Sabi ng iba mas masakit kapag nasugatan ka,
Sapagkat dudugo ito at ang malala ay baka magka impeksyon pa!
Ngunit naranasan mo na bang umasa sa isang pangako ngunit sa huli ay mapapako din pala?
At higit sa lahat, naranasan mo na bang magmahal ng sobra,
Ngunit sa huli'y ipagpapalit ka parin sa iba?Hindi ba't mas masakit ang magmahal kaysa sa pisikal na masugatan?
Sapagkat hindi ka lang maiiwang luhaan,
Bagkos pati puso mo pang sugatan.
Kaya kahit masakit mang bumitaw sa isang relasyong matagal mo ng pinanghawakan,
Ngunit wala na tayong magagawa kung tayo nalang mismo ang mag-isang lumalaban.Kaya kaibigan nais ko lang na malaman mo na,
Walang masamang sumuko lalo na kapag alam mong wala na talaga,
Sapagkat mas masasaktan ka lang kung patuloy ka pang kakapit sa kanya.
Kaya kaibigan kapag di na ikaw, bitaw na!
BINABASA MO ANG
SPOKEN WORD POETRY
PoesíaMs.G She's perfect But every time I look at her I feel insecure, But when I found out, I blacked out , Every time she's having a hard time Every night she can't see light, Many breakdowns and feeling down, She looks happy but inside she's drowni...