MAPAG KUNWARING MGA NGITI

76 1 0
                                    


Walang araw'ng hindi ka masaya,
laging maririnig sayo ang malakas mong tawa.
Laging maligaya na tila ba walang ka proble-problema,
Ngiting kay ganda!, abot hanggang tenga.

Mga biro mong di nakakasawa,
Nagbibigay tuwa sa bawat isa.
Pagtitipoy di kompleto kung wala ka,
Laging hinahanap ang iyong presensya.

Walang may batid sayong tunay na nadarama,
Wala may alam na pagod na pagod ka na.
Laging sinasabing "okay lang walang problema"
Kahit durog na durog kana.

Sa likod ng matatamis mong mga ngiti
ay may pighating pilit mong pinapawi.
Sa mga tawa mong kay lakas,
may problemang pinapanalanging mag wakas.

Oh kay hirap ng yung pinagdadanan,
Ayaw mong madama nila kung pano ka nahihirapan.
Ayaw mong makita nila ang iyong kahinaan
takot kang ikay husgahan.

Ang isang masayahing nilalang, ay may pinaka malungkot palang pinagdadaraanan,
Yung matigas na bato kung tawagin ng karamihan
ay may tinatagong ring  palang kahinaan.

Akala mo tunay ang kanyang mga ngiti,
Ngunit ang mga itoy isa lang pagkukunwari.
Laging tandaan hindi lahat ng nakangiti ay talagang masaya,
Kung minsan sila pa yung may napakalaking problema.

SPOKEN WORD POETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon