"Wag kang gagalaw kung ayaw mong iputok ko tong baril ko sa ulo mo."
Hinarap ko kung sino man yun..
Si Seth..
SETH's POV
Sa bawat pagsubok ng buhay, may malulusutan ka sa bawat liko. Ang kailangan mo lang ay tamang pagpili ng kweba na papasukan mo. Mahirap, oo. Pero darating ang panahon na makikita mo ang liwanag. Darating ang panahon, na makikita at makukuha mo ang para sa'yo.
Teka lang, ang drama ng buhay ko. Tawa na daw kayo. Ako, tatawa ako. Tatawa ng isang malutong na halakhak. Halakhak ng tagumpay. Dahil, akin.. AKIN ANG HULING HALAKHAK.Ngayon na ang panahon para ipadama sa kanila kung ano ang mga paghihirap na dinanas ko, namin ni Ate Yen sa pagpilit na mabuhay. Naranasan kong manghingi ng pagkain sa lansangan habang sila.. NAGPAPAKASAYA SILA! SA YAMAN NA SANA AY NAGING AMIN KUNG NAIPALAGO PA NG AKING AMA! Ang aking ama.. Ang aking ama't ina na pinatay nila para lamang sa kanilang sarili. MAKASARILI. Kagaya lamang nila ang kanilang mga anak.. At sila ang magbabayad sa kagaguhang ito.
"SETH, PLEASE! Pakawalan mo na naman kami dito.." Sinabi ni Kath.
"Anong papakawalan? Walang makakawala dito.. WALA! Walang aalis dito habang walang nakakaranas ng paghihirap na dinanas namin para mabuhay. Walang aalis dito habang wala ang mga magulang niyo na gustong gusto kayong iligtas pero di nila magagawa! Gusto kong maranasan nila ang hirap na sana'y hindi namin dinanas kung hindi lamang dahil sa kanilang kasarinlan.. Hindi. Wala. WALANG AALIS." Sinabi ko sa kanila. Wala talagang aalis. Wala.
At ngayong hawak ko na si Kath, DJ, Kats at Lester na mga sabit lamang sa plano.. Eh wala na akong magagawa. Damay kung damay. Walang kaibi-kaibigan dito.
"Alam ko naman na matindi ang paghihirap na dinanas mo. Kung ano man yan. Pero sana.. Alam mo rin na hindi lang ikaw ang nakakaranas ng ganyan. Baka nga pag nalaman mo ang pinagdaanan ko.. Sumuko ka na. Pero hindi, pinili ko ang lumaban. Pinili ko ang pagtanggap sa kung ano ang ibinibigay sa akin." Sabi ni Lester. HAH! Anong gusto niyang palabasin? Na meron pang mas sasaklap sa pinagdaanan ko? Ako! AKO BILANG BATA KINAHARAP ANG MUNDO MAG-ISA! Ako bilang isang batang paslit na namumuhay lamang ng simple at maginhawa kasama ng aking pamilya!
"Wala kang alam, Lester! Wala! Hindi mo alam kung gaano kahirap ang mga pinagdaanan ko bilang isang bata! Kinaharap ko ang mundo.. MAG-ISA. Ako lang! Palibhasa ikaw sanay ka sa maginhawang buhay dahil ang mga magulang mo mahal na mahal ka! Hindi mo naranasang mamuhay ng walang kasiguraduhan. Hindi mo alam kung mabubuhay ka ba bukas, sa susunod pang bukas at sa mga araw pang dadaan! Wala ka--"
BINABASA MO ANG
Paglalaruan Kita
FanfictionPag-iibigang sinubok ng panahon. Pagkakaibigang winasak ng paghihiganti. Lahat ng ito'y nangyari dahil sa nakalimutang pagkakamali.