Hanggang saan nga ba ang kaya mong ibigay pagdating sa pag-ibig,
Hanggang kailan ka lalaban para maging matatag ang pagsasamang sinimulan ng di pinilit,
Hanggang kailan ang kaya mong tiiisin para maisalba ang pusong nanlalamig,
Hanggang saan hanggang kailan pipigilin ang pusong nagnanais na manumbalik.Wala sa tagal ng panahon nasusukat ang pagmamahal,
Wala sa haba ng oras kung ating pagbabasehan,
Ito'y nasa dalawang pusong kapwa nagmamahalan,
Dahil sa pag-ibig walang mahirap, walang mayaman lahat pantay-pantay.Kapag nagmamahal dapat may unawaan,
Hindi pwede mag isa lang dapat parehong lumalaban,
Hindi pwedeng ako di pwedeng ikaw lamang,
Dapat dalawa tayo o kayong kapwa parehong nagmamahal.Kaya't ang tanong ko hanggang kailan, hanggang saan,
Hanggang kailan ka tatagal sa relasyong iningatan, Hanggang saan dadalhin ng inyong kapalaran,
Walang tanging nakakaalam kung di ikaw at ako lamang.- Bogz Bacila
BINABASA MO ANG
SPOKEN WORD POETRY
PoesiaMs.G She's perfect But every time I look at her I feel insecure, But when I found out, I blacked out , Every time she's having a hard time Every night she can't see light, Many breakdowns and feeling down, She looks happy but inside she's drowni...