PKNB--16

408 6 0
                                    

"Teddy Bernardo?" Tanong niya.

"Opo.. Ayos lang po ba kayo Lola?" Tanong ko kay Lola.

"Ayos lang ako.. Pero ang Teddy Bernardong iyan.. Siya ang pumatay sa asawa ng anak ko.."

 

 

--CONTINUATION--

 

 


"A-ano po?" Tanong ko kay Lola dahil hindi ako makapaniwala sa mga naririnig ko.

"Pinatay niya ang asawa ng anak ko. Tandang tanda ko ang araw na yun. Wala ang dalawang anak na lalaki ng mag-asawa. Nandun lamang si Lili. Nakita ko ang malagim na pangyayari. Binaril din ako ng lalaking iyon at sa awa ng Diyos ay nabuhay pa ako. Nagising na lamang ako sa ospital at sa ospital na iyon ko nakilala si Daezen. Mabait na bata si Daezen. Siya ang nag-alaga sa akin. Naaalala niya daw kasi ang lola niya sa akin.." Sabi ni Lola Elisa.

Ang bait pala talaga ni Daezen. <3

"Eh.. Yun pong.. Anak niyo? Nasaan na po siya? Buhay pa po ba siya?" Tanong ko kay Lola Elisa.

"Oo. Buhay pa siya. Buhay na buhay pa siya.." Sabi ni Lola habang nakatingin sa kawalan.

"Nasaan na po siya? Bakit hindi niyo na po siya kasama? Dinadalaw niya pa po ba kayo?" Sabi ko ulit kay Lola Elisa.

"Hindi niya na ako naaalala." Tipid na sagot ni Lola.

"Po? Bakit naman pong hindi niya kayo naaalala? Ano po bang pangalan nung anak niyo?" Tanong ko.

"Ang pangalan niya ay Maria Theresa Montuano-Kabe." Sagot ni Lola.

At sa sagot niyang iyon.. Ay luminaw na sa akin ang sitwasyon. Ang aking ama ang pinakasalan ng nawawala niyang anak.

KATH's POV

 

 

Si Lester at DJ nag-uusap lang dun sa isang tabi. Masinsinan ang usapan nung dalawa. Ako, pinasok ko yung isang kwarto dun. Naupo ako sa higaan na may mantsa pa ng dugo. Mukhang matagal na atang walang tumitira sa bahay na 'to. May nakita akong isang parang libro sa ilalim ng lamesa. Kinuha ko ito. Medyo magabok na ito kaya pinagpagan ko muna. Binuklat ko ito at sinimulang magbasa.

Paglalaruan KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon