PKNB--17

379 5 7
                                    

STILL JC's POV

Ngayon.. Kinulong kami ng kaibigan kong si Seth sa isang bahay. Si Lester nandun sa isang sulok mukhang malalim ang iniisip. Si Kath nagbabasa ng kung ano dun. Si Kats, nawawala. Si Kuya..

May hawak na baril at isang papel.

Teka... BARIL?!

-Continuation-

"KUYA! SAAN MO NAKUHA YAN!" Sigaw ko. Mukhang naguguluhan ata si Kath at Lester kaya napatingin sila kay Kuya. 

"Nakita ko dun sa basket na yun." Sabay turo niya dun sa isang parang box na basket.

"Anong nakasulat diyan sa papel?" Tanong ni Lester.

"Nang dahil sa baril na yan.. Nagkandawatak watak ang pamilya ko. At ngayon.. Mga pamilya nyo naman ang sisirain ko. Tandaan niyo yan."Binasa ni Kuya yung nakasulat.

"Walang kasunod? Kahit pangalan man lang?" Tanong ni Kath.

"Wala eh. Ay eto pala! Hindi kayo makakalabas diyan. Habang namamatay sa takot ang mga magulang niyo kayo ang pagbabayarin namin sa mga nagawa ng magulang niyo sa mga magulang namin. Nagmamahal, Seth at Yen."

What the heck. Kinain na ng galit si Sedrick.

"GUYS! MAY NABASA RIN AKO DITO!" Sigaw ni Kath.

Lumapit kami sa kanya.

"Ano yan?" Tanong ni Kuya.

"Diary ata." Sagot ni Kath.

Binasa namin yung nasa pangalawang pahina ng notebook na iyon na siyang panghuli sa mga nakasulat doon.

Dear Diary,

Sana maging ligtas sina Sedrick, Lester at Lili. Diyos ko kayo na po ang bahala sa mga anak ko. Huwag niyo po silang pababayaan. Mamamatay na yata ako. Kung sino mang makakabasa nito, sana tulungan nyo ang mga anak ko. Parang awa nyo na..

~Theresa

"LESTER?!" Tanong ni DJ.

"ALAM KO ANG MGA NANGYARI PERO HINDI KO ALAM TO!" Sigaw ni Lester.

"Ano bang alam mo sa mga nangyari dati pare?" Tanong ko kay Lester dahil sigurado akong may alam si Lester dito. Kanina pa siyang tulala, malalim ang iniisip at namumutla.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 13, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Paglalaruan KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon