We've updated our Content Guidelines.
Review the latest guidelines to keep sharing stories safely.

[21]

1.8K 28 1
                                        


Chapter 21


CHARLES POV - 

 Sila shaun ay dumiretso sa companya kahit mga nakainom na, si mico naman ay kahit nakainom na ay dumiretso parin sya sa bar nya. Ako? Eto late na nakauwi. Nakainom pero hindi naman lasing ang sobrang tinamaan lang naman saamin ay si shin dahil bagsak na ang loko at ang kambal nalang ang nag asikaso.

I was about to get my key ng naalala ko ang nangyari saamin ni amanda. Hindi kami ayos ni amanda bago ako umalis ng condo. Di ko alam kung galit parin ba sya sakin o ano pero dahil nga alam kong may hindi kami magandang pinag talunan ay dumiretso muna ako sa convenience store before umuwi hindi ko alam pero feel ko, kaylangan ko syang suyuin. Nung nakita ko yung lagay nya bago ako umalis aminin kong nasaktan din ako nung nakita kong umiyak sya. Ayoko naman ng ganito nasa iisang condo na nga lang kami di pa kami mag kakasundo.

Dumiretso nako sa loob ng condo ng nag taka ako ng nadatnan kong nakapatay ang mga ilaw. Dahan dahan ko naman kinapa ang switch at binuksan ito. Mamaya, biglang may nakapasok pala dito. Pero hindi for sure naman mag sasabi si amanda kung aalis sya dahil walang maiiwan dito sa condo kahit may duplicate key na sya. 

Pinagmasdan ko ang sala. Kung ano ang itsura nito bago ako umalis kanina ay ganon parin ang itsura nya. Pero bakit nakapatay ilaw? Nakalimutan siguro ni amanda buksan. Usually kasi kapag may tao at madilim na sa labas nakabukas naman yung ilaw. Dumiretso nako sa kwarto at nag babakasakali na andon si amanda at nag kulong lang. Pero nabuksan ko naman agad yung pinto at hindi to naka-lock.

"Amanda?" Sumilip ako sa kwarto at nakapatay rin ang ilaw. Walang nag sasalita. Dahan dahan ko naman binuksan ang ilaw sa loob pero wala naman amanda na nandon, miski anino nya wala.

Dumiretso naman ako sa banyo pero wala din.

Fuck..Where are you?

"Hey, amanda where are--" Hindi kona natuloy ang sasabihin ko ng nagulat ako na nakita si amanda na nakahiga sahig sa kusina. 

"Fuck! Amanda what happen to you anong ginagawa mo dito at bat dito ka natutulog?!" Sa sobrang taranta ko ay nilapitan ko to agad di ko alam kung natutulog ba to o walang malay. 

Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Hinawakan ko naman si amanda at di ito nag sasalita. Hinawakan ko ang noo nito at halos gusto kona mag mura ng malutong...Tangina. Pero syempre wala naman makakarinig sakin dito. 

Binuhat ko si amanda at dali daling dinala to sa kwarto.

"Amanda hey, i'm here. You're fine." Bulong ko dito at niyakap ito ng mahigpit. Nilalagnat sya hindi ko alam kung sya to nakuha.  Ang init nya at palagay ko mukhang kanina pa ata sya nandon nakahiga sa sahig. Why didn't you call me? 

"Amanda naman tangina bat di mo man lang ako tinawagan? Di mona kinaya dun kana bumagsak sa kusina. Fuck, fuck." Halos paulit ulit ang mura ko at natatarantang hinahanap ang thermometer at kumuha ng bimpo at malamig na tubig.

"Habang ako nag sasaya kasama mga tropa ko ikaw nilalagnat dito? Tas ako di mo man lang ako tinawagan?" Naiinis na sabi ko habang pinupunasan si amanda ng malamig na bimpo. Dali dali ko naman kinuha ang cellphone at tinawagan si uncle. It was Nana's father a specialist doctor. 

Di rin nag tagal ay sumagot din naman ang tito ko sa kabilang linya. Walang hiya hiya ay dere-deretso na ako nag salita.

"T-tito can you come here? I'll send the location for you please asap. W-what can i do--ugh, shit!" 

ACCIDENTALLY PREGNANT [ON-GOING]Stories to obsess over. Discover now