IKAW AY AKO

159 3 0
                                    


Sa mundong puno ng kasinungalingan
Ikaw lang ang lagi kong maaasahan
Ikaw lang aking pinagkakatiwalan
Dahil ikaw lang ang nakakaalam sa'king katauhan.

Sa mga araw ng aking kalungkutan
Ikaw lang ang palaging nandyan
Ikaw lang ang laging magpapatahan
Sapagkat ikaw lang ang nakakaramdam ng aking nararamdan.

Ngunit, Ikaw ay Ako Iisang tao lang tayo
Ikaw ay Ako, Iisang katawan lang tayo
Dahil ikaw ay gawa sa imahinasyon ko
Noong ako'y naiiwang nag iisa sa mundong ito.

Dahil Ikaw ay Ako kaya Iisa lang tayo
Ako'y baliw sa tingin ng mga tao
Kapag masaya at ngumingiti ako
Sapagkat alam nila'y palaging nag iisa ako

SPOKEN WORD POETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon