlo. “Naalala ko pala kahapon si Mama na nakatitig sa manong na parang kaedad niya na may kasamang asawa. Ma, ˋyon po ba ˋyong kinukuwento sa ˋmin lagi ni Papa noon na ex mo?”

“Huh?” litong tanong ni Marlo.

“Ay, ˋyun bang manong na matangkad at maputi na mukhang mayaman, Sophie?” tanong naman ni Angeline.

“OMG! Nakita mo rin siya, Ate? Oo, yun nga! Matangkad, halos hanggang sa balikat lang niya si Mama. ˋTapos maputi rin at kasama ˋyong asawa.” Bumungisngis si Sophie. “Ma? ˋYon na ba ˋyong ex mo? Grabe na-starstruck ka sa kanya kahapon, ah? No’ng nakaalis na tulala ka sa daan, e.”

Humugot ako ng malalim na hininga bago sumagot. “Hindi ko ˋyon ex, anak.”

“Ah, sabi ko na nga ba,” wika naman ni Angeline.

“Huh?! Ano’ng sinasabi mo diyan, Ate Angie? Halatang may something sa kanila, e—”

Pinutol ko ang sinasabi ng bunsong anak. “Hindi ko ˋyon ex, Sophie. Tulad ng paliwanag ko sa ˋyo kahapon, isa lang ˋyon sa naging mabuting kaibigan ko noong high school.”

“Weh?” nanliliit ang mga matang untag ni Sophie.

Tumawa si Angeline. “Don’t worry, Ma. Naniniwala ako na hindi mo ˋyon ex. Halata naman, e, sa tingin mo pa lang do’n no’ng makita mo no’ng umaga.”

Noong 1986Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon